Case File # 14: Blink of an Eye

1.6K 60 3
                                    

After 3 months (I think? xD) , nakapag-update din! Oh yeah! Sorry po sa matagal na paghihintay. Sana hindi ko kayo ma-disappoint sa chapter na ito.

Dedicated po kay MaryNetteMartinez kasi pinaalala niya po sa akin na may riddle pala akong hindi ko pa naibibigay yung sagot. Haha. Nagulat ako dahil may nakapansin no’n. Sa totoo lang kasi, nakalimutan ko na talaga yun. Siguro kung walang nag-comment about doon, hindi ko yun maaalala. Haha. Sa ngayon, hindi ko muna sasabihin yung sagot. Alam ko kasing may makakahula. Aabangan ko na lang kung sino ang makakapag-sabi ng tamang sagot. (Tama po si Kazel na lame ang riddle na yun. Kahit ako nale-lame-an doon xD)

I’ve revised the prologue, at yung case files 1 &2. Bahala kayo kung gusto niyo iyong basahin. Yung sa 12 naman, binaggit ko na lang yung pangalan ng mga department ng Verganza. Dapat matagal pa yun pero naisip ko na ibigay ko na ngayon. Yung ‘Monarchy’ ginawa ko lang ‘Antares’.

Ito yung pangalan ng mga department:

Alos- agents

Hytera- IT experts and computer geniuses

Lexios-  in-charge sa mga armas/nag-po-produce nito etc.

Luna- FSI /forensics dept

Eron - sleuths

Eirene- chemists, scientists, or anything related sa technology and science

 

Oh sige, ang haba na nito. Tinatamad na akong mag-type so I’ll shut up now, okay? Para na rin makapag-basa na kayo. Ciao!

 

P.S Sorry kung may typos at wrong grammar.

~Hirumi~

~*~

“Hey, you’re  back.” Bati sa akin ni Zandra pagka-upo ko. “Saan ka nagpunta?” pahabol  niyang tanong.

“Doon lang sa garden. Nagpahangin.” Sabi ko ng nakangiti. Ngumiti lang din siya at tumango.  Speaking of garden, posible kayang kilala rin nina Zandra yung lalaking nakausap ko kanina sa garden since parang lahat naman ng imbitado dito(maliban sa mga kaibigan ng debutant) ay parte ng guild?

“Zandra, may kilala ka bang nandito na kahawig ni Lee Min ho?” tanong ko. Ang weird naman na ang description ko talaga ay ‘kahawig ni Lee Min Ho’. Parang nagulat si Zandra at tumaas naman ang kilay ni Axen.

“Lee Min Ho?” pangungumpirma ni Axen sa akin. Tumango naman ako.

“Yup, kahawig niya. “ Mukhang lalo pang napataas ang kilay niya –if that’s even possible. Tapos ay lumingon siya sa namumutlang si Zandra.

“Ex mo?” emotionless na sabi niya. Hindi ko alam pero gusto kong tawanan ang eksenang ito kahit wala sa hulog ang pagtawa ko.  Kung hindi ko lang alam ang pagtingin nito kay Zandra, malamang hindi ko mahahalatang bitter ito. Haha.

Bigla na lang siyang binatukan ni Zandra at tiningnan na parang may pinapakahulugan. Doon, parang natauhan si Axen.

“Kahawig pala siya ni Lee Min Ho?” bulong ni Axen sa sarili pero narinig din naman namin. Haha. Useless ang pagbulong.

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon