Dominique
"Mommy."
Tumingin sa akin si mommy Frances habang nakaupo kami sa lounge. Sunday ngayon kaya lumabas kami para mag-bonding bilang isang pamilya. Matagal na rin kasi naming hindi nagagawa dahil nga nagpunta si mama Scarlet sa Holland noon. Si Kuya Thunder ay abala din naman sa negosyo.
"Ano iyon sweetheart?"
"Ano pong mangyayari kapag namatay ang isang tao?"
"Now why is that? Hindi ko gustong naririnig iyan sa iyo Selenophile. Besides, hindi ko alam. Malalaman lang talaga kapag nandon na mismo."
Napabuntong hininga ako. Lumapit si mommy sa akin at hinawakan nito ang baba ko.
"Nothing will happen to you. We're still finding the right match for you."
Napangiti ako rito pero hinalikan lang nito ang magkabilaang pisngi pati na rin ang noo ko.
"You're too precious for me to lose you. Now now, wala ka pa bang napupusoan sa school niyo?"
Tinignan ko ito ng alanganin. "Wala?"
Natawa si mommy sa akin. "Bakit parang hindi ka yata sigurado sweetheart?" Alam kong nanunukso ito pero kapag pinatulan. Nagiging asar talo kaya nga gustong gusto itong pinagti-tripan ni mama Risen e.
Then the image of Mrs. Knutson pop out. Sinfully gorgeous. Sophisticated and snob.
Sungkitin mo. Naalala ko ang sinabi ni mama Scarlet sa akin kaya wala sa loob na napakamot ako sa ulo.
"Mommy, ano kaya kung sungkitin ko kahit may asawa na?"
Nanlaki ang mga mata nito sa akin. Gusto kong matawa sa mukha nito.
"No! Look sweetheart, hindi mo gagawin ang bagay na iyon ok? Hindi tama."
"Propesora ko po." Gatong ko pa at mas lalong nanlaki pa ang mga mata nito.
Hindi ko na napigilan kaya't natawa na ako. Tinakpan ko ang aking bibig pero hindi ko napaghandaan ang pagpingot ni mommy sa tenga ko. Hindi naman grabe pero masakit pa rin.
"Aray mommy! Nagbibiro lang ako."
"Hindi nakakatuwa iyang biro mo. Anak, maghanap ka ng iba ok? Huwag sa may sabit kasi mahirap iyon. Either ikaw ang piliin kung pareho kayo ng nararamdaman o ang asawa pa rin kung ikaw lang ang nagmamahal. O kung ikaw man ang piliin. Maraming consequences, handa ka ba don? You will have a lot of heartaches coming in your way. Marami kang isasakripisyo. Marami kang itataya. Handa ka ba non?"
Napangiti ako. "Hindi po ba kapag mahal mo mommy hahamakin mo ang lahat? As long as you have trust and faith sa taong iyon. Then the love will conquer it. Ikaw nga diyan mommy niloko mo si mama at pinaasa tapos-"
Hinalikan nito ang pisngi ko. "That was done. Nagsisi ako, humingi ako ng tawad at bumawi pero magkaiba ang kaso namin sa sinasabi mong gusto mo ang may asawang propesora mo." Napabuntong hininga ito bago ako niyakap kaya niyakap ko rin ito pabalik.
"We cannot choose the person we fall in love to. Tama man o mali. It's your choice after all kung susundin mo ang sinasabi ng puso mo. Only you can make yourself happy and free and your choices matter. Hindi ko sasabihing mali ang taong minahal mo pero mahal ka ba?"
"Tamo tung mahal kong konsintidor."
Natawa ako sa bungad ni mama Scarlet. Kumalas ng yakap sa akin si mommy. "Kaysa naman sa iyong puro kalokohan ang inaaral mo sa mga anak natin."
Naupo si mama Scarlet sa gilid ng lounge ko. "Anong pinag-uusapan niyo?"
"Si Selenophile. May crush sa kanyang professor."
Natawa ito. "Iyong maganda last time?"
Sumama ang timpla ng mukha ni mommy Frances. "Sinong maganda ngayon sa paningin mo Scarlet?"
Natawa si mama rito. "Ikaw lang sweetheart at syempre ang mamanugangin natin."
Napailing ako sa mga ito. "I was just kidding." Saka ako natawa. Hindi maipinta ang mukha ni mommy Frances habang si mama Scarlet ay tawang tawa.
"You're just kidding?" Ulit pa nito kaya tumango ako.
"She's not my crush mommy. Bakit ako magkakagusto don e ang sungit sungit po non? Mataray, malamig, masama ang ugali. Nakakatakot po siya sa totoo lang. Mangkukulam nga ang tingin ko sa kanya."
Natawa silang dalawa sa akin.
"Huwag masyado bunso. Mamaya kainin mo iyang sinasabi mo." Si Kuya Thunder at kinindatan pa ako nito habang kinukuskos ang buhok nito ng tuwalya. Kakaahon lang nito mula sa tubig at nagbabalandra na ng katawan.
"Let's go and eat. I'm hungry." Si mommy Frances.
"Palagi kang gutom sweetheart." Inakbayan ito ni mama. "Kaya mahal na mahal kita e. Mula noon hanggang ngayon."
"Ano?!" Masama ang tingin ni mommy dito.
"Magana kang kumain which is a good thing."
Natawa kami pareho ni Kuya. Inakbayan naman ako nito bago ginulo ang buhok ko.
"Kuya!" Tinabig ko ang kamay nito bago lumayo pero para itong batang ginulo ulit ang buhok ko bago nagtatakbo papunta sa cottage namin.
"Come and get me Selenophile!"
"Isip bata ka Kuya!"
*****
"Watch out!" Sigaw ni Jazmine ng lumiko kami at bigla kaming may nakasalubong.
Huli na ng hatakin ako ni Jazmine dahil nagkabanggaan na kami ng kung sinong isa ring hindi tumitingin sa dinaraanan nito. Hindi rin naman kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko dahil nage-enjoy akong ikwento ang mga nangyari sa outing namin nina mommy kahapon.
Napasalampak ako ng upo sa sahig at napangiwi ng maramdaman ang sakit sa pang-upo ko.
"That hurts." Reklamo ko saka ako tumingala kay Jazmine na nakatakip ng bibig habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.
"Don't stare at her." Wika ni Mrs. Knutson na bigla na lang sumulpot at inilahad nito ang kamay sa akin.
Nag-aalangan man ay inabot ko ito at tinulongan ako nitong makatayo. Ayokong makarinig ng minus mula rito ngayon.
"Salamat professor."
"Pasensya ka na Dominique. Hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko kanina."
Ngumiti ako rito. "Hindi rin kasi ako nakatingin." Hindi ko kilala kung sino ito pero mukhang sa iba itong departamento.
"I'm Peter-"
"Mr. Buenaflor. Next time tumingin ka sa dinaraanan mo para hindi ka makadisgrasya ulit at bago ka makipagkilala. You should've act like a gentleman and help her. Now leave." Natakot yata si Peter kaya nag-sorry ito bago nagmamadaling umalis.
Ok, that was one of the longest line she ever said.
"And you." Baling nito sa akin. Oo na, maganda talaga ito pero nakakatakot ang aura. "Always watch where you're going."
Napalunok ako. "Ma'am ano, nangyayari naman po talaga ang aksidente minsan diba? Kayo po ba wala pang nakabanggaan?"
Nakita kong napatakip si Jazmine sa bibig nito sa may likuran ni Mrs. Knutson dahil sa pagsagot ko.
"Tanga lang ang taong iyon at hindi ako." Namula ang mukha ko sa kaprangkahan nito.
Ang sama ng tabas ng dila!
"I always look my way." Ang tindi ng yelong ito. Gusto kong mapakurap ng makita kong umangat ang kabilang gilid ng labi nito.
Ang sexy ng ngisi nito kahit pahapyaw lang.
"And as of now. I do like what I see."
Iyon lang at iniwan na ako nitong nawindang ang mundo ko. Si Jazmine laglag ang panga.
"Ngayon sino ang malandi?" Ganti nito pero sinamaan ko lang ito ng tingin. Ilang sandali pa ay tumawa ito.
"Tara na nga!" Hinatak ko ito na halos ikabali ng leeg nito dahil sa lakas non.
"Aray ha, shet naman."
Shet talaga. What does Mrs. Knutson mean?!
BINABASA MO ANG
Falling For Mrs. Knutson (Completed)
Short StoryDominique Selenophile * Mikaela Rielle