Case File # 15: Midst of the Night

1.7K 62 9
                                    

Hey, dudes! Sorry natagalan. Na-stress kasi ako sa pagkumpleto ng mga dokumento na ipapasa ko bago magpasukan eh.

Dedicated to Reeshi_Ai. Nakakatuwa yung #KaiSea. Nagkaroon na sila ng official loveteam name! Hihi. Thank you sa name ng loveteam.

Sa inyong mga hindi sumusuko sa paghihintay at pagbabasa nito, maraming salamat. Gusto ko man na pasalamatan kayo tuwing nagsasabi kayo na maganda ang story na ito, hindi ko magawa. Nahihiya kasi ako eh. Sana walang may sama ng loob tuwing hindi ako nakakapagreply. Well, kahit na hindi ko nagagawa yun, gusto kong malaman niyo na natutuwa talaga ako (Sincere ito). First time ko lang talaga magsulat ng story ng ganito kaseryoso at dedicated. Sa school kasi puro 'mema' lang ako eh. 'MEMA'gawa, 'MEMA'tapos..ganun. Kaya naa-appreciate ko yung mga comments at votes. Keep 'em coming! Hehe.

I'm doing my best na i-correct yung mga typo errors. Pero hindi ko maipo-promise na mawawala yun. Hindi naman ako expert sa ganito kaya kung may makalusot, pagpasensyahan na lang. And besides, tinatamad na rin akong i-proofread kaya pinapasadahan ko na lang ng basa. Hehe.

~Hirumi~

~*~

Tumikhim si Sean para makuha ang atensyon ng mag-anak. Bukod sa kaba at pag-aalinlangan, mababakasan din ng kuryosidad mula sa sasabihin ni Sean ang kanilang mga mukha tulad ng emosyon na makikita sa amin nina Mrs. Sedji.

"Didiretsuhin ko na ang pagtatanong, I know all of us are already tired. So, I hope you'd cooperate." Sabi niya. Tumango naman ang tatlong ini-interrogate. Biglang nag-iba ang aura ni Sean. Though nanatili siyang emotionless, nakaramdam ako ng takot dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Palagi namang ganun, eh. But this time, it's a different matter.

"Mrs. Castillion,may nabanggit ba sa inyo ang asawa niyo na may naka-away siya?" tanong niya. Nagkatinginan ang tatlo bago sagutin ni Mrs. Castillion ang tanong ni Sean.

"W-wala siyang nababanggit, ijo."

"You've never received any blackmail, death threats and such?"

"No. We've never received any." wika ng Ginang. Tumango-tango naman si Sean.

"Regarding sa trabaho niya, ano ang pinagkaka-abalahan niya ngayon?"

"I'm not really sure. Hindi kasi niya madalas na binabanggit ang tungkol sa trabaho niya." Napakunot ang noo ko sa sagot na iyon. Lumaki akong walang nanay kaya hindi ko alam ang tungkol sa mga bagay na yun pero ganoon ba yun? Okay lang ba na hindi mo sabihin sa asawa mo ang tungkol sa trabaho?

Nagsalita ang anak na lalaki. " Pero may nabanggit siya sa akin before. Hindi ko lang masyadong naaalala but I think it's about drugs." Drugs? Baka may inilulunsad siya tungkol sa pagpigil ng pagkalat nito or something. Ewan. Maya-maya'y may sumilay na nakakalokong ngiti sa mukha ng lalaki na ikinataka ko. "Maybe he's a drug user or something." What?! Drug user?! Grabe naman ito.

Bigla namang nag-react ang anak ng babae at inis na lumingon na kapatid niya. "What are you talking about, Stephan?! Alam kong galit ka kay Dad but for pete's sake! Patay na nga siya, nagawa mo pa siyang siraan?!" Mukhang magkakaroon pa ata ng gulo,ah.

"Oh, come on! I was joking, Jeanelle." maloko nitong saad sa kapatid. "At 'wag ka ngang magmalinis dyan. Baka ikaw pa ang sisira sa pangalan niya."

"You jerk-!"

"Tigilan niyo na nga iyang dalawa! Hindi makakatulong ang pag-aaway niyo sa nangyayari ngayon!" pigil sa kanila ng kanilang ina. Agad naman silang tumigil. Lumingon si Mrs. Castillion kay Sean. "Pagpasensyahan mo na ang naging asal ng mga anak ko." Sean just nodded in response.

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon