Case File # 4: A Sudden Change of Plan

3.8K 109 3
                                    

Pasensya na po. Sabaw po itong chapter. Writer’s block po eh (Writer’s block nga ba yung term na un? xD). So I hope you’ll still read and enjoy this chapter. You have to read this kasi malaki ang koneksyon nito sa buong storya at para mas maintindihan niyo. Pakisabi na lang po kung may mali (grammar, terms, spelling etc.) Thank You po! ^^

Zandra Cruz on the side ---->

~*~

Today is Saturday. At tulad nga ng sinabi ni Sean, ngayon kami pupunta dito sa FSI headquarters. Nandito nga kami ngayon sa cafeteria nila para kumain ng tanghalian eh. Grabe! Napagod at nagutom ako.Kanina pa kasi kami nagtu-tour dito sa HQ buti na lang nag-lunch break muna kami.

Alam niyo ba, ang astig dito!!*u* Pinakita sa amin yung iba’t-ibang room at facilities dito sa HQ. Mayroon laboratory kung saan nila sinusuri yung mga chemicals na nakikita nila sa mga crime scenes tapos mayroon ding place kung saan bagay naman ang sinusuri nila. Pinapasok din kami doon sa kwarto kung saan isinasagawa ang autopsy. Pagpunta  nga namin doon, nakakita kami ng ino-autopsy eh. Nakakadiri at nakakatakot yung bangkay!! Kapag nga naaalala ko yung nakita ko kanina, tumatayo ang balahibo ko eh! Nakakatakot! T__T Pero kung anong takot ko, siya namang emotionless nitong si Sean. Kung hindi emotionless, bored naman ang emosyon niya. Para siyang robot >.<

“After nating kumain, may pupuntahan pa tayo ah.” Paalala sa amin ni…. Ni… Uhh.. Sino nga ba ito? ?____? Ano ba yan? Nakalimutan ko pa (?__?)7

 Ahh.. Oo! Si Zandra! ^0^ . Siya nga pala si Zandra Cruz, ang panganay na anak ni Mr. Cruz. Magkasing-edad sila ni Sean at tulad namin, tine-train din siya. Ang ganda nga niya eh. White skin, silky hair, pinkish lips, curvaceous body, para siyang girl version ni Sean!! Hihi :”>

“Hindi pa ba ito tapos Zandra? May pupuntahan pa tayo? ?__? ” tanong ko sa kanya.

“Hindi pa eh. May mga kailangan pa tayong i-tour. And besides, kakausapin pa kayo ni Daddy.” Bakit naman kaya kami kakausapin ni Mr. Cruz? Hindi kaya, magsosolve na kami ng kaso? ?___?

“Bakit hindi na lang kaya tayo dumiretso sa daddy mo?”cold na sabi ni Sean habang kumakain.Oo nga naman.Bakit hindi na lang kami dumiretso kay Mr. Cruz? Napangiwi si Zandra sa sinabi ni Sean.

“Kasi…” halatang nag-aalinglangan siya kung sasabihin niya o hindi. Lalo tuloy akong nagtaka. Bakit? Ano kayang meron?May nangyari ba? “..The truth is…Wala pa si daddy. Something came up kanina, kaya umalis siya. Ayaw niyang i-postpone ito kasi nakarating na daw kayo. Atsaka, dapat daw malaman niyo na yung sasabihin niya as soon as possible. Kaya nga tinour ko muna kayo para hindi kayo mainip kakaantay sa kanya na makabalik.”

 

Ahh.. Ganoon pala ang nangyari. Pero, sobrang importante naman ata nitong sasabihin ni Mr. Cruz dahil ayaw niya itong ipagpabukas. Ano kaya iyon? ?____?

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon