Dominique Selenophile
"Baka matunaw." Mahinang wika ni Jazzy habang nagsusulat ito.
Tapos ko na rin naman lahat ng gagawin naming activities sa subject ni Mikaela kaya heto ako ngayon at abalang nakatitig sa professor naming blooming.
"Sana babae ang dinadala niya."
"Kung makulam cous. Magmamana sa iyo. See? They even need to change your birth name."
That's true. Nagkamali pa ang Doktor na nang-ultrasound kay mommy Frances noon, sinabi kasi nitong babae ang dinadala ni mommy Frances, umasa talaga ito kaya lahat ay nagulat ng lumabas ako.
My birth name is Dominic Sebastien dahil lalaki naman talaga ako pero simula noong pinanganak ako hanggang ngayon ay sobrang feminine ng features ko na akala daw nila noon babae ako. Noong naghighschool ako ay doon lahat nagbago so they need to change my name para iakma sa pisikal na anyo at itsura ko.
Parehas lang din kami ni mama Scarlet. Ang birth name nito ay Scott. Noong pre teen ay nagsimula daw na magbago ang ilan sa pisikal na anyo nito although napagkakamalan na talagang babae noon pa man dahil magandang babae naman talaga ang itsura nito kaya lang ay sumabit kaya imbes na gamitin ang totoong pangalan nito ay mas pinili na lang na palitan para hindi nakakalito.
"Wala naman sa akin iyon Jazzy basta malusog siya. Magiging proud pa ako kung matutulad siya sa akin. Alam mo na. Iilan lang kami sa mundo na ganito so ibig sabihin, rare ako."
Natawa ito ng mahina. "Tapos makakahanap ng matandang propesora na saksakan ng kalamigan."
"Si Fin ba iyon?" Asar ko rito.
Awtomatiko itong nag-angat ng tingin sa akin. "Hindi malamig si Sofiera." Depensa nito.
"Sa part na matanda na." Paglilinaw ko rito.
"Baka ibig mong sabihin e Mikaela pa rin. In short-"
"Sa akin siya." Putol ko sa sasabihin nito.
"Reyes and Howard! Stay behind after class!" Narinig kong wika ng babaeng mahal ko sa malamig na boses. Well, wala namang bago.
Agad na nagyuko ng ulo si Jazzy at kunway abalang abala talaga sa pagsusulat. Gusto kong matawa dahil namumula ang mga tenga nito idagdag pang nanginginig ang hawak nitong ballpen ngayon.
Naaawa ako sa pinsan ko sa totoo lang dahil takot talaga ito kay Mikaela. Siguro dahil hindi pa kami nakakasalamuha ng taong kagaya ni Mikaela. Ito ang una kaya hindi alam ng pinsan ko kung paano ito pakikisamahan. Ganun rin naman ako noong una pero ngayon ay sanay na sanay na ako. I have nothing to lose kung sumagot man ako minsan ng pabalang.
Ng matapos ang klase ay nanatili kaming nakaupo ni Jazmine hanggang sa kami na lang na tatlo ang natira. Sinara ng huling kaklase namin ang pintuan ng utosan ito ni Mikaela.
Tinignan kami nito ng malamig. "Why are you two whispering inside my class?"
"Important stuffs?" I answered.
"Like what?"
"Si Miss Fin." Walang gatol kong sagot rito.
Agad na nag-angat si Jazzy ng mukha. Unti unting tumaas ang kanang kilay ni Mikaela. Kahit saang anggulo maganda pa rin talaga. Nakakabanas.
"Miss Reyes, hold your hormones when you're inside my class."
Nanlaki ang mga mata nito. "I-It wasn't me Ate!"
"Bakit ang laki ng boses mo?" Walang emosyong tanong nito.
Jazzy cleared her throat. "It wasn't me Ate." Sobrang malumanay na ulit nito.
