Case File # 5: Threat

3.2K 93 5
                                    

Short lang po ito. Wala na po akong maiisip eh xD. Tinapos ko na lang itong revision nito kaagad para makapag-proceed na po doon sa new chapters. Ayoko naman po na matapos ang bakasyon na isa lang yung nai-update ko. Sorry po kung may wrong grammars, terms, etc. Just let me know na lang po. So ayun lang po. Enjoy!

Comment.Vote

~*~

I hate rainy days. It’s so sad and everything seems dark. It’s like the earth is on its darkest hour. And, we couldn’t do a thing. Well, there’s one thing we could and that is to wait. Pathetic isn’t it? It’s like the world is facing a war and all we could do is to wait and be safe. It’s really hopeless.

But…today is different. Yes, it’s raining but I couldn’t feel the sadness, hopelessness and such. I’m really happy!! Sa sobrang kasiyahan ko nga napapa-english ako eh haha. Ewan ko ba ang hilig kong mag-english nitong mga nakaraang araw. Nahahawa ako kay Zandra eh. Hilig mag-english. >.< Siya kasi nakakasama ko nitong mga nakaraang araw. Wala daw kasi siyang kaibigan dito at gusto niya ng kasamang gumala. Lahat daw ng kaibigan niya nasa America at kakauwi lang daw niya dito sa Pilipinas. Pinauwi siya ni Mr. Cruz kasi mas kailangan siya ng FSI dito. May branch din pala ang FSI sa US at doon siya nagt-training bago siya bumalik dito sa Pilipinas. Laking America pala siya kaya mas kumportable siyang mag-english kaysa magtagalog though magaling siya magtagalog. Ganda nga ng accent niya eh.

“So, Kaira. Kamusta ka na diyan?” tanong ng kausap ko sa phone. Ito nga pala ang dahilan kung bakit masaya ako! Hihi. Kausap ko kasi itong pinsan kong si Catherine.Alam niyo ba miss ko na ito! Ang tagal na kasi naming di nagkikita eh. Nasa South Korea kasi siya, doon siya nag-aaral. T^T

“Ok lang naman kami ni Papa dito. Ikaw? Kamusta?” Noon, dito siya nakatira sa bahay. Maaga  kasing naulila si Catherine at dahil kami ang pinakamalapit niyang kamag-anak kami na ang kumupkop sa kanya. Hanggang sa, natanggap siya sa scholarship ng isang kilalang university sa Korea at doon na siya nag-aaral. Kaya nga close na close kami at para na kaming magkapatid eh, halos sabay na kaming lumaki niyan. Bukod pa doon, idol ko yan! *o*. Kahit kasi maaga siyang naulila, kahit kailan di niya nakalimutang ngumiti at maging masaya.

“Ayos na ayos noh! Lalo na ang daming gwapo dito!” sabay tawa niya. See? Masiyahin talaga siya.

“Oi, kailan ka ba uuwi dito? Miss ka na namin ni Papa. Atsaka, ga-graduate ka na diba? This sem na graduation mo. Siguro naman uuwi ka na.” Mas matanda kasi siya sa akin at graduating student na siya. Sana lang maka-uwi na siya >3<

“Hmm… titingnan ko pa Kaira. May nag-aalok kasi sa akin ng trabaho dito at malaki ang sahod. Sayang naman kasi yung opportunity.  Pero huwag kang mag-alala, dadalaw ako diyan.” I sighed. Sabi na nga ba magyayari ito eh. Sobrang talino kasi niyan kaya tiyak maraming kompanya sa Korea ang mag-aagawan para lang magtrabaho siya sa kanila. Mukhang wala na talaga akong magagawa.

“Okay. Basta ah, dumalaw ka. O sige,baba ko na yung phone, may pasok pa ako eh.”

“Sige bye!” binaba ko na ang telepono. Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas na ng bahay. Hindi na ako nagpa-alam.Wala naman si Papa eh, nasa Japan. May aasikasuhin daw siya doon. Kaya ayun, sumabay na siya kay Mr. Sazaki sa pag-uwi nito sa Japan. So, home alone ako ngayon. Home alone with Nanay Yollie. Hehe.

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon