Chapter 30

17.7K 791 113
                                    

Dominique Selenophile

"Why don't you use Kuya Thunder para pagselosin mo si Mrs. Knutson? Isa-suggest ko sana si Kuya Ri'son pero diba nga. May past sila ni Miss Fin. Isipin non, inagaw mo si Kuya sa kanya kaya hindi na itinuloy ang panliligaw."

Napatango ako rito. "Ayokong ma-badshot kay Miss Fin, parang Ate na ang turing ko sa kanya. Ayokong ganun ang isipin niya lalo na at wala naman siyang alam sa pamilya natin."

"Right, so let Kuya Thunder na sundoin at ihatid ka sa school. Huwag muna si Kuya Ilver."

Napatango ako rito. "Should I tell him?"

Umiling ito sa akin. "Mas maganda ng clueless si Kuya Thunder para mas makatotohanan. Kapag sinabi mo kasi ang totoong rason. Alam mo naman ang mga lalaki minsan. Kapag scripted, pumapalya sa acting. Maganda ng wala siyang alam para normal ang dating."

Natawa ako rito. "Ngayon ko lang nalaman na matalino ka talaga kaya lang ang problema sa iyo ay madalas kang tamarin. Hindi yata pwede iyan, paano mo na lang bubuhayin si Miss Fin kung nagkataon? Mauuna siyang babangon sa iyo at gagawa ng mga bagay bagay."

"Makapagsalita ka para kang dakilang manggagawa ha. Pareho tayong walang alam gawin sa bahay kaya nga umaasa na lang tayo sa aaralin natin para kapag nakapagpatayo tayo ng firm. Doon tayo mabubuhay."

Nagkibit na lang ako ng balikat rito bago ko kinuha ang cellphone ko. I dialled my brother's number at kaagad naman nitong sinagot iyon.

"Yes Selenophile?"

"Kuya sundoin mo ako ngayon din."

"Demanding." Narinig kong bulong ni Jazmine kaya ko ito siniko.

"Ngayon na ba? Anong nangyari kay Kuya Ilver?"

"E ayaw ko muna kay Kuya Ilver. Nami-miss kita Kuya! Dapat kung mahal mo ako bilang kapatid. Hinahatid sundo mo ako! I'm your only sibling!"

Natawa ito sa kabilang linya. "Nasa trabaho pa ako e. Mahihintay mo ba ako saglit lang? May anim na lang akong pipirmahang papeles."

"Kuya sige na. Bi-biyahe ka pa papunta dito. Maiiwan akong mag-isa dito sa campus. Isusumbong kita kay mommy at magtatampo ako sa iyo."

Napahagikhik si Jazmine sa tabi ko habang nakatakip naman ito sa bibig para hindi marinig.

"Sige, I'll be there in twenty minutes."

"See you! Saka Kuya gusto ko ng milk tea!" Iyon lang saka ko na pinatay.

"Sakto cous pag nagsiuwian na. Makikita ni Mrs. Knutson na kunwari may papabels ka."

Tinawanan ko ito. "Gay language. Saan mo nakuha ang papabels na iyan?"

Namukol ang pisngi nito. Kadiri ang dila!

"Ano, kay Jay lang." Tukoy nito sa baklang kaklase namin. "Nakikinig ako sa usapan nila minsan."

"Chismosa ka talaga Jazzy."

Umirap ito sa akin. "Hindi naman. Nagkataon lang talagang malakas ang boses nila kapag nagku-kwentuhan. Mag-iingat kayo ni Kuya Thunder mamaya, mauuna na akong umuwi. Balitaan mo ako mamaya ha! Call me." Iminuwestra nito ang call sign.

"Para ka namang malandi. Sige na, mag-iingat ka sa pagmamaneho."

"I-kiss mo ako kay Kuya Thunder para makatotohanan ang dating kay Mrs. Knutson sayo."

"Oo na, baliw. Sige na, layas."

Tumatawa itong yumakap sa akin bago umalis. Kumuway pa ito sa akin and I did the same.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon