Chapter 17

15K 677 23
                                    

Dominique

"Mrs. Howard, hindi na po maganda ang kalagayan ng anak niyo. Kailangan na niyang maoperahan sa lalong madaling panahon." Dinig kong wika ni Doktor Louise.

"No possible donor Doc. Kung saan saan na kami naghanap and we're willing to triple the price pero wala siyang ka-match. Hindi naman basta pwede na lang kumuha diyan." Wika ni mama Scarlet.

"That's the problem Mrs. Howard. Sa mga recipients kasi, we have to consider some factors na dapat magka-size sila, sa blood type at kung gaano na kalala ang sakit ng pasyente. And after surgery there will be a rejection, they will suffer at least one complication. Either cardiac allograft vasculopathy, chronic kidney disease, infection and malignancy with increasing incidence during post-transplant follow-up or graft dysfunction. They will take some medicines for the rest of their lives and the sad truth about it, seventy five percent of the patients live at least five years after surgery and others live ten to sixteen years depending on their age and general health."

Narinig kong umiyak si mommy Frances habang si mama ay natahimik na.

So ibig sabihin kapag naoperahan ako. May posibilidad na five years na lang ang life span ko pero dahil bata pa ako. Pwede akong umabot ng ten to sixteen years kung su-swertehin?

Para akong nanghina dahil sa mga narinig ko. I don't wanna die young pero may choice ba ako? Ngayon pa nga lang e nag-aalangan na ang kalusugan ko. I have severe asthma too.

"I'll try harder to find a donor. I'm searching everywhere you know for potential candidates in ten countries pero wala pang tawag. If we get it, as soon as possible. Sa States siya magpapa-surgery."

"Sana magkaroon agad Mrs. Howard. Dominique needed it so badly. Monitor her in take of medicines. Call me anytime, I have to go Mrs. Howard."

"Thank you Doc."

Ilang sandaling narinig ko ang paghikbi ni mommy bago ito tumigil.

"You haven't find any in Holland?"

"Wala sweetheart." Kaya ba ito natagalan noon sa Holland dahil sa akin?

"Scarlet hindi ko kaya kapag nawala sa akin ang anak ko!"

"Anak ko rin sweetheart. Akala mo ba wala akong ginagawa? Halos hindi na ako tumitigil sa paghahanap pero hindi madali. Ang chances non, hindi lang naman tayo. Four thousand ang naghahanap at mas marami tayong nangangailangan kesa sa mga donor. We both know that."

Hindi sumagot si mommy pero naramdaman ko ang paghaplos nito sa noo ko. What happened earlier? After I got home from school ay ok pa ako pero pagkatapos naming kumain ng dinner ay nahimatay ako. And now, I have fever again and it's not a good sign for me.

"Iiwan muna kita dito sweetheart. Tatawagan ko lang muna ang Ate mo."

Narinig ko ang paghalik nito kay mommy at naramdaman ko rin ang paghalik nito sa noo ko. Ng sumara ang pinto ay unti unti akong nagmulat ng mga mata ko. Nakita ko si mommy Frances na nakayuko habang hawak hawak nito ang kanang kamay ko.

"Mommy." Paos kong tawag rito.

Mabilis itong nag-angat ng tingin sa akin. Halata ang mga mata nitong kagagaling sa pag-iyak.

"Selenophile huwag ka munang magsasalita." Wika nito. "Here drink some water."

Inabot nito ang isang basong tubig at pinainom ako nito.

"I'll sleep here with you tonight. Babantayan kita."

Naaawa ako kay mommy sa totoo lang. Andami naman kasing pwedeng magkasakit, iyong patapon ang mga buhay pero bakit ako pa? Syempre kapag nawala ako. Masasaktan si mommy at mama ng sobra. I often heard na mas masakit mawalan ng anak kesa sa asawa. Either way, I don't want to hurt them both.

Dahan dahan itong sumampa sa aking kama at nahiga sa tabi ko. Lumapit ako rito at sumandal sa dibdib nito bago yumakap saka nagpikit ng mga mata. Wala ng ibang lugar na mas komportable at mas ligtas kaysa sa bisig ng isang ina.

"Mommy."

"Don't talk Selenophile. Rest, bukas hindi ka muna papasok."

"But I want to go mommy. Bukas ok na po ako."

"Huwag matigas ang ulo."

"I don't want to stay here all day and feel sulky mommy."

Napabuntong hininga ito. "Si Tita Snow mo tumigil sa pag-aaral noon dahil sa kanyang sakit. Education isn't late. Matalino ka pero mas kailangan mong magpagamot muna at iyon ang mas importante ngayon. Nothing else Selenophile. You are studying to have a good future but we're one of the filthy rich. Money sits in the bank but your life. Iisa lang ang buhay mo."

"I love you mommy." Iyon na lang ang nasabi ko. I know they're sacrificing and doing everything for me to live. At sobrang blessed ko na sila ang naging magulang ko. I've got a perfect family.

"I love you most Selenophile. Now sleep. You need some rest at bukas. Pupunta tayo sa resort. Mas makakabuti ang sariwang hangin doon sayo."

"I'm still thinking to go in school mommy."

"Sleep for now." Hinalikan nito ang noo ko.

Mag-isa si Jazzy na pupunta sa school bukas kung ganun. Sana magaling na ako. I still want to go to school. School is fun and I'm enjoying it pwera na lang kay Mrs. Knutson. She's no fun at all. Walang happiness sa katawan nito. Puro kasungitan at kalamigan which is unhealthy for me.

Remind me why I am thinking about that cold woman, again.



*****


"Malakas ka na naman na parang kabayo ah. Parang walang nangyari!" Tukso sa akin ni Jazmine ng sundoin ako nito.

Well, I am ok again at napilit ko rin si mommy na papasok ako sa school ngayon. Sa Friday na lang kami pupunta ng resort para mas matagal kami doon. Si Kuya Ilver dapat ang maghahatid sa akin pero sinabi kong susunduin ako ni Jazmine.

"Bilin ko sweetheart huwag kang magpapagod doon. Sa office ko, doon muna kayo maglagi at magpapadala na lang ako ng pagkain niyo doon."

"Sige mommy." Ayoko ng kumontra pa at pumayag na itong pumasok ako kahit labag sa loob nito. Now, I have to be a good and obedient young woman. "I love you." I kissed her cheek pero niyakap ako nito.

"I love you too."

Ng kumalas ako rito ay si Jazmine naman ang yumakap rito. "I love you mama Frances."

Natawa rito si mommy. Ganun naman kaming lahat na magpipinsan. Kapag nakita ko ang mga Tita ko, mama ang tawag ko sa kanila at yumayakap rin ako. Sa pamilya namin, normal ang madalas na pagsasabi ng mahal kita sa isa't isa.

"Drive safe Jazzy." Hinaplos pa ni mommy ang likuran nito bago kumalas ng yakap.

"Opo Ma. Alis na po kami." Kumaway pa ito kay mommy bago pumasok sa loob ng sasakyan nito.

"Alis na kami mommy."

"Mga bilin ko Selenophile."

"Opo mommy. Bye!" Saka ako pumasok sa passenger seat ng sasakyan ni Jazzy at nag-seat belt. "Ano tara na?" Yaya ko rito ng umandar ang makina.

Tumingin ito sa akin bago ngumisi. Nakikita ko ang ngisi ni mama Risen dito and I don't like it. Masyadong creepy.

"Ready to die?"

I don't want to cuss because it's not my thing pero..

"Tang ina mo ha."

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon