Case File # 18: Between the Lines

1.4K 50 9
                                    

Medyo matatagalan pa yung susunod na update. I'm currently preparing for the entrance exam at kailangan kong magreview. Siningit ko lang ito actually. I'll try to update kung maisisingit ko ulit, don't worry. Pray for me, dudes!

Enjoy!

~Hirumi~

~*~

I gulped. Hindi ko alam kung bakit pero habang matiim na nagtitigan ang mag-ina, ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na ewan. At alam kong aware din si Kazel dito dahil napapansin kong napapangiwi na siya. Nakatingin si Tita Hana kay Sean ng may ngisi sa labi samantalang si Sean ay walang kahit anong expression pero dama mo yung bigat ng tingin niya. Kung pwede lang magsalita! Nakakamatay ang katahimikan.

And to grant my wish, nagsalita na si Sean. "We need to talk." Sabi niya sa kanyang ina. I mentally exhaled. Thank goodness! Lalo namang lumapad ang ngisi ni Tita.

"Sure. Sumama ka sa kwentuhan namin ni Kaira." May kakaiba sa aura ngayon ni tita. Hindi ko matukoy kung ano yun pero ang sama ng kutob ko. Halos tumakbo na ang puso ko palabas sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito.

"This talk should only include you and me." Sunod na binalingan niya ng tingin ay si Kazel na bahagya nitong ikinagulat. "You know what to do." Wika niya sa kapatid. Mukha namang nagkaintindihan sila kaya tumango si Kazel at sinabing, "Wakata."

"Kaira-neechan." Tawag niya sa akin. "Tara." Tapos ay tumayo na ako at sabay kaming pumasok sa loob. Nakita ko pang nakangiting umiiling-iling si Tita nang tingnan ko sila.

"Nakakakaba doon 'noh?" tanong sa akin ng kasama ko habang naglalakad kami sa pasilyo.

"Mm!" sabi ko sabay tango.

"Pareho tayo. Kahit kuya at nanay ko yun, kinakabahan pa rin ako. Si Okaa-san kasi mabait yun pero nasa loob ang kulo no'n. Si kuya naman, nakakatakot kapag seryoso."

"Diba palagi namang seryoso si Sean?" takang tanong ko. Mukhang madalang ngang ngumiti yung taong yun eh. Or worse, baka nga hindi yun ngumingiti.

"Ha? Hindi naman palaging seryoso yun, ah." sabi niya. So kapag nakikita ko siya, hindi pa pala siya seryoso no'n?

Napatigil kami sa isang pinto. Binuksan niya iyon ay pinapasok ako. And I think my jaw dropped nang makita ko ang laki nito.

"Welcome to my room." Nakangiting sabi niya sa akin. Grabeng kwarto ito ah!

Naglalaro lang ang mga kulay sa black, white at gray. May touch din ng pula pero hindi gaano ka-dominant. The white king-sized bed is placed on the further part of the room. There are two doors here in the room. I think yung isa ay para sa walk in closet at yung isa ay banyo. There's also a white couch with black throw pillows. And oh! A black study table? Ang unique naman ng table na iyan. May mga nakikita rin akong parang mini robots. Yung parang mga binabalita sa news na gawa ng mga batang sumasali sa robotics competition. Hmmm.. robotics competition nga ba tawag doon? Hay ewan. Meron ding couch na nasa harap ng malaking flat screen T.V. And woah! Totoo ba ito?! Isang supercomputer?! Waaah!!

Agad akong tumakbo doon sa supercomputer at hinawakan ito. Woah! Ang galing! Narinig ko namang nag-chuckle si Kazel.

"Sa'yo lahat ito?" tukoy ko sa robots at sa supercomputer.

Ngumiti naman siya at tumango. "Hai."tapos ay dumiretso sa study table at mukhang itinutuloy yung isang robot na mukhang ¼ pa lang ang natatapos. Sinundan ko siya at tiningnan kung paano niya ina-assemble yung robot.

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon