Case File # 13: The Man in the Dark

1.9K 66 7
                                    

Hey! Sorry kung medyo natagalan. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng time para i-update ito eh. (At baka next time, wala na naman akong time.) Ay! nga po pala, baka matagalan po ang susunod na chapter dahil alam niyo na-- fourth grading na. Mas lalong magiging busy na naman. Bukod pa doon, may ginagawa kasi akong one-shot. Christmas gift ko kasi yun sa friend ko. Kaya syempre, uunahin ko yun. Yung "The Bad Girl's Secret" at yung "Azrael", medyo matatagalan pa yun. Kailangan ko pa kasing i-edit ang mga chapters na nagawa ko sa laptop. Hindi ako satisfied eh.

Dedicated po kay NikKuliitzz. Natuwa po kasi ako nung nag-comment siya eh.

O siya, napahaba na ang note ko. Nag-enjoy na ako masyado. Enjoy your Christmas Vacation. (Kahit na hindi ka-enjoy-enjoy dahil puro projects at requirements). Kaya nating lahat ito. Merry Christmas everyone. Smile and remember Him.


P.S i-e-edit ko yung chapters 1 and 2. Baka mabago yun, depende sa maisip ko.

P.P.S Kung may wrong grammar or spelling, paki-correct na lang po ako. Tinatamad na po akong mag-re-read eh. Thnx.

-Hirumi-

~*~

Hindi pa rin ako maka-get over sa mga sinabi ni Zandra. Parang nahihiya tuloy akong sumama kay Sean. Nanliliit ako eh. Hayaan na. Kakain na lang ako. Hihi. I want to enjoy all—as in all--the mouthwatering foods here.  Baka hindi na ito maulit. Haha. And speaking of Sean, wala siya dito eh. Hindi pa rin ata siya nakakabalik mula sa pagkakatawag sa kanya ng master of ceremonies.

Habang kumakain kami, nagulat ako nang biglang tumayo si Zandra sa silya niya. Parang hindi siya mapakali.  “Excuse me, I need to use the bathroom.” Akala ko naman kung ano, naiihi lang pala. I smiled at her and nodded. 

“Sama ako, babes.” Sabi ni Axen. Namula naman si Zandra na ikinatawa niya.

“Che!” tumalikod na si Zandra sa amin at dali-daling pumunta na restroom, leaving me with Axen.  Tiningnan ko siya at hindi na ako nagulat nang nakatingin pa rin siya sa part ng place kung saan nagtungo si Zandra.

“Psst.” Tawag ko sa kanya. Nakuha ko ang atensyon niya at tumingin siya sa akin. “Gusto mo si Zandra noh?” may tono ng pang-aasar boses ko at naka-ngiti ako. Nagulat naman siya pero agad din iyong nawala. Nagkamot siya ng ulo at tumingin sa baba na parang nahihiya. Sabi na nga ba eh!! Hihi.

“Ganoon ba kahalata?” tanong niya sa akin sa mahinang boses. I nodded …slowly. “Sh**! Sa tingin mo nahahalata niya?” tanong niya sa akin. Parang medyo kinakabahan at uhh…frustrated siya? I just shrugged.

“Hindi ko alam eh. Bakit? Ayaw mo bang ipaalam sa kanya?” tanong ko.

“Wala akong balak.”

“Bakit? Torpe ka?”

“Hindi mo naiintindihan eh. Kung aamin ako sa kanya, baka hindi niya pala ako gusto. Mahirap nang mabasted.”

“Torpe ka nga.” Sabi ko. Nakita kong na-frustrate siya.

“Oo na! Torpe na kung torpe.”

“Lalaki ka pa naman, takot ka. Nasaan ang pinagmamalaki mong pagkalalaki? Kung hindi ka kikilos, kailan pa? Kapag huli na ang lahat? Make your move na. Malay mo, may gusto rin siya sa’yo. Hindi naman siya ang pwedeng magtapat noh? Dalagang Pilipina dapat ang mga babae.” Sabi ko sa kanya with conviction and determination. Hindi ko alam kung saan ko nahuhugot itong mga sinasabi ko pero isa lang ang alam ko, kailangan niyang magtapat. Tama! Tama! *nods* *nods*

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon