Case File # 9: Invitation

2.3K 73 0
                                    

Sorry for the late update. Sobrang busy po kasi eh. You know, June na. May klase na. Alam ko ring lahat kayo busy na so iniklian ko lang ito para matapos niyo ang chapter na ito kaagad at makapag-proceed na sa mga naiwang school works and such.
Sa mga nakabasa na ng "The Bad Girl's Secret", i-eedit ko po siya para hindi madumi tingnan at magulo. Pakiantay na lang po ang chapter 1. Medyo matatagalan pa pero carry yan. 

Belated happy birthday to my mother, my schoolmate and to my classmate's brother. Salamat sa spaghetti!! xD

~*~

“Sean! Kaira! What took you so long?!” bungad sa amin ni Zandra pagkapasok na pagkapasok namin sa office niya. Waah!! Napakaganda ng office niya!! Nandoon yung table niya sa may left side ng area, facing the wall in the right. Sa likod no’n, may book shelf. At katapat naman no’n, sa may right side, may mini sala. Dahil sa combination ng black and white, nagiging simple yet elegant ang dating ng kwarto. Buti na lang medyo tuyo na kami kundi baka nabasa at naputikan yung magandang tiles.

“May hinanap pa kasi ako eh.” Sabi ni Sean sabay tingin sa akin. I pouted. Oo na, ako na may kasalanan. Teka! Bakit ba ako yung may kasalanan eh napag-utusan lang ako? Hmp. Daya >.<

“Oh, I see… So, uhmm… Let’s proceed?” tanong niya sa amin.  Tumango na lang kami at umupo doon sa chairs sa harap ng table niya. Doon naglapag siya ng mga papeles. Agad itong tiningnan ni Sean.

“Dr. Cliff Ryen?” tanong ni Sean pgkabasa na papel na hawak niya.Agad kong kinuha mula sa table yung Xerox copy nung binabasa ni Sean. Oo nga, pamilyar yung mukha niya sa akin. Nabalita ito sa T.V noon. Alam ko makalipas ang anim na buwan nakatakas siya at nabalitaang patay matapos ang ilang lingo dahil sa isang aksidente.

“Yup. Siya yung may-ari ng Ryen Medicine Corporation na nakulong 8 years ago dahil sa pag-manufacture ng mga medicine na naglalaman ng illegal drugs pero nakatakas sa kulungan matapos ang ilang buwang pagkakakulong…” paliwanag niya. “Ay! ito pa pala!” binigyan niya kami ng tig-isang kopya ng death certificate. Ito yung death certificate ni Dr. Ryen. “As you can see, eight years ago pa ang death certificate na iyan pero ayon sa impormasyong nakalap namin, recently lang siya namatay at hindi aksidente ang dahilan kundi suicide.” pagpapaliwanag ni Zandra. Nagulat ako sa sinabi ni Zandra. Ibig sabihin, peke lang yung pagkamatay niya noon?

“Let me guess. Yung lalaking binugbog ni Kaira at si Dr. Ryen ay iisa.” Sabi ni Sean habang inii-scan yung mga papeles. Nagulat ako sa mga binitawan niyang salita pero di ko pa rin mapigilan ang humanga. Kaya lang kung tama nga siya, parang ang layo naman ng itsura ni Dr. Ryen doon sa lalaking binugbog ko. O akala ko lang iyon? 0.o

 “That’s right, Sean! Isa siyang napakagaling na mamemeke ng papeles. At kaya ganoon na lang kadali sa kanya ang gumawa ng death certificate, ay dahil sa tingin namin,marami siyang koneksyon. Bukod pa doon, nagpa-plastic surgery pa talaga siya para hindi siya mamukhaan. Tsk. Clever.” Bakas ang frustration sa boses ni Zandra.  So tama nga si Sean. Bakit naman kaya ginawa iyon ni Dr. Ryen? Para lang patayin ako? Pero base sa pagkaka-kwento ni Sean about sa nangyari noong ini-interrogate siya, parang inutusan lang si Dr. Ryen. Ang weird naman ng mga nangyayari.

“He’s not that clever.” May angas niyang sabi. Kumunot naman ang noo namin ni Zandra sa sinabi ni Sean.

“What do you mean?” tanong ko. Binaling ni Sean ang tingin niya kay Zandra.

“Alam mo ba kung sino ang nagplastic surgery kay Dr. Ryen?” umiling lang si Zandra.

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon