Akala ko ay matatapos na ang araw kong ang kabit lang ng asawa ko ang makakaharap ko. Ngunit nang umuwi si manang Selly na galing sa ospital ay kasunod nitong dumating ang mga magulang ni Sebastian.
Bakit ko nga ba nakalimutan? Sa aming dalawa ni Sebastian ako lamang ang maagang nawalan ng magulang.
Pagkadating na pagkadating ni mama ay mag-asawang sampal agad ang isinalubong nito sa akin. Hindi na ako nagulat. Maaaring sinabi na dito ni manang Selly ang kahayupang nagawa ko sa anak nila. I didn't mind. I deserve it. Kung tutuusin ay kulang pa ang mag-asawang sampal sa ginawa ko sa kanilang anak. I have no reasons. I am ashamed of myself.
"Nagtiwala ako sa iyong hindi mo sasaktan ang anak ko, Amanda. Ipinaubaya ko sa iyo ang anak ko dahil mahal ka niya at akala ko ay mahal mo rin siya! Hindi ko alam na sa isang maruming babae pala napunta ang anak ko. Kung alam ko lamang ay hindi ko na sana siya hinayaang magpakasal sa iyo!"
Sigaw sa akin ng mama ni Sebastian.
Hawak siya ng kaniyang asawang may masama ding tingin sa akin, mula sa likuran. Pinipigilan itong sugyurin ako sa sobrang galit. Habang ako ay nakayuko lamang at tinatanggap ang lahat ng ibinabato ng mga ito sa akin.Nagsimula nang lumuha ang kaniyang ina. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang kaniyang ibinabato sa akin. Ramdam ko, dahil katulad niya, nawalan na din ako ng anak.
"You killed my son Amanda! You killed my son! Hinding-hindi kita mapapatawad! Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan! Malandi ka! Minahal ka ng anak ko! Minahal ka niya! How could you do this to him? Ni hindi mo man lang alam na may sakit siya!? All this time I thought inaagalaan mo siya dahil iyon lagi ang pakinig mo mula sa kaniya! Iyon pala ay nagpapakasasa ka na sa lalaki mo habang naghihirap ang anak ko? Gaano ka kasama, Amanda?! Paano mong natitiis ngumiti at maging masaya gayong ang anak ko'y nahihirapan na sa pag-hinga!?"
Napatunghay ako sa gulat. Alam ng mga magulang ni Sebastian ang kalagayan nito? B-bakit...b-bakit pakiramdam ko ay sa akin lamang niya ito hindi sinabi? B-bakit sa akin niya lamang ito itinago!?
I clutched my chest as excruciating pain keeps eating my hear up. Napakasakit. Papaano niyang nagawang ilihim sa akin ito? Bakit Sebastian!? Mananatili naman ako sa tabi mo eh. Sana sinabi mo, sana sinabi mo mahal ko. Bakit? G-ganito rin ba kasakit ang nararamdaman mo noon? Ganito ba? I sobbed.
Hindi, Amanda. Kulang pa ang sakit na nararamdaman mo ngayon sa sakit na ipinaranas mo sa iyong asawa...
"Huwag kang umiyak! You don't have the right to cry in front of me! Ano? Nagsisisi ka na? Nagsisisi ka na ba sa ginawa mo sa anak ko!? You are a murderer Amanda! A murderer!! Tandaan yan! Na kaya namatay ang anak ko ay dahil sa kapabayaan ninyo! No wonder my apo died. Dahil isa kang pabayang babae! A selfish b*tch!"
Napakagat labi ako, pinipilit nilalabanan ang mga hikbing nais kumawala sa aking mga labi. Napakasakit. Ang sakit Sebastian. Ang sakit...
"Corazon!"
Awat dito ni tito Cris, ang ama ni Sebastian.
Sa sigaw na ginawa ni tito Cris ay tuluyan na ngang nanghina si tita Cora. Napa-upo ito sa sahig sa sobrang pag-iyak. Mabuti na lamang at naroon si tito Cris, upang saluhin ito.
"M-ma—"
Sinubukan ko itong tawagin ngunit tinapunan lamang ako nito ng masamang tingin.
"Don't call me that! Never call me that name again! Hindi kita anak! Hindi kita kaano-ano! Wala akong kilalang mamamatay tao!"
Sa bawat salitang aking natatanggap mula sa kanila ay ang patuloy na pagkadurog ng aking puso. Noon lamang ay mahal pa ako ng mga ito. Tinanggap nila ako ng buong-buo lalo na noong namatay ang aking ama at ina. Tinanggap nila ako, binihisan at pinakain. Pinag-aral sa gusto kong kurso. Hindi sila nagkulang sa pag papalaki sa akin. Ngunit ano itong isinukli ko? Pinatay ko ang kaisa-isa nilang anak. Pinatay ko ang lalaking mahal ko. Pinatay ko ang asawa ko. Kasalanan ko. Kahit pa ilang beses akong humingi ng tawad, kahit pa lumuhod ako't umiyak ng dugo sa harapan ng mga ito. Hindi na nito maibabalik pa ang buhay ng taong pinakamamahal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/286896225-288-k230613.jpg)
BINABASA MO ANG
Boundless Time
Fiksi UmumWe only have one life to live, many chances taken for granted. Until it was gone leaving only regret to perceive. Then time played its game, taking me back in time. Confused to why, was it my last chance to make it right? If so, then I don't have m...