Chapter 44

16.9K 774 140
                                    

Dominique

"If she's a professor, mahihirapan siyang magtrabaho dahil maselan ang kanyang pagbubuntis. She needs to take a leave at least hanggang malagpasan niya ang first trimester. Dinugo siya dahil sa stressed and fatigue which is not good for the baby. If she keeps on doing this. I'm sorry to inform you that there's a big chance of losing the baby."

Nakatanga na lang kaming nakikinig ni Jazmine rito. Magte-take ng leave sa trabaho? Knowing Mikaela ay hindi nito gagawin ang bagay na iyon.

Napasandal ako sa dingding at hinayaang makipag-usap si Jazmine sa Doktor. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mabuti sana kung hindi pusong bato si Mikaela at mapapakiusapan pa pero sa nakikita ko sa kanya, she's hopeless.

"Cous."

Napatingin ako kay Jazmine. "Bakit?"

"Lalabas lang ako para bumili ng pagkain. Anong gusto mo?"

Umiling ako rito. "Hindi ako gutom. Pakibilhan na lang si Mikaela ng makakain. Bili ka ng marami dahil hindi ko alam ang gusto niyang kainin."

Tumango ito. "Sige, bantayan mo na siya doon dahil mag-isa siya sa private room."

Walang gana akong naglakad papunta sa room nito. I didn't knock when I got there at baka natutulog ito. Dahan dahan kong pinihit ang seradura saka ako pumasok sa loob. I was right, she's sleeping like a baby.

Lumapit ako rito at naupo sa tabi nito.

I smiled ng mapagmasdan ang magandang mukha nito.

"Mas maganda pala kapag ganitong tulog ka. Hindi ka nakakunot noo, hindi masama ang tingin mo, hindi masama ang asal mo." Pabulong kong wika at dahan dahan kong inabot ang kamay nito saka iyon ginagap at hinalikan. "Kahit ilang beses mong itanggi na hindi ko anak ang dinadala mo. Hindi ako naniniwala sa iyo kasi hindi ka naman pariwarang babae."

"Dimwit." Malumanay na wika nito kaya nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ito tulog? Bibitawan ko na sana ang kamay nito ng tuloyan nitong pagsalikupin ang kamay namin kaya para na akong tangang nakatingin ngayon rito.

"Gising ka professor?"

Hindi pa rin ito nagmumulat ng mga mata kaya nakahinga ako ng maluwag at unti unting kumakalma ang puso ko. Ibig sabihin ay tulog nga ito at nagsasalita. Ako ba napapanaginipan nito?

"Yes." Mulagat ako ng sumagot ito kasabay non ang pagmulat nito ng mga mata bago tumingin ng walang buhay sa akin. Well, mas maganda na ang ganitong tingin nito sa akin kesa naman sa malamig.

"I was just resting and here you are, ranting." Pinisil nito ang kamay ko.

I am getting all the courage kahit bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ang sabi ko ay hindi na ako magiging marupok rito pero isang tingin lang sa mga mata nito ay natunaw lahat ng bagay na pinaninindigan ko. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa semento ngayon kung pwede lang sana.

I cleared my throat. "Can we talk?"

"We are talking." Mabilis na bumalik ang lamig sa mga mata nito. Babawiin ko na sana ang kamay ko ng humigpit ang pagkakahawak nito.

Hindi ko alam pero natatakot akong kinikilig. Nababaliw na talaga ako sa babaeng ito.

"About the baby-"

"It's yours."

Napahinga ako ng maluwag dahil sa pag-amin nito. I knew it pero iba pa rin talaga kapag nanggaling ito mismo sa kanya.

"I knew it's mine pero ang sabi ng Doktor. Kailangan mong magpahinga. Take a leave at work-"

"I can't do that." Putol ulit nito sa akin. I am aware na bastos ang magiging ina ng anak ko pero tanga rin ako dahil mahal ko ang babaeng ito. "I can't stop working."

I know why at dahil iyon sa utang ng mommy nitong kung hindi ko pa binayaran ay hindi na ito makakaahon pa. Ilan lang ba ang sahod ng isang guro kumpara sa binabayaran nitong nilustay ng ina nito. And with that thought ay kumulo na naman ang dugo ko.

Mikaela might be cold and rude but when you look inside. She's not heartless. Kung ibang anak ang ipambabayad ay maglalayas na lang ito at hindi magbabayad sa one fourth ng inutang kahit pa sabihing ina nito. With that huge amount? Hahayaan na lang siguro ng isang anak na makulong ang ina nito pero sa kaso ni Mikaela. She took responsibility of what her mom did at nakaka-proud rito ang parteng iyon.

"You have to, hindi mo naman pwedeng ipagpalit ang kapakanan ng batang dinadala mo dahil lang sa trabaho."

Binitawan nito ang kamay ko. "You don't understand."

"I do kaya nga ako nandito pero ayaw mo naman ng kahit ano sa akin maliban sa gusto mo lang ako. The Doctor said you're fatigue and stressed-"

"Stressed ako ng dahil sa iyo." She said habang hindi nakatingin sa akin at nakita ko ang bahagyang pagpula ng mga pisngi nito.

"What for? E lumayo na nga ako."

Tumingin ito sa akin. "Tanga ka nga and you're annoying you know that?"

"I'm aware of that."

"I don't really like you because you're beautiful and it's annoying when you get all the attention pero hindi ko alam kung bakit pati ako ay nagkagusto sa iyo."

Nanatili lang akong nakatitig at nakikinig rito. Hindi ko lubos maisip na nakakapagsalita ng ganito ang isang Mikaela ngayon. And I think she's not aware of it.

"My life's complicated and you're like my escape."

"Hindi mo pa rin sinasabi kung bakit ka stressed sa akin."

Napatingin ito sa akin gamit ang malalamig nitong pares na mga mata.

"Because I'm so stupid for falling in love with you at hindi ko iyon matanggap."

Hindi ko alam kung matutuwa ako. Mas magandang sabihing na-shocked ako sa sinabi nito. She loves me? O baka naman kagaya ng sinabi nitong gusto ako nito and after that ay ipinagtabuyan ako nito.

"Mikaela, heto ka na naman. Huwag mo naman akong paasahin dahil masakit at hindi ko na kaya. Don't say something na hindi mo kayang panindigan."

"I know but I don't know how to handle it."

Wala ring bago. She's not good in expressing her self lalo na ang emosyon nito.

"I thought I'd be fine if you're going to avoid me like what I wanted but it only drawn me to you." Hindi ko na ngayon maitago ang aking ngiti.

"Will you be my girlfriend professor?"

"I will think about it."

Napakunot noo ako sa sinabi nito. Kinuha ko ang kamay nito saka isinuot ang isang infinite gold ring sa daliri nito. I always have this just in case.

"There, now we're official. Mamayang gabi aakyat ako ng ligaw."

Nag-isang linya ang mga kilay nito at halatang hindi nagustohan ang sinabi ko.

"Masyado ka naman yatang mabilis Howard?"

Mas lalo akong napangiti rito. "Ebidensya na siguro ang baby nating dinadala mo. You can take off the ring if you don't want to be committed sa akin pero kung gusto mo. Keep it kasi para sa iyo naman talaga iyan."

Mabuti na lang at natanong ko talaga si Mr. Bryson tungkol sa size nito. Nakahanda na nga rin ang engagement ring pati na rin ang wedding ring. And I'm thankful ng hindi nito tanggalin ang singsing na isinuot ko.

Hahalikan ko na sana ito ng biglang bumukas ang pintuan at iluwa non si Jazmine na may bitbit na mga naka-plastik na pagkain.

"Bakit ka pumasok?" Yamot na tanong ko rito.

Nanlaki ang mga mata nito sa inasal ko. Nabitin ako e. Nandon na nga. Ang galing talaga ng timing.

"At bakit hindi? Bumili ako ng mga pagkain diba tapos ayaw mo akong papasukin baliw ka ba? Tang ina mo cous." Attitude na sagot nito pero natigilan ito ng makitang nakangiti ang masungit na professor namin.

Laglag ang panga nito at ako?


I can die right now.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon