Dominique
"Ang aga natin ha?"
Mabilis akong lumapit at yumakap rito kaya natawa ito sa akin. Niyakap din ako nito pabalik bago halikan ang noo ko.
"Ayoko kasi ma-late ma." Wika ko ng kumalas ako rito at baka mamaya ay pagtinginan pa kami. Ayoko ng atensyon lalo pa't marami na rin ang mga estudyante. Gusto ko kasing pormal kami sa loob ng paaralan ano man ang relasyon namin.
"Kumusta ka naman sweetheart?" Tanong nito ng maglakad na kami pareho. I think nagkasunod lang kami kaninang dumating.
Napangiwi ako sa tinawag nito sa akin. Kahit kailan ay matigas din ang ulo ni mama Risen.
"Si mama parang hindi tayo nagkita last week."
Natawa na naman ito. "Oh siya mauna na ako sa admin ok? Nandoon na sa room niyo si Jazmine dahil nauna na iyon sa akin na dumating. I have to make sure everything's alright dahil first day." Kumindat pa ito sa akin. "Go ahead and your cousin's probably waiting for you o di naman ay nakikipagkwentuhan na naman siguro ang pinsan mong iyon sa mga kaklase niyo doon."
Gusto kong mapa-face palm ng maalala ko ang pinsan kong bunsong anak nito at ni Tita Allison. Si Jazmine kasi ay sobrang maloko kagaya ni mama Risen.
Magka-klase kami ni Jazmine. Pareho kami ng course na Architecture Engineering at ang unang klase namin ngayon ay Mathematics.
Pagkatapos non ay dumiretso na ako sa aming classroom pero hindi ko inaasahang may makabanggaan ako.
"Oh my gosh!"
Napaupo pa ito at laking gulat ko ng makita si mama Snow at may kasama itong isang professor dahil nakasuot ito ng uniform pero hindi ko muna ito pinagtuonan ng pansin dahil ang Tita ko ay kailangan ng tulong.
"Ma'am, I'm sorry po." Mabilis ko itong tinulongang makatayo. "Hindi ko po sinasadya."
Ngumiti ito sa akin ng makita ako. "It's ok Domi-"
"Ma'am I have to go. Male-late na po ako. Sorry po talaga." Putol ko sa sasabihin nito dahil ayoko ngang nalalaman ng iba kung anong totoong relasyon namin at alam kong naintindihan iyon ni mama Snow.
"It's ok. Just be careful next time."
Nabaling ang pansin ko sa babaeng propesorang katabi nito.
My gosh! Sigaw ng isipan ko ng matitigan ito. She's tall, fair skin, flawless, sexy, and hot. In short. She's gorgeous!
"Good morning po." Bati ko rito.
She didn't smile. Her facial expression didn't change. Mukhang mataray at masungit ito idagdag pang snob yata rin. Nakakaagaw pansin ang magaganda nitong brown na mata at ang namumula nitong mga labi pati ang matangos nitong ilong pero alam ko na. Kung gaano ito kaganda, sa ugali nito ngayon pa lang ay hindi ako sigurado.
Her eyes were cold na kahit ako ay apektado sa tingin nito. Nakatingin lang kasi ito na parang nanunuri.
"I'll take care ma'am. Thank you. Excuse me po." Baling ko kay mama Snow bago umalis doon.
Ng makarating ako sa classroom namin ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag.
"Hey!" Sigaw ni Jazmine sa akin bago ito lumapit at niyakap ako. True to mama Risen's words. Nadatnan ko nga itong kausap si Sandy at Sandra. Ang kambal na anak ni Don Ejercito Pacifico.
Inilabas ni Jazmine ang panyo nito at pinunasan ang pawis ko sa noo.
"Namumutla ka cous. Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito kaya tumango lang ako. Inakay ako nito paupo saka ako nito binigyan ng isang bottled water. Ininom ko naman agad dahil parang natuyuan nga ako ng lalamunan dahil sa nangyari kanina. Ngayon ko lang din napagtantong nanginginig ako.
Hinalungkat nito ang bag ko bago kumuha ng gamot at ipainom iyon sa akin. Right, I ate my breakfast but I didn't take my medicine yet.
"Ayos ka na ba?" Nag-aalala pa ring tanong nito bago ako nito niyakap. "Tatawagan ko si mama Frances-"
"No, I'm fine." Putol ko rito.
Natahimik ang lahat ng mga kaklase namin bago mabilis na kumalas ng yakap si Jazmine at umayos ng upo.
Bipolar talaga ito kahit kailan. Naupo na rin ako ng maayos pero parang may nahagip ang mga mata ko sa pintuan since nakatalikod kasi ako kanina dahil nakaharap ako kay Jazmine.
I didn't think twice to look at it again at gustong mamula ang mukha ko pero pinigilan ko ng makitang nakatayo doon ang professor kanina na kasama ni mama Snow. May shoulder bag itong bitbit. May mga librong hawak at isang bag na sa tingin ko ang laman ay laptop.
Noon lang din pumasok sa isipan ko na baka ito ang professor namin sa ngayon pero alam kong bago pa lang ito. No, it can't be! I don't want her to be my professor dahil una. Nakakadistract ang kagandahan at kasexyhan nito. Right, I'm safe but I don't know what this woman's capable of.
And she's a professor? That means may utak ito. Beauty and brains. That's hot!
Pumasok itong walang imik at parang nanlalamig na rin ang kanina'y maingay at masayahing kwarto. Inilapag nito ang bag sa lamesa pati na rin ang mga libro at laptop nito.
All I can hear is her heels ticking on the floor at kahit iyon pa lang ay nakakatakot na dahil ayoko ring tignan ang mukha nito. Oo nga't maganda. Magandang maganda pero mapanganib ang mga mata nitong malamig.
Narinig kong hinila nito ang upoan at alam kong naupo ito. Sobrang tahimik na parang nakakabingi. Ramdam rin siguro ng mga kaklase ko ang kadilimang dala dala nito.
Nagsidatingan pa ang ibang mga kaklase namin at halos lahat kami ay nagpapakiramdaman na lang. Ng tumunog ang bell ay kasabay non ang pagtayo nito bago ang lagutok ng takong ng isinara nito ang pinto. She came back at napansin kong may hawak itong marker. Dumiretso ito sa white board para magsulat.
"I am your new Mathematics professor and will be your Computer Science and Art professor as well." Pati boses nito ay malamig pero ang sarap pa ring pakinggan.
Ibig sabihin non dalawa ang subjects namin dito? How the heck. She's brainy!
"Call me, Mrs. Knutson."
Mrs.? As in Mrs.?! May asawa na ito?!
Nagkatinginan kami ni Jazmine.
"What the heck!" Mahinang mura nito. "She's too hot to become a wife of somebody!"
"Shut up!" Mahinang suway ko rito.
Umikot lang ang mga mata nito sa akin. Pagbaling ko ng pansin ay nakatingin si Mrs. Knutson sa akin ng napakalamig.
Something tells me that I'm in big trouble with her. That she hates me. I can see it in her eyes how she dislikes me.
Patay!
BINABASA MO ANG
Falling For Mrs. Knutson (Completed)
Short StoryDominique Selenophile * Mikaela Rielle