Chapter 7

16.1K 749 79
                                    

Dominique Selenophile

Nagising ako dahil naninikip ang dibdib ko. Agad akong bumangon at naupo saka pilit pinakalma ang aking sarili. Tumayo ako mula sa kama saka ako napatingin sa orasan.

Alas dos pa lang ng madaling araw at malakas pa rin ang ulan sa labas. Nakikita ko kasi ito mula sa malaking bintana.

Dumiretso ako sa banyo at saka umihi. I even brush my teeth and wash my face dahil gusto kong mahimasmasan. Medyo natatakot ako dahil wala akong kasama dito. Hindi ako takot sa multo but I fear that my diseases will attack me at wala man lang akong mahihingian ng tulong.

Pagkatapos kong magpunas ng mukha ay lumabas na ako ng banyo. Kinuha ko ang aking bag at kinapa ang gamot ko. I have steroid tablets pero napatda ako ng makitang wala ng laman iyon. Hindi ko yata napansin dahil sa tuwing inaatake ako ay palagi akong nagpapanic kapag kumukuha ako ng gamot.

Dumoble ang kaba sa dibdib ko ng maalalang bumabagyo at sigurado akong tulog na si kuya Ilver ngayon. I mean, driver ko lang ito at hindi utosan. And we, Howard, Kiefer, and Giudevaun don't abuse the power and authority we have maliban na lang kay Tita Risen.

Kinuha ko ang phone ko at idinial si mommy pero hindi ito sumasagot. Tinawagan ko rin si kuya at mga pinsan ko pero wala rin sumagot because I know it's too late. Nagsisimula na akong mag-alala para sa kapakanan ko. Sana sumama na lang ako kay Jazmine. Mas safe pa ako sa bahay nila kaysa dito na walang tumitingin sa akin.

Oo nga't maraming pharmacy pero sino naman ang lalabas para bumili ng gamot ko? Bumabagyo pa!

Huminga ako ng malalim bago pinusod ng mataas ang buhok kong medyo mahaba at bagsak. Kumuha ako ng isang light pink na hoodie bago lumabas sa kwarto habang hawak hawak ko ang phone at wallet ko. I'm wearing a black jogging fitted pants and white fitted sando kaya isinuot ko ang kinuha kong hoodie then I use a simple white sneakers.

Wala akong mapagpipilian kung hindi ang lumabas.

I locked my door when I got out habang paisa isa ang hakbang ko. Napapagod ako and I hate it! Ayoko na parang wala akong magawa para sa sarili ko.

"Hello beauty. Can I help you?"

Tumingala ako at nakita ko ang isang guwapong lalaki. I'm already tall but he's way taller. Mestizo at matipuno pero mukha itong nakainom. Hindi naman ito ang klase ng lalaking barumbado o nagiging manyakis kapag nakainom. Professional pa rin itong magdala at tignan. Iyon lang ay hindi ko gusto ang kalinisan nito ng sobra. Even his voice sound so soft.

Nagdadalawang isip ako kung magpapatulong dito pero wala na akong ibang makita pang pwedeng tumulong sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko ng magsimulang manikip ulit ito.

"Kuya, help."

Iyon lang at babagsak na sana ako ng maagap ako nitong masalo. Iyong kalasingan nito ay biglang nawala at rumehistro ang pag-aalala sa mukha nito.

"Hey lady. What's wrong?"

"Steroid tablets." I manage to say kung anong kailangan ko kahit nahihirapan na akong huminga at magsalita.

Nanlaki ang mga mata nito bago ako nito binuhat. Imbes na itakbo ako nito palabas ay umabante pa ito kung nasaan ang unit ni Mrs. Knutson at nag-doorbell ito ng walang kapaguran.

Ng bumukas iyon ay ang masungit at malamig na mukha nito ang bumungad pero bakit ganun? Maganda pa rin.

"What's wrong?" Tanong nito pero hindi ito pinansin ni kuyang guwapo kundi ay walang babala itong pumasok sa loob ng unit nito at agad na pinahiga ako sa couch.

Nabitawan ko ang wallet, cellphone, at key card ko. Nagsimula akong maghabol ng hininga habang inuubo. Mabilis na pinaupo ako ni kuyang guwapo habang may hawak itong isang baso ng tubig at gamot.

"Here take this. Come on." Wika nito ng ubo ako ng ubo.

Kinuha ko ang gamot at mabilis iyon na ininom. Inubos ko rin ang tubig. Hinaplos haplos nito ang likuran ko. Ilang sandali pa ay gumaan din ang pakiramdam ko ng umepekto ang gamot. Nanghihina akong napasapo sa aking mga pisngi.

"Thank you kuya." Was my first word.

Tumango ito. "Walang anuman."

Hinubad nito ang suot nitong blazer bago ilagay sa kanang balikat nito. Lumapit ito kay Mrs. Knutson at hinalikan ang pisngi nito. Gustong manlaki ang mga mata ko when I realize something.

Heto ang asawa ni Mrs. Knutson.

Mabilis akong napaiwas ng tingin. Sobrang nakakailang. My cold professor's having a slight PDA. It doesn't make me comfortable.

"I'm Bryson Knutson and this is my wife Mi-"

"You don't have to introduce me Bry." Malamig na putol nito. Bakit Bry? Hindi ba dapat Honey? My labs o koochi koochi?

"Thank you for saving me. I owe you one Mr. Knutson but I have to go." Kinuha ko ang wallet at key card kong nahulog pati na rin ang cellphone ko.

"No, you can't be alone if you have a severe nocturnal asthma."

Umiling ako rito habang nakangiti ng alanganin. Hindi lang asthma ang problema ko. If only they knew.

"Ayos lang po ako. Sanay naman akong mag-isa kaya lang ay naubosan ako ng gamot kanina kaya kailangan kong lumabas para bumili."

"At this hour? It's too dangerous outside with the typhoon still operating. Wait here."

Umalis ito saglit at kung saan saan lang ako tumingin para maiwasan ang nanunuri at malamig na tingin ni Mrs. Knutson.

"You dare go out at this time with the situation you have? Send in someone who will buy it for you."

"You don't understand ma'am."

"Oh I do understand. Plus five with the minus ten earlier."

Napapikit ako ng mga mata ko. Hindi ko alam kung anong gusto nitong palabasin. Iniipit ako nito without understanding my real situation.

"We're not in school Mrs. Knutson." I said as I open my eyes.

"I have the records everywhere I go."

Dumating ang asawa nitong si kuya Bryson at binigay sa akin ang isang bote ng gamot.

"You can have this."

"No, I can't. If I do, I'll pay for it."

Tumawa ito sa akin ng mahina. "It's a help remember? Come on. We are friends now and neighbors."

Tumango ako rito bago kinuha ang gamot. "Anytime and anywhere. Whatever you need, I will help you too in any way I can Mr. Knutson." Seryosong wika ko.

Natigilan ito sa sinabi ko at halatang nag-isip bago ngumiti. "Alright, I will remember that Miss?"

"I'm Dominique Howard." Bahagya rin akong napangiti. "I have to go po. I still need to have enough sleep. Thank you."

"Anytime." Wika nito.

Nagmamadali akong umalis doon at papasok na sana sa unit ko ng may humablot sa braso ko. I was stunned to see Mrs. Knutson na sinundan pa talaga ako.

"I don't tolerate a hardheaded person especially when it's my student. Put yourself in danger next time and I'm going to fail you. Mark that." Saka nito binitawan ang braso ko.

Naiwan akong nakatunga doon.

Ano bang problema non? Masyadong mainit ang ulo.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon