Case File # 11: Hallucination

1.7K 74 5
                                    

Oh yeah! Sulitin ang free time. Another UD.

Dedicated po sayo. This is my way of saying thank you. :)

~*~

Habang inaalala ko ang nangyari kanina, naiisip kong grabe pala talaga ang ginawa kong pagmamadali. Kasi naman eh! 4:00 am na natulog pa ako. Dapat nanood na lang ako ng T.V at  inantay ko na lang mag 7:00 am. Eh di sana hindi pa ako na-late.Hindi tuloy ako naka-attend ng first subject ko. Patay na naman ako kay Ms. Ventura! >.< 

Tapos ngayon, uwian na. Wala pa akong kasama mag-antay kay Czarina kasi absent si Nelle. Akala ko nga nauna lang sa school pero hindi pala pumasok. (Well, yun yung sinabi ni Czarina at ng mga kaklase ni Nelle). Ano kayang nangyari sa kanya?

Patuloy lang ako sa paglalakad dito sa hallway nang may makita ako green house sa di kalayuan. Gawa na pala iyang green house. Buti naman. Para kasing ang sarap tumambay dyan eh. Refreshing tingnan ang mga puno. Siguro ay dahil sa kulay nila. Tss. Sabi na nga ba dapat nag-take na lang ako ng course na related sa environment eh.

Pinagmamasdan ko lang ang sophisticated design ng green house nang may makita ako pamilyar na pigura sa loob no’n. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha dahil nakatalikod siya mula sa akin pero malakas ang kutob ko. Si Nelle yun! Anong ginagawa niya doon? Akala ko absent siya.

“Huy!”
“Ay Nelle!”
dahil sa gulat, napaharap ako sa nanggulat sa akin.

“Huh? Mukha ba akong si Nelle?” kunot-noong tanong ni Czarina.

“Eh? Hindi! Nagulat lang kasi ako.” Pagdadahilan ko. Tiningnan niya yung green house na kaninang tinitingnan ko. Tapos ay ibinalik niya ang tingin niya sa akin at lalo pang kumunot ang noo niya.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya

“H-ha? Ah… tinitingnan ko lang mula dito yung green house.” Sagot ko.

Nagcross-arms siya habang nakataas ang isang kilay. Siguro hindi siya kumbinsido. Pero totoo naman diba? Tinitingnan ko lang yung green house eh *pout*.

 “You know what. You’re weird. Halika na nga. Samahan mo ako sa drugstore.” Sabay hatak niya sa akin papalabas ng university.

“O-oy! Teka lang >.<” pero tuloy-tuloy pa rin niya akong hinahatak. Hayaan na nga lang.

Habang tinatahak namin ang daan patungo sa drugstore, parang naaninag ko si Nelle malapit sa isang lumang building. Nanlaki ang mga mata ko.

“Czarina, absent ba talaga si Nelle?” huminto siya sa paglalakad (kaya napahinto din ako) tapos ay tumingin siya sa akin then she rolled her eyes habang naka-cross-arms.

“What kind of question is that? Diba wala hindi natin siya nakita kanina? Eh di ibig sabihin absent siya.”   sabi niya. 

“Eh kasi, parang nakita ko siya sa may green house kanina.” Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya sinundan ko siya.

“Imposible yan. Nagtanong na din ako sa mga kaklase niya sa ibang subject kanina. Ang sabi nila absent daw siya. Noong tinawagan ko siya sa cellphone niya, ate niya ang sumagot at sabi sa akin tulog pa daw si Nelle. Hindi daw kasi natulog ng buong gabi. Sobrang sarap daw ng tulog kaya hindi na nila ginising at pina-absent na lang.” wika niya.

“Kawawa naman si Nelle.” Sabi ko. Pagod at puyat siguro yun. Pero ang swerte niya ah. Ako nga nung bata ako tuwing gusto kong umabsent, pinapalo ako sa pwet eh. Kaya kahit may sakit ako, pumapasok ako. Sakit kaya mapalo ng belt.Hmp. >3<

“Hay nako! Kasi naman, kung mag-aral, puspusan . Ang sabi mag-sunog lang ng kilay, siya pati buhok sinunog. My Gosh!!”  tumawa na lang ako sa sinabi ni Czarina. Huminto ulit si Czarina at tiningnan ako. Yung nakakatakot na tingin. I gulped.

“Oh, anong tinatawa-tawa mo dyan?” wika niya habang nakataas ang isang kilay. I gulped again. Waahh!!!

“Sorry!! >.<”

“Tss..” tapos ay naglakad na kami. I pouted. Tumatawa lang eh.

Pagkarating namin sa drugstore, bumili siya ng paracetamol. Akala ko nga may lagnat siya eh.( Ang weird nga lang dahil hindi siya mainit.) Pero ang sabi niya, wala daw siyang sakit. Bumili lang daw siya ng gamot para magpapansin sa crush niya--Si Kuyang nagtatrabaho doon. Hay nako. Si Czarina talaga. I sighed. Pagkalabas namin ng drugstore. Naghiwalay na kami. Iba kasi yung daan niya sa daan ko eh.

Habang naglalakad ako, nakita ko ulit si Nelle. Galing siya sa isang eskinita tapos ay tumakbo papunta sa kung saan. Teka. Si Nelle nga ba  yun? Bakit siya tumatakbo? Atsaka, saan siya galing? Takte, baka naman hallucination ko na naman ito ah. Pero, parang hindi eh. Bago ko pa malaman, tumatakbo na ako at sinusundan siya.

 

“Nelle!! Wait!” sigaw ko habang tumatakbo. Pero mukhang hindi niya narinig. Sa bagay, ang layo kasi ng agwat namin eh. Waahh!! Ang bilis niya! >.< Nakita ko siyang lumiko na naman sa isang eskinita. Grabe! Hindi ba siya napapagod? Hinihingal na ako.

Mas lalong naging malayo ang distansya naming dalawa at parang hindi ko na kaya pang tumakbo. Akala ko hindi ko na siya maabutan pero nang nakita ko mula dito sa malayo na tumigil siya para siguro magpahinga, mas binilisan ko pa ang takbo. Maaubutan ko pa siya!

Nadatnan ko siyang nakayuko at hawak-hawak ang tuhod habang naghahabol ng hininga. Humawak ako sa balikat niya.  Naramdaman kong na-tense siya. Agad siyang tumingin sa akin, horrified. Pero agad din itong napalitan ng pangamba ng mapagsino ako. Ano bang nangyayari sa kanya?

“Kaira…” bulong niya.

“Nelle, may problema ba?” tanong ko. Pareho pa kaming naghahabol ng hininga.

“Bakit ka sumunod? Delikado!” sabi niya sabay yugyog ng balikat ko. Nanlalaki ang mata ko sa naging reaksyon niya. Para siyang nagpapanic. Puno din ng takot at pangamba ang tinig niya.

“Bakit? Ano bang nangyayari---” I was cut off nang may magsalita sa likod ko.

“Oh. So, you’ve gotten help?” agad akong lumingon sa nagsasalita. Nang makita ko ang pinangalingan ng boses, mayroon na kaagad akong hypothesis sa nagyayari.Hindi na ako nagulat ng ang nagsalita ay galing sa grupo ng mga street gangsters. Kung tatantyahin, siguro ay mga lagpas sa sampu ang nandito.

“Kaira, let’s run!” bulong sa akin ni Nelle habang hawak-hawak ang braso ko. But instead of running, I looked at these gangsters intently. Mukhang bahagyang nagulat  din sila sa ginawa kong pagtitig sa kanila. Agad na ngumisi ang nagmistulang pinuno.

“Hmm… You’re one brave girl. I think I’ll enjoy this game with you than with that girl behind you.” Sabi ng mukhang pinuno sa akin. I just smirked.

“Really? Then let the game …begin.

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon