Case File # 2: Punishment

4.4K 136 8
                                    

Hindi ko alam kung anong oras na o ilang minuto na ang nakakalipas. Hindi ko na nga rin ata alam kung ano ang ginagawa ko eh. Mababaliw na ata ako. Waah! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinakabahan kasi ako para mamaya. Daddy kasi eh! Minsan talaga gusto kong batukan yun. Kung hindi lang siya nakakatakot eh. Tch.

Maya-maya pa'y bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa kamay ko. Shemay! May nanghampas ata sakin. Tiningnan ko ang kamay ko at mamula-mula ito. Tiningnan ko rin ang dalawa kong kasama. Yung isa ay parang nagulat at yung isa naman ay parang inis na sa tinigin ko siya ang humampas sa akin.

I pouted . "Ouch! Czarina, masakit yun ah." Sabi ko kay Czarina, isa sa mga kaibigan ko na humampas sa akin. Nag-make face naman siya. Sadista talaga itong babaeng ito.

"Masakit ka dyan. Magpasalamat ka nga dyan at niligtas ko pa yang kamay mo mula sa pagkakahati eh." Sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. Eh?

"Mahati?" tanong ko.

"Ah.. eh.. kasi Kaira. Kanina ka pa tulala at ilang beses ka na naming tinatawag pero patuloy mong pinaglalaruan iyang gunting. Muntik mo na ngang guntingin yang kamay mo nang hampasin ka ni Cza kanina." Walang emosyong pagpapaliwanag Milanelle.

"What?!" ang tanging reaksyon ko. Ganun na ba ako katulala? Shems!Napabuntong hininga na lang ako.

"Kaira, kasi naman. Kung gusto mong magpakamatay, wag dito. Baka himatayin itong si Nelle. Alam mo naman takot ito sa dugo. Atsaka, wag gunting ang gamitin mo. Baril. Para pagputok mo sa ulo mo, diretso na." napa-face palm na lang ako ng sabihin yun ni Czarina.

Hindi ko talaga alam kung matutuwa ako dito sa dalawang kaibigan ko eh.  Pero sige na nga, matutuwa na ako. Kahit naman masyadong brutal yang si Czarina at masyadong tahimik at walang emosyon yang si Nelle, alam ko namang mahal ako ng mga yan. Lalo na si Nelle, grabe kung mag-alala yan.  

"Seryoso ba talaga kayo dyan?" tanong ko sa kanila. Pero, hindi naman talaga siya tanong. Ang gulo noh?

"Ang weird mo naman kasi eh! Tulaley ka na nga tapos guguntingin mo pa yang sarili mo. Matanong nga kita? Naka-drugs ka ba?" tanong ni Nelle sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Yun talalga ang tinanong niya ah.

"Hoy! I'm not on drugs!" depensa ko. Ano bang pumasok sa kokote ng mga ito?

"Asus. Defensive." Pang-aasar ni Czarina.

"Hoy, grabe kayo sa akin, ah. You're so mean!" Then, I pouted again.

"Tantanan mo na nga yang pout na yan, naaalibadbaran ako." Sabi ni Cza.

"Ouch! Cute naman ako,ah." Sabi ko. Ang harsh nila sa akin ah.

"Oo, cute ka.Kamukha mo yung bulldog namin." Wow! Grabe! Paano ko nga ba ulit naging kaibigan itong mga ito? Hindi ko akalaing masokista pala ako at napagtitiisan ko ang pagiging sadista ni Czarina.

Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog yung phone ko. Ewan ko kung bakit bigla akong kinabahan sa tawag na yun. At dumoble pa yun ng malaman ko kung sino yung caller. Si Dad! Ito na ba yung about sa punishment? Waah!

"H-hi, dad." Kabadong sabi ko pagkasagot ko ng phone. Shemay naman oh!

"Kaira. Starbucks. Now." Sabi ni Dad. Three words pero grabeng kaba yung dulot sa akin. Kasi naman ang cold ng boses niya at napaka-seryoso niya. Ganito ang tono niya sa akin kapag may ginagawa akong kasalanan eh.

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon