Chapter 5

16.3K 714 48
                                    

Dominique

"Use it." Binigay nito ang cellphone nito sa akin habang nakatingin ng deretso sa daanan. Wala itong emosyon sa mukha nito.

Napalunok ako bago ito abutin. Ang siste kasi ay natatakot ako sa kalamigan nito at natatakot din akong tumanggi. Mamaya ibagsak ako nito sa klase.

Medyo nanginginig ako. Hindi ko alam kung dahil sa kalamigan ng aircon o dala ng takot ko sa propesora ko.

I swipe her phone to open at himalang wala itong password. Gusto kong matulala sa wallpaper nito. Wala itong emosyong nakatitig sa camera. Pati ba naman sa picture ay ganito ito kalamig? Parang fierce look ng isang modelo and I admit she's really gorgeous. A hottie to be exact.

Dahil memorize ko rin naman ang number ni mommy. I tap on the phone saka ito idinial. Dalawang ring pa lang ay sumagot na ito.

"Mom-"

"Dominique Selenophile Kiefer Howard!"

Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko sa lakas ng boses nito.

"Nasaan ka at sinong may number ang gamit mo ngayon?!"

"Mommy-"

"Tumawag ang kuya mo sa akin dahil hindi ka raw ma-contact at kasasabi lang niyang hindi ka niya masusundo dahil baha na raw ang daan papuntang school niyo. Si Ilver na ang susundo sa iyo dahil may dinner tayo kina Tita Snow mo."

Napakamot ako sa aking kilay.

"Mommy let me speak please. Na-lowbatt po ang cellphone ko. Pinahiram lang po ako para makausap ka. Sabihin mo po kay kuya Ilver na huwag na akong sunduin sa school dahil nagmagandang loob po si ma-"

"Who took you young lady?!" Naghi-histerikal na tanong nito.

Napasapo ako sa aking pisngi.

"Mommy it's not what you think. Hindi po ako na-kidnap. Basta mommy, sabihan mo si kuya Ilver na sunduin po ako-"

"Nasaan ka ba Selenophile?! I'm worried sick in here!"

Tinakpan ko ang mouthpiece ng cellphone bago kinakabahang napalunok. Bumaling ako kay Mrs. Knutson.

"Ma'am ibaba niyo na lang po ako sa may Friosk restaurant at doon na lang po nila ako susunduin." Total naman ay madadaanan namin ang restaurant na iyon.

Sumulyap ito sa akin saglit bago ibaling ang pansin sa daan. Wala yata akong mahihitang sagot dito.

"Ok."

Ibinalik ko ang cellphone nito sa tainga ko.

"Sweetheart ano?! Nasaan ka na?!"

"Mommy calm down ok? Sa Friosk restaurant po ako susundoin ni kuya Ilver."

Matagal bago ito nakasagot. "May date ka?"

I rolled my eyes. "Bye mom. I love you." Saka ko na ito pinatayan at ipinatong sa dashboard ang cellphone ni Mrs. Knutson.

"Thank you nga pala-"

"Don't mention it." Putol nito sa akin. May attitude talaga. "Ayokong magkaroon ng utang na loob. Patas na tayo."

Napanganga ako sa sinabi nito. Why does she have to be like this? I mean it's rude pero wala naman akong magagawa. Propesora ko pa rin ito at kailangan ko itong igalang kahit napakawalang modo at emosyon nito.

Pagdating namin sa Friosk restaurant ay hindi ito nag-park sa mismong parking area kundi itinabi lang nito sa kalsada.

"Thank you po ulit." Saka ko na tinanggal ang seatbelt ko. Bahala itong magalit basta magpapasalamat pa rin ako dahil iyon ang tama.

"Stay."

Natigilan ako. Bakit kahit konting salita lang nito ay nangingibabaw pa rin ang impluwensyang taglay nito?

Alam ko na rin naman ang gusto nitong iparating. Hindi ako nito pinapayagang umalis ng sasakyan nito at maghintay sa loob ng restaurant bagkos ay hihintayin namin ang sundo ko rito at aalis lang ito kapag safe na ako.

Ibang klase si Mrs. Knutson.

Ilang sandali pa kaming naghintay habang aligaga ako. I want to go out and get away from my cold professor at hinihiling ko na sana ay dumating na si kuya Ilver.

Pagkaraan ng bente minutos ay may pumaradang sasakyan sa harapan namin. Nandito na si kuya Ilver kaya para akong nabunotan ng tinik. Isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat saka bumaling ng tingin kay Mrs. Knutson.

"Ma'am aalis na po ako."

Pero wala itong reaksyon. Malamig itong nakatingin sa harapan habang walang emosyon ang mukha nito.

Hmp! Manhid! Bato!

Nakita kong bumaba si kuya Ilver at nakapayong ito habang may isa pang payong itong dala para sa akin. Bago pa ito makapunta sa restaurant ay narinig ko ang pag-click ng pintuan. Ibig sabihin ay binuksan na ito ni Mrs. Knutson.

"Thank you po." I said before I got out.

Mabilis naman akong pinayungan ni kuya Ilver ng makita akong papalabas na ng sasakyan. Hindi na ako lumingon pa kay Mrs. Knutson ng maglakad ako. What for e ang sungit sungit nito.

Pagkapasok ko sa sasakyan ay inayos ko ang sarili ko. Nagmaneho na si kuya Ilver at nilisan namin ang lugar na iyon. Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang ulan at pati na rin ang hangin. May bagyo ba?

Tumigil kami sa isang tabi bago nag-U turn si kuya Ilver. Napakunot noo ako.

"Ma'am hindi na po tayo makakadaan. Ang taas na po ng baha. Ayaw ko pong ilagay kayo sa alanganin lalo na't kailangan niyo pong magpahinga. Tatawagan ko po si ma'am Frances."

"Kuya ako na ang magsasabi." Binigay naman nito ang cellphone nito.

"Hello mom?" Pagkasagot nito.

"I'm glad you're with Ilver now." Rinig kong nakahinga ito ng maluwag.

"Mommy. Hindi na po ako makakauwi. Baha po kaya hindi ako makakasali sa dinner. Magho-hotel po ako."

"No don't. I can let someone pick you up by a helicopter-"

"Mommy may bagyo po yata. Mas delikado. Magpapalipas na lang po ako ng gabi sa Hyanth Hotel-"

"Doon ka na lang sa Hyanth Condominiums. Mas panatag ang loob ko doon. Ayaw kitang nakikihalubilo sa mga bisita. At least sa condo ay mga residente ang umuukopa doon. Binigyan ka naman na ng Tita Snow mo ng unit doon at kompleto. I have nothing to worry kapag nandoon ka. Magpapadala na lang ako ng food sa iyo galing sa restaurant ng mama Scarlet mo o kay Tita Risen mo. You choose."

Napapailing na lang ako rito kahit hindi ako nito nakikita.

"Both po pero mommy si kuya Ilver po-"

"Don't worry about him sweetheart. May mga bakante pang condo doon. Same floor kayong dalawa. I will text him later kung saan siya banda uukopa basta malapit lang din sa iyo."

"Thanks mom."

"Take care. I'll see you tomorrow then and keep safe sweetheart. I love you."

"Love you too. Bye." Bumaling ako kay kuya Ilver pagkatapos kong ibigay ang phone dito. "Hyanth Condominiums kuya."

"Yes ma'am."

Napasandal ako bago napapikit. I remembered Mrs. Knutson awhile ago. Bakit ba ang sungit nito? Gusto kong malaman kung bakit ganun na lang ang sama ng loob nito sa mundo.

You're an interesting person for me to find out Mrs. Knutson.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon