Dominique
Kinapa ko ang cellphone ko ng marinig ang pagtunog nito. I didn't bother to look at it at basta na lang sinagot dahil nakapikit pa ako.
"Hello." Flat kong wika rito.
"Good morning sweetheart. It's nine already at kailangan mo ng kumain dahil kailangan mong uminom ng gamot. On the way na ang pinadala kong pagkain para sa inyo ni Ilver."
Gusto kong mapabuntong hininga. Kagabi kasi, iyong mga hindi nagalaw na pagkain ay ipinauwi ko kay Miss Alyssa. Ang iba ay naibigay sa mga ibang staffs na umuwi na rin matapos ang kanilang duty. Sayang kasi dahil ang dami non.
"Mommy." Paos kong tawag rito. "Gusto ko na pong umuwi."
"Makakauwi ka na mamaya after mong kumain sweetheart. Nakaalis na rin naman ang bagyo kaya bumangon ka na diyan and fix yourself. Eat your food, drink your medicine, and you can come home."
"I'll see you then later. I love you mom."
"I love you too."
Pagkatapos mamatay ang tawag ay dahan dahan akong tumihaya mula sa pagkakadapa ko sa kama. I can feel that I am not ok. Nahihilo ako at masakit ang ulo ko idagdag pang para akong binugbog sa sakit ng katawan at..
Natigilan ako. Am I sick?
Nagmulat ako ng mga mata ko. "No, I can't be sick. I shouldn't."
Kahit nahihilo at namimintig sa sakit ang ulo ko ay bumangon ako para umihi, nagbrush ng ngipin at nagsabon ng mukha. Ng matapos ay nagpunas ako bago lumabas ng banyo.
I stripped all my clothes. Nagsuot ako ng panibagong underwear at pyjama para mas komportable. I wore a white sleeveless bago nagsuot ng jacket dahil giniginaw ako. What should I do? Nilalagnat ako!
Babalik na sana ako sa kama ng tumunog ang doorbell. Gusto kong mapasabunot sa aking buhok. Gusto ko lang namang magpahinga pero natigilan ako ng maalalang nagpadala nga pala si mommy ng pagkain ko at baka sila na iyan.
Kahit sobrang tamad kong gumalaw lalo na't mabigat ang katawan ko. Masakit ang ulo isama pang nahihilo ako ay wala akong mapagpipilian kung hindi ang lumabas ng aking kwarto.
I was on my way ng tumunog ulit ang doorbell. Tinakpan ko ang aking mga tainga dahil mas sumasakit ang ulo kong makarinig ng ingay ngayon. I just want a peaceful surrounding for now.
Nakakunot noo akong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang nakangiting si kuya Ilver pero agad iyong nawala ng makita nito ang mukha kong hindi maipinta. Nasa likuran nito ang mga crew na may mga dalang pagkain.
"Miss Dominique-"
Tinalikuran ko ito dahil wala ako sa mood. Dumiretso ako sa kwarto at humiga sa aking kama. This is life whenever I get sick, boring at puros paghihirap. I tried to get some sleep ng wala na akong marinig. Siguro ay umalis na ang mga ito pagkatapos ihanda sa lamesa ang mga pagkain ko. Right now, I need a good rest more than a food.
Naramdaman kong may pumasok sa kwarto ko pero hindi ako nagmulat ng mga mata ko. May malambot na kamay ang sumalat sa noo ko pero bahagya ko itong tinabig.
"Kuya Ilver not now. I want to rest. Go and eat. Please don't bother me. I just want to sleep for awhile before you take me home."
"Eat."
Agad akong napamulat ng mga mata ng marinig ang ma-awtoridad at malamig na boses ni Mrs. Knutson. Just a matter of seconds when my nostrils were invaded by the most delightful scent of perfume she ever use.
Gustong manlaki ng mga mata ko ng makita ang nakakatulong laway na kagandahan nito. My, she's so darn pretty!
Ang aga pa para mawindang ang sistema ko dahil dito. And she's not alone. Kasama nito ang asawa nitong si Mr. Bryson na ngayon ay nakatayo sa tabi ng kama ko. Siya ba ang sumalat ng noo ko? Right, dahil mukhang kadarating lang ng masungit kong propesora para maghasik ng kabanguhan sa loob ng kwarto ko.
Ngayon ko lang napansing may dala pa lang pagkain si Mrs. Knutson habang nakatayo si kuya Ilver sa labas ng kwarto at mukhang binabantayan ako.
Nagtalukbong ako ng comforter.
"Take care of her." Wika ni Mr. Bryson.
"I know what to do, Bry." Masungit na sagot nito.
Narinig ko ang isang tunog ng halik. "I'm going." He said bago ang papalayong mga yabag nito.
Mas lalong nanakit ang ulo ko sa katamisan ng dalawang ito. Nakakailang din dahil hindi naman kami close ni Mrs. Knutson pero bakit ito nandito ngayon?
Right, magkapitbahay kami.
Naramdaman kong lumundo ang kama ko. Ibig sabihin ay naupo si Mrs. Knutson sa tabi ko.
"Eat then go home. You need someone to take care of you. Sit and I'll feed you."
Wika nito na ikinalaki ng mga mata ko sa ilalim ng comforter. Si malamig susuboan ako? Hindi ako papayag!
"Babangon ka diyan o gusto mong-"
Mabilis akong naupo kahit namimintig ang ulo ko. "Ako na po ma'am."
Nanginginig ang mga kamay ko ng akmang kukunin ko ang platong hawak nitong may lamang pagkain para sa akin pero inilayo nito iyon.
"I said I'll feed you. You're not deaf are you?" Jusme! Bakit ba ang sungit nito e ang aga aga? Baka kulang sa dilig o hindi na nadidiligan pa.
What am I thinking?
May asawa ito. Natural na nagdo-dodo ito.
"Hindi naman po kasi ako baldado ma'am." Matinong sagot ko rito ng hindi sinasalubong ang mga titig nitong nakakailang ng sobra. "And please stop staring." Alam kong maganda ako pero nakakailang lang talaga ang klase ng mga titig nito.
"You can't even lift your hands and they're shaking."
Napabuntong hininga na talaga ako. Wala talaga akong mapagpipilian dito. She gets what she wants and she knew her ways. Her own hard ways. Kung hindi ko lang ito propesora at kung pinalaki lang akong walang modo ay talagang ipagtatabuyan ko ito but I am not a rude spoiled brat.
"I'm sorry." I said at natigilan ito. "I don't want to put you in this situation ma'am- Aww!"
Pitikin ba naman ang noo ko. "Stop talking and eat so you can go home."
Hindi lang ito masungit, mataray, at manhid. Mapanakit din ang babaeng ito. At dahil gusto ko ng makaalis at makalayo kay Mrs. Knutson ay kumain ako. Kahit naiilang at halos hindi ko malunok ang mga sinusubo nito sa akin ay pinilit ko talagang kainin.
I don't want to be near her. She's dangerous to me. Ng maubos ko ay saka ako nito inabutan ng gamot at tubig. Ininom ko naman agad ito. Ng matapos ay basta na lang itong tumalikod. May attitude talaga.
"Ma'am." Tawag ko rito ng akmang lalabas na. Tumigil ito pero hindi lumingon. "Thank you." I sincerely said.
"Whatever."
Naiwan akong tigagal sa inasal nito.
My goodness Knutson!
BINABASA MO ANG
Falling For Mrs. Knutson (Completed)
Short StoryDominique Selenophile * Mikaela Rielle