Dominique
"Anong problema anak?" Si mommy Frances ng pumasok ito sa kwarto ko.
"Wala mommy. Stressed lang sa school." Sagot ko ritong hindi lumilingon. Nakahiga ako ngayon sa aking kama. Wala na naman akong gana at gusto ko lang mapag-isa.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito bago tuloyang lumapit sa akin. I close my eyes. Naramdaman ko ang paglundo ng kama ko bago ang pagyakap nito sa akin.
"You don't have to be stress sweetheart pero hindi mo rin kailangang mag-imbento ng salita para lang hindi ko mahalata. I'm your mom at alam ko kung may problema ka."
Hindi ako nagsalita dahil sa totoo lang ay nasasaktan ako.
"Napapansin ko ang pananamlay mo sa mga nakaraang araw. Sinasabi lahat ng mga mata mo and I could see that pure sadness. Is it about your health? Magaling ka na at ang kailangan mo lang ay ipahinga ng husto ang puso mo dahil hindi pa iyan naghihilom. It will take a year to fully recover it. Ibig sabihin ay hindi ka gagawa ng makakasama sa puso mo sa isang taon na iyon."
"Hindi naman po ang kalusogan ko mommy." Nanatili lang na nakapikit ang mga mata ko.
"Then what is it?"
Napabuntong hininga ako. "There's this woman I fell in love with mommy."
"That's a good news. So anong nangyari? Nabasted ka ba kaya ka nagkakaganyan?"
Nagmulat ako ng mga mata bago tumingin sa bintana. Madilim ang kalangitan at mukhang uulan. Hindi ko alam kung nakikisimpatya ang panahon sa akin.
Again, I close my eyes at naalala ko na naman ang mga masasakit na salita ni Mikaela sa akin. Paano nito nagagawa sa akin ang bagay na ito? Oo mahal ko ito at alam kong hindi parehas ang nararamdaman namin pero ang itanggi nitong anak ko ang dinadala nito at gusto akong tanggalan ng karapatan ay sobrang sakit.
Wala naman akong ginawang masama. When we made that baby, it was out of love for her pero para sa akin ay hindi. I am so happy when I had her kasi akala ko mapapasa akin na siya pero nabasted ako. Ng malaman kong buntis ito ay bumangon ang pag-asang maaayos namin ang lahat at makakamit ko na ang inaasam kong kompletong pamilya rito.
Handa naman kasi akong maghintay kahit hindi ako nito mahal. We can live together and let her fall in love afterwards pero heto ang nangyari at mas lalong lumala.
Mikaela Knutson doesn't want anything to do with me especially with the baby.
"You know mom. Pwede mong sabihing walang pag-asa. Mas masakit kasing pakinggan ang nabasted, palagay ko ang pangit pangit ko non." Nagmulat ako ng mga mata saka tumingin rito ng kumalas ito ng yakap sa akin.
"Walang pangit na Giudevaun." Pagtatanggol nito.
"Howard po ako mommy."
"Sa akin ka nagmana." Giit nito.
"Kaya pala may panusok ako."
"Iyon lang ang namana mo sa mama mo pero lahat na ay sa akin ok?"
Napangiti ako rito. Hindi talaga ito papatalo.
"So what about this woman?"
"She's a professor."
"Komplikado pero sa part na iyan anak. Nakuha mo kay Tita Snow mo."
It doesn't mean na naging asawa ni mama Snow si Tita Natasha na professor din nito noon ay nakuha ko na rito. Hindi namamana ang minamahal.
"O pwedeng pwede mong nakuha sa tarantadong Tita Risen mo."
Until now ay asar na asar pa rin si mommy kay mama Risen. Wika nito ay super bad influence daw si mama Risen lalo na noong kabataan pa nito. Alaskador at eksperto sa mga pagbabanta.
BINABASA MO ANG
Falling For Mrs. Knutson (Completed)
Short StoryDominique Selenophile * Mikaela Rielle