Case File # 3: Has the World Gone Crazy?

4.5K 124 17
                                    

So ito na po ang edited version ng Case File #3. Hindi na po siya yung case. Bukod po sa isang reason ko, naisip ko rin po kasi muna na ipakilala yung attitude nung main characters. So hope you’ll enjoy this revised chapter of Case File # 3. Hindi ko po pala ito nare-read so sorry po kung may mga mali. Edit ko na lang po next time. Antayin niyo na lang po yung Case File # 4 and 5. Thank you po!

~*~

Life is really full of surprises. Tulad kahapon. Hindi pa rin ma-digest ng utak ko ang mga pangyayari. Una, “Tita” na ang tawag ko sa school owner namin. Surprising diba? Tita pala nung partner ko yung school owner . Ang kulet nga nila eh. Akala mo magkapatid lang kung asar-asarin ni ‘Tita’ yung pamangkin niya. Gusto ko rin ng ganung tita! Grumpy kasi yung mga tita ko eh. Pero sabagay, hindi naman ata nagkakalayo yung edad nila eh.

Pangalawa, napag-alaman ko na ang partner pala ni Papa noon sa mga missions nila dati ay si Calyx Sazaki. Ang heavy! Great detective yun eh! Yun din pala ang dahilan kung bakit kami pinartner ni Sean para daw maipagpatuloy naming yung legacy kuno nila. Pangatlo,it’s official. Alagad na ako ng katarungan. Ngek! Panget. Para namang napaka-worthy ko no’n.

Pero hindi muna dapat iyon ang laman ng utak ko. Kailangan kong mag-focus ngayong araw. Tama! Baka ma-distract ako kapag hindi ako nag-alis ng mga unnecessary thoughts lalo na’t may game kami mamaya. Maglalaro kami ng soccer at kailangan naming ipanalo yun! Lalo na’t makakalaban namin yung mga taga-STARIC (STAR International College), ang isa sa mga matitinik na kalaban ng school namin. Hindi dapat kami matalo dahil nakakahiya yun. Dito kasi gaganapin yung game sa Gemini University.Sa school namin mismo.

Kailangan ko na palang magmadali baka maunahan na naman ako ni Ms. Ventura sa room at mapagalitan dahil late ako. Dictator pa naman iyon at palaging may batas militar tuwing subject niya. Naku! Ayoko na ulit maparusahan! Habang naglalakad ako dito sa corridor patungo sa room ko nagulat ako ng mapadaan ako sa isang grupo ng mga babae na tili ng tili.

 “Kyaahh!! Ang gwapo talaga nung guy na nasa engineering!”- girl 1

“May bago na naman tayong target, girls!”- girl 2

“Bagay sa kanya yung cold aura niya. So cool!!” – girl 3

“What’s his name kaya?” –girl 4

Huh? Anong mayroon? Sinong “guy” sa engineering? Sinong “cold guy”? May tao na palang malamig? Hindi kaya….bangkay na iyon? Pero bakit naman sila magkaka-interes sa bangkay? Atsaka sinong “new target”? At bakit may tatargetin? May babarilin ba? Hindi kaya babarilin yung “cold guy”? Pero bakit naman siya babarilin kung bangkay na siya? Ano ‘to? Botcha? Napakamot na lang ako ng ulo. Ano bang mayroon sa mundo ngayon at pati bangkay pinagkaka-interesan?

 Naputol ang walang hanggan kong pagtatanong sa isip ko ng tumunog ang bell. Oh shocks! Late na ako! Kailangan kong magmadali! Patay ako kay Ms. Ventura!! Naiisip ko pa lang ang mangyayari, naiihi na ako sa takot. Bakit ba kasi may mga ganoong professor? Dahil wala na akong natitirang oras, tinakbo ko na papunta sa room. Medyo malayo-layo pa pero kaya naman! I’ll just trust my speed at yung prayer ko na sana late siya or absent. Waahh! Lord please! I’ll be a good girl and I’ll help the police catch dangerous criminals, just spare me from this one!!

Nasa tapat na ako ng room namin. Nagdadalawang isip kung bubuksan ang pinto o hindi. Pero alam kong kailangan kong buksan ang pinto. Wala akong attendance kapag hindi ako pumasok ng room na ito. Sabi nga nila, “It’s better late than never” diba? So okay lang ma-late! Ugh.. Sino bang niloloko ko? Hindi okay ang ma-late. Lahat ng estudyante alam yun. I’m totally doomed!

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tiniyak na hindi ako gagawa ng kahit katiting na ingay. Though, hindi ko alam kung anong use no’n.. Di kalaunan, tuluyan ko nang nabuksan ang pinto. I gulped. Mukhang di ata ako malakas kay Lord ngayong araw.

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon