Chapter 14

15.3K 706 113
                                    

Dominique

"Are you done?"

Napakamot ako sa kilay ko. What should I suppose to say? Na tapos na ako with all the paperworks she gave me? Halos matambakan ako sa dami nito. Nananadya ba ito? Kasi mukhang inipon nito ang mga papel na iyon. Gusto talaga ako nitong pahirapan.

"N-Not yet ma'am." Sagot ko rito and it was seven thirty in the evening already. Kanina pa text ng text si mommy Frances pero sinabi kong maayos lang ako at nago-overtime lang para sa isang activity na ginagawa namin ng professor ko kahit ang totoo ay ako lang talaga ang gumagawa.

"Come with me."

Tumayo ako't nag-inat. Hindi na ako nag-protesta dahil nangangalay na talaga ako. Sumunod ako rito at pumasok kami sa may kitchen nito. Natigilan ako ng makita ang mga nakahain doon. Delicious foods. Those plates, spoon, and fork were even set up for us. She cooked all of these for us?

I mean that's a good thing kung alam nito ang magluto dahil wala naman talaga sa personality nito na kaya nitong gawin ang isang bagay na iyon. Hindi ko tuloy mapigilang humanga sa yelong ito.

"Don't just stand there. Eat."

Kaagad akong tumalima dahil bigla akong ginutom. Hindi pa naman ako pwedeng nalilipasan ng gutom dahil iinom pa ako ng mga gamot.

Ng makaupo ako ay agad kong kinuha ang plato ko at inilapit sa akin. Dalawang putahe ang inihain nito para sa amin at gusto ko ang mga ito. Sinigang na hipon at adobong manok. Nagbigay rin ito ng sabaw kong bulalo.

At dahil busy ako kanina. Hindi ko napagtuonan ng pansin ang amoy ng mga niluluto nito.

"Ang galing mo ma'am. Kayang kaya mo pong magluto!" Natutuwa kong wika rito.

Masaya talaga ako kasi nagluto ito. Matitikman ko rin ang luto ng isang yelo na kahit malamig ay may puso pa rin. Inaasahan ko kasi ang sinabi nitong aalis na ako after those paperworks but fair enough kasi hindi pa naman ako tapos doon.

"Shut up." Namumula ang mukha nito. Hindi ko mapigilang mapaawang ang mga labi ko dahil sa inasal nito. Alright, may attitude talaga ang isang ito.

Kung hindi lang maganda ay nungka talaga!

Hindi ko na lang ito pinansin at kumuha ng kanin at pagkain. Masisira pa ang gana ko kung ganito ito. Kumain akong walang imik dahil hindi naman magandang kausap si Mrs. Knutson. Nakakabanas!

Pero sa totoo lang ay masarap itong magluto kaya ok na rin kahit masama ang ugali nito.

When I'm done. I was smiling dahil nabusog ako pero agad itong nawala ng makitang nakatitig si Mrs. Knutson sa akin. Itong puso ko ay biglang nagwala. Hindi ko alam kung sa takot o kaba. Grabe naman kasing makatitig si ma'am. Para tuloy akong nilalamig.

"B-Bakit ma'am?" Hindi ko natiis itong tanungin.

"Call your driver to pick you up. You can leave."

Napaka!

Inaruga na ako nito. Dapat sinusulit na diba? I should be sleeping here. But well, ayoko rin namang makasama si Ma'am at baka hindi na ako magising kinabukasan. Naging matigas na lang akong parang yelo.

So I took out my phone and dial Kuya Ilver's number. Agad nito iyong sinagot.

"Kuya, sunduin mo na po ako. Ite-text ko na lang po ang address. Salamat." Agad kong ibinaba ang cellphone saka tumingin kay Mrs. Knutson.

"Ma'am ano pong address dito?" Kinakabahang tanong ko rito.

Ilang sandali pa ay walang babalang kinuha nito ang cellphone ko at ito na mismo ang nag-type doon. Ibang klase, oo nga't nagpapahiram din naman ito ng phone pero iyong kukunin na lang na walang paalam ay-

Ibinaba nito ang phone ko sa lamesa pagkatapos ay tumayo ito para ayusin ang pinagkainan namin. Gusto kong tumulong pero ayokong masungitan nito.

I learned one thing from her. Kung gusto kong maging magkasundo kami ay dapat masunorin ako.

Naghugas din ito ng pinagkainan namin and I can't help myself but to stare in awe. Napakaganda ng hubog ng katawan. No excess fats. Curves in the right places at dahil naka-short shorts and shirt lang ito. Oh my those long-

"What are you staring at?"

Agad na namula ang mukha ko at nagbaling ng tingin sa ibang direksyon. Nakakahiyang nahuli ako.

"Out here and go to the living room."

Agad akong napatayo pagkatapos kong kunin ang cellphone ko at naglakad papunta sa living room nito. Bwisit naman.

Kakaupo ko lang ng mag-beep ang cellphone ko. When I checked it. Si Kuya Ilver ang nag-text at sinabing on the way na ito.

I texted him to drive faster dahil gusto ko ng makaalis sa bahay na ito. I am not comfortable knowing I am with someone whos not good in conversation and is making me feel nervous.

Trust me, hindi nakaka-healthy ang attitude ni Mrs. Knutson. She's really bad for me lalo na sa puso kong hanggang ngayon ay parang kinakarera pa rin sa loob ng dibdib ko.

Inilabas ko ang gamot sa bag ko at mabilis itong ininom pero halos mabulonan ako ng makitang nakasandal si Mrs. Knutson sa hamba ng pintuan. Naka-krus ang mga braso nito sa dibdib habang nakatitig ng matiim, malamig at seryoso sa akin.

Bakit na naman?!

"Tomorrow you come by again."

Nanlumo ako sa sinabi nito pero alam kong wala naman akong magagawa.

"Yes ma'am."

"And don't ever go with Bryson."

"Bakit po?" Aside sa asawa nito si Mr. Knutson ay bakit naman ganito ito magsalita doon sa tao.

"None of your business and just do what I say."

Lihim akong napabuga ng hangin.

"O-Ok ma'am."

"Get out."

Umilaw ang phone ko kaya agad ko itong binuksan. Si Kuya Ilver ang nag-text at sinabing nasa labas na ito. Mrs. Knutson might have seen the car in her windows.

Agad akong tumayo saka naglakad papunta sa pintuan bitbit ang aking bag. When I grab the doorknob and was about to open ng isang kamay ang humawak sa braso ko. Para akong kinuryente pero pinigilan ko iyong iwaksi dahil alam kong magagalit na naman ito.

"Be safe." Iyon lang at binitawan na nito ang braso ko.

"Salamat ma'am. B-Bye po." I didn't waste any time. Gusto ko na lang makalayo kaya agad kong binuksan ang pintuan at kunwari ay naglakad ng normal habang malalalim ang aking paghinga.

Ng makalabas ako ng gate ay patakbo ako sa sasakyan at halos lumundag ako sa loob ng mabuksan ko ang pintuan.

"Kuya alis na tayo please!"

"Ayos lang po kayo?" Tanong ni Kuya Ilver ng makaalis na ang sasakyan sa lugar na iyon.

I held my chest.

"Kuya, kinulam ako!"

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon