Kabanata IX

19 0 0
                                        


Pagkatapos naming kumain ng lunch ay hinatid namin sila mommy at daddy sa tapat ng bahay. Naroon na si manong Val at inaayos ang mga bagahe nila mommy sa likod ng sasakyan.

Humalik sa aking pisngi si mommy bilang pagpapaalam.

"Mag-iingat ka anak. We will call home everyday to check up on you, ok? Alagaan mo na rin ang fiancé mo."

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang itinawag ni mommy kay Sebastian. Binigyan ko na lamang si mommy ng isang tipid na ngiti bago wala sa sariling napatunghay sa katabi kong si Sebastian. Nakatingin ito kay daddy at kunwaring hindi narinig ang sinabi ni mommy. Nalabaling kay daddy ang atensyon ko ng hilahin nito ako sa yakap.

"Take care princess. Pagdating namin after a month ay magdi-dinner tayo with Sebastian's parents so prepare yourself and be a good girl to your fiancé while we're gone. Stay out of trouble, ok Amanda?"

Tumango ako, "Yes dad."

Naglakad na sila ni mommy papasok ng kotse. And before the car leave, I waved them goodbye.

Naroon lamang kami sa hamba ng pinto, habang hinihintay na mawala sa paningin namin ang kotseng lulan nila mommy at daddy. Nang tuluyan na itong makalabas sa gate ay doon agad umalis sa tabi ko si Sebastian papasok muli sa bahay.

"Sebastia!

Habol ko dito ngunit hindi nito ako tinignan, ni hindi rin ito huminto kahit pa narinig nito ang pagtawag ko. Dere-deretso itong tumaas sa hagdan. Ako naman ay nakasunod pa rin sa kaniya.

He opened his door room and was about to shut the door when I run and stopped him from doing so.

"Sebastian saglit!"

Nakakunot ang noo nitong napatingin sa akin. I hate how his eyes shows so much contempt and hate.

"What?"

"U-uhmmm...d-do you like to watch a movie? Maaga pa kasi, we can watch something at the living room to kill some time. "

Deretso ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Umaasa na sasang-ayon siya sa gusto kong mangyari. But who am I kidding? Galit ito sa akin.

"Is that all you need to say? You've wasted my time again woman. Get the fuck out of my sight. Go watch on your own or better yet find yourself a man to kill some time. Isn't that what you do best?"

Napakagat labi ako't napayuko lamang habang tuluyan na niyang isinara ng pabagsak ang kaniyang pinto. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa sarili silid at doon hinayaan ang sarili na lumuha. Masakit pa rin. Hindi ako sanay na ganito ang trato nito sa akin. Alam kong kasalanan ko, and I don't have the rights to complain. This is the consequences of my own infidelity. Who am I to cry and feel pain? I have made him feel much worst. So who am I to ask even a little of his time?

Damn Amanda. Paano ako hihingi ng tawad? Paano ko siya maibabalik sa piling ko? Fiancé ko nga siya pero ako lang naman ang may gusto. Ako ang nagpumilit. Kaya sino ako para pagtuonan nito ng pansin?

But heck I love him. At ang sakit dahil patuloy ang nararamdaman kong panghihinayang. Malaki ang nagawa kong kasalanan sa kaniya at sa anak namin. How am I supposed to atone to my sins? Paano niya ako mapapatawad kung sa tuwing titingin ito sa akin ay ipinapaalala ko ang sakit na dinanas nito noong kami ay kasal pa?

Pinalis ko ang aking mga luha. Walang silbi ang pag-iyak. Hindi naman nito maibabalik si Sebastian. Hindi pa rin nito ako mapapatawad kahit pa lumuha ako ng dugo. So what am I supposed to do? Ni wala akong kaibigang mapagsasabihan. Wala....

Ngayon ko lamang napagtanto na wala akong ni isang kaibigan noon. I was alone. I never had a friend that I can call. Everything in my life is done wrong that even my marriage went wrong.

Boundless TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon