Case File # 19: The Intrusion (Part 1)

1.9K 60 26
                                    



Hi guys! Miss me? Haha. I'm back. Sorry dahil natagalan. Dapat talaga may update na ako noong april pa lang pero tinamaan ako ng katamaran. Sensya na, tao lang. Ngayon lang naman ako tinamad eh. Sorry na... xD

To Hyacinth Estrada (tama ba?), kung nababasa mo ito, Hi! Pinapabati ka ni Catherine. Hehe.

P.S Please bear with the typo errors.

~Hirumi~

~*~

"Miss Montez."

"Present, sir."

It has been three days simula noong umuwi kami ni Kazel galing Alaminos. Matapos niyang umalis noon sa kwarto niya, bumalik siya matapos ang ilang minuto para sabihin na babalik na kami dito sa Manila. Yun nga lang, kaming tatlo lang ng mommy niya ang bumalik. Hindi naming kasama si Sean. Akala ko nga nauna dito, iyon pala nagpaiwan. Hindi ko na natanong kung bakit baka kasi sabihin nakikialam pa ako.

"Come on, Kaira. Let's eat na. I'm starving!" ani ni Czarina.

So ayun na nga, dumiretso na kami sa cafeteria, naghanap muna kami ni Nelle ng vacant table habang si Czarina pumila na agad sa counter. Grabe! Mukhang gutom na talaga siya.

"Grabe! Mukhang ilang araw hindi pinakain si Czarina, ah." Sabi ko kay Nelle.

"Hindi daw siya kumain kaninang umaga."

"Huh? Bakit? Hulaan ko, na-late siya noh?" tanong ko.

"Hindi. Ano ka ba? Diet kasi siya ngayon nadadagan daw kasi ng two pounds yung timbang niya."

"What?! Seryoso?!" Gulat kong tanong.

"Yup." Pagkumpirma niya. Well, ganyan talaga si Czarina. Conscious siya sa itsura niya masyado. Wala na tayong magagawa. Haay...

"Ano nga palang order mo, Kaira? Ako na ang o-order para sa ating dalawa." Pagboboluntaryo niya.

"Okay. Gusto ko ng chicken curry w/ rice, isang order ng lasagna, chocolate mousse at milkshake." Ngiting-ngiti kong sabi. Nakita kong nagulat siya sa dami ng order ko.

"Wow. Hindi lang pala si Czarina ang gutom na gutom. Paano ko bubuhatin lahat yun? Yung sayo pa lang,madami na." reklamo niya.

"Edi, one tray at a time. Kaya mo yan. Go!"

"Hay naku!" sabi niya habang naglalakad papunta sa counter. Sa tingin ko, iniisip niya talaga kung paano niya bubuhatin yung mga order namin. Sana kasi kagay na lang ito ng mga restaurants at fastfood chains na may crew at waiters. Kaya lang school cafeteria ito, eh.

Habang nag-aantay sa kanila, pinanood ko muna yung episode ng Haikyuu na hindi ko natapos kagabi dahil nakatulog ako. Kaya lang hindi ko rin natapos dahil dumating na si Czarina dala ang tray niya na may lamang vegetable salad, isang order ng chicken breast, low-fat yoghurt at water. Walang rice. Seryoso talaga siya sa diet niya.

Sumunod naman si Nelle at isang lalaki na hindi ko kilala. Mukhang nagpatulong siya kay kuya dahil dala ni kuya ang tray na naglalaman ng order ko samantalang dala ni Czarina ang tray na naglalaman ng order niyang spicy fried chicken w/ rice, baked macaroni at iced tea. Pagkalapag ng mga tray, nagpasalamat siya kay kuya bago ito umalis.

"Oh, kain na." ani ni Nelle. We all prayed silently first bago namin umpisahan ang paglamon. Mukhang lahat kami gutom dahil walang usap-usap habang kumakain, lahat focused sa paglamon. Nanatiling tahimik ang table naming hanggang sa matapos kaming kumain. Waah! Busog!

"I'll go ahead na, ah. Malapit ng mag-start next class ko, eh." Paalam ni Czarina.

"Ako din. Sabay na ako. May klase na din ako, eh." Sabi ko sabay tayo.

"Okay. Ikaw, Nelle? You're going home na?" tanong ni Czarina kay Nelle.

"Yup, mamaya-maya aalis na din ako. Uubusin ko lang yung iced tea ko." Sabi niya.

"Una na kami, Nelle. Ingat ka pauwi."

"Okay. Bye."

Sabay kaming lumabas ni Czarina ng cafeteria pero doon din kami naghiwalay. Magkaiba kasi kami ng daan. We bid our goodbyes tapos ay nagpatuloy na kami papunta sa kanya-kanyang klase.

Habang naglalakad may nakita akong isang pamilyar pigura na tumatakbo papalapit sa kung nasaan ko. Nagtaka ako nang huminto siya sa harap ko habang naghahabol ng hininga. Bakit? May kailangan ba siya?

"Kaira, I need you." Seryoso niyang sabi.Wh-what?!

"Uy, Axen. Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. (a/n Remember Axen? Kung hindi, you could go back to Case File # 12: Clear as Crystal)

"I'll explain it to you while we are one our way. But right now, you have to come with me. Kailangan talaga kita." Pamimilit niya.

"O-Okay..." I reluctantly said.

"Great! Now, let's go!" tapos ay hinatak niya na ako. Wait! May klase nga pala ako.

"Paano yung klase ko?" ani ko habang patuloy siya sa paghatak.

"Don't worry, madali lang kausapin si Ms. Charibelle." Pagsasawalang bahala niya sa problema ko. Hmmm... kung sa bagay. Siguro naman papayag siya kasi related ito sa guild.

Pagkarating namin sa sasakyan niya, dali-dali niya akong pinagbuksan ng pinto tapos ay pumunta na siya sa driver's seat. Ini-start na niya ang kotse tapos ay agad na itong pinaharurot. Nang medyo makalayo na kami sa school, nagtanong na ako.

"Ano bang nangyari, Axen?"

"Naalala mo yung insidente na nangyari sa debut ni Alisa Sedji? Noong namatay si Senator Dwight Castillion? Well, nagkaroon na ng lead sa kaso." Sabi niya.

"Woah! Talaga? That's great news!" Atleast magkakaroon na ng hustisya ang pagkamatay ng senator. "Alam na ba ito ni Sean?" tanong ko.

"Yup. Siya ang head ng Eron, eh." Sabi niya. (a/n "Eron" ; department ng mga detectives) Kyahh~! Bigla akong na-excite.

"Nandoon na ba siya sa pupuntahan natin? Ibig sabihin ito ang first case naming ni Sean? Tanong ko. Kinakabahan ako pero mas excited ako. Lumingon siya saglit sa akin tapos malungkot na ngumiti.

"Kaira, sorry. Hindi kasama si Sean sa kaso na ito, may ibang kaso kasi siyang pinagtutuunan ng pansin." Ay, ganoon? Akala ko ba partners kami? "Sina Siege at Agatha mula sa Eron ang may hawak sa kaso." Ha? Grabe. Sobrang na-disappoint ata ako doon. Akala ko pa naman first case ko na ito.

"Kung ganoon, bakit kailangan mo ako?" tanong ko.

Bigla siyang ngumiti."Don't worry, Kaira. Eron might not need you but Hytera needs your help." (a/n "Hytera" ; department ng mga computer and technology experts.)

"Hytera? Bakit?" Diba ang nag-sosolve ng kaso ang Eron? Ang layo naman sa Hytera nun.

"Diba nga may lead na sa kaso? Yung lead na iyon tinuturo kami sa isang underground organization. Now, we need information mula sa organisasyon na iyon. We need to hack their system. Nagpadala na ang Alos ng agent na mag-lalagay ng device para madali natin mapasok ang system. Iyon nga lang. Nang subukan na naming i-hack, hindi namin magawa. Nalaman namin na may alam ka sa hacking kaya naman sinundo kita. Baka ikaw ang maka-hack sa system na iyon." Pagpapaliwanag niya.

"Paanong hindi ma-hack?" tanong ko. Siguro hi-tech ang lahat ng computers nila, pero bakit nahirapan sila. Parang imposible ata yun.

"You'll see when we get there." Sabi niya. "So.... Are you in?" tanong niya sa akin.

"Nandito na ako, eh. Might as well try it."

"Good. John would be happy."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon