Chapter 26

15.4K 712 78
                                    

Dominique Selenophile

"I don't want to do anything with your wife Mr. Knutson." Wika ko habang nakatingin ako rito ng deretso at walang emosyon.

"We are friends right?"

"Noon iyon-"

"You said you will help me kapag kailangan ko ng tulong."

Nasa isang restaurant kami ngayon. He told me to meet him here. Ayoko sanang pumunta pero may nagtutulak sa akin.

"I believe I said that."

"Kailangan ko ang tulong mo, Dominique. Hindi ako masamang tao kung iyon ang inaakala mo."

I took the piece of paper he gave me before at saka iyon inilagay sa lamesa.

"What's this?"

Napatingin ito doon.

"You didn't get the message in there?"

"I did but enlighten me. Why is that?"

"You have to promise me not to tell anyone about it."

"At bakit kita pagkakatiwalaan Mr. Knutson?"

"How about this. You like my wife. No scratch that, you love her."

Hindi ako umimik. I wouldn't dare to trade a word with this man in front of me.

"And don't ever deny that. I'm a man. Masasabi ko kung paano umakto ang isang tao kapag nagmamahal ng totoo." Umangat ang kabilang gilid ng labi ko sa sinabi nito.

"And what do you know about true love?"

"More than you know at kagaya ng sinabi ko, pagkakatiwalaan mo ako dahil hindi ako masamang tao. Hindi ka bobo Dominique. Alam kong nakita mo iyon sa akin noong una pa lang. You're just trying to hate me dahil nasa akin ang babaeng inaasam mo at hindi ko ija-judge ang nararamdaman mo but I am not here for myself. Nandito ako para kay Mikaela."

"Your wife's a cold bitch."

"Alam ko pero may rason kung bakit siya nagkaganon. Hear me out bago ka magdesisyon Dominique. At Mikaela's estate, wala akong ibang pagkakatiwalaan sa kanya kundi ikaw lang."

"Your wife's hard to deal with saka bakit parang pinapamigay mo ang asawa mo Mr. Knutson? Sa part pa lang na iyon, masama na ang tingin ko sayo."

Natawa ito bago umiling saka napangiti.

"She's not even mine in the first place."

Kumunot ang noo ko rito. "What do you mean?" Takang tanong ko rito.

He cleared his throat bago ito nagseryoso.

"Mikaela and I are best of friends. Nagpakasal kami dahil sa isang rason. I wanted to save her and she wanted to do the right thing. Makinig ka sa akin at pagkatapos non. Kagaya ng sinabi ko, nasa sa iyo na kung maniniwala ka o hindi. I am here to clear things out dahil alam kong hindi iyon magagawa ni Mikaela. Hindi siya ang taong magsasalita para sa kanyang sarili."

Sumandal ako sa aking upoan bago pinag-krus ang aking mga hita. Ngayon pa lang na nalaman kong matalik pa lang magkaibigan ang mga ito ay talagang nagulat ako.

But am I ready to hear it? To hear all of it?

"Go on." I said.

"Matalik kaming magkaibigan ni Mikaela mula pa noong mga bata kami. She fell in love with my cousin Garrett pero nabuntis nito ang kambal ni Mikaela, si Dennise. The kid name is Andrews."

Now I remember the boy whos calling Mrs. Knutson mommy na kamukhang kamukha nito. May kambal si Mrs. Knutson? I didn't know about it but then it hit me. I know nothing about the woman I love.

"They were on a trip before ng madisgrasya si Garrett at Dennise. She's pregnant at malapit ng manganak. The baby boy was save pero hindi ang parents nito. It was reported na nagtalo ang dalawa noon bago umalis ng dahil kay Mikaela. After Dennise's death. Isinisi lahat ng mommy nila ang nangyari kay Mikaela which is unfair. She was broken hearted and was accused of something na wala naman siyang kinalaman."

Dang.

"Pero hindi lang iyon. Malaki ang pagkakautang ng mommy ni Mikaela sa amin dahil nalulong ito sa sugal. So siya ang pinambayad but I married her to save her from harm. Kung mabuti ako, hindi ang pamilya ko when it comes to money. And Mikaela's precious for me. She's working too much right now para mabayaran ang pagkakautang na iyon sa family ko and I couldn't do anything to help her."

I balled my fist when I remembered her mom. Ang mapanlait at aristokratang babae na iyon? Paano nito iyon magagawa sa anak nito? Dapat ito ang nagbenta na lang ng katawan para pambayad sa tinamasang utang nito at hindi ang anak.

"Ang kaso kasi ay umutang ng umutang ang mommy ni Mikaela ng malalaking halaga hanggang sa lumaki iyon ng sobra at hindi na kaya pang bayaran."

"Why did they let her borrow then?"

"Hindi alam ng pamilya ko ng time na iyon na pinansusugal pala niya. Because she's always talking about this business adventure so they didn't see that coming lalo na magkakaibigan sila."

Natahimik ako sa sinabi nito.

"I am here to ask for your help. Nakita ko kung paano mo gulohin ang mundo ni Mikaela. I am with her right? And these past few weeks, I had seen some changes in her at alam kong ikaw ang dahilan non. I saw the way she looked at you and trust me. Magaling mang magtago iyon, I know gusto ka niya."

"Nagkamali ka ng taong nilapitan dahil-"

"Hindi nagkakamali ang pag-ibig. Tao oo at maraming bulag. So please do something dahil naniniwala akong tamang tao ang nilapitan ko ngayon. Take her away if you can. It's not right para siya ang magbayad kaya kapag lumayo siya. Hindi siya ang hahanapin para pagbayarin kung hindi ang mommy niya."

"How much that mother witch owed your family?"

Natawa ito sa sinabi ko. "Kid you're tough. I'm glad I never underestimate you. About ninety million pesos pa. Fifty million pa lang ang nababayaran ni Mikaela."

What the fuck.

Ninety million? Sobrang laki na kung wala talagang makakaya pero para sa akin na pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. That amount is nothing. I can pay it and even give back the fifty to her.

Mrs. Knutson's mother was the worst. Siguro hindi lang iyon ang estimate ng mga inutang nito. Pagdating kasi sa sugal lalo kapag sa casino. Maliit pa lang ang halaga na iyon.

Paano na lang kung pati ang batang apo nitong si Andrews ay gamitin nito para sa sarili nitong interest? Anak nga nito ay nagawang pinambayad, ang apo pa kaya? The boy's in danger at kahit si Mrs. Knutson ay walang magawa para sa pamangkin nito.

"Can you take her away?"

Napabuntong hininga ako rito. "As much as I want to help. You wife's hard to deal with. Hindi ko iyon basta basta mapapasama unless na kidnappin ko siya."

Napahalakhak ito dahilan para mapatingin ang ilang mga costumer sa amin.

"Then kidnap her."

"You're crazy Mr. Knutson. She's not that easy to lure."

"Salamat Dominique. Sana gawin mo ang tama. Hindi man kayo magkatuloyan kapag nagmatigas iyon. For her sake, please help her."

"Makakaalis ka na."

"I owe you big time Dominique." Iyon lang at saka na ito umalis. Naiwan akong tulala.

What should I do?

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon