Case File # 12: Clear as Crystal

2K 76 5
                                    

Hi! Alam ko medyo natagalan din ang UD. Sorry po ah. Naging busy kasi eh. Pero I doing my best kaya naman kahit may ginagawa pa ako para sa school, isiningit ko na ang pag-U-UD.

Salamat nga po pala sa mga nag-follow sa akin, nag-vo-vote sa story na ito at sa nag-aadd ng story na ito sa kanilang reading list. Sobra po talagang nakakatuwa. Kaya naman bilang pasasalamat, magde-dedicate na po ako (na dati ay hindi ko masyadong ginagawa dahil nahihiya ako).

Salamat po kay sherock153. Siya po ang may pinakamahabang comment. Natuwa talaga ako sa comment mo. And this is my way of saying thank you.

Sige po, basahin niyo na at gagawa pa po ako ng report.

-Hirumi-

~*~

Hindi ko alam kung saan ko nahugot itong tapang ko. Maybe it's because of  adrenaline rush. Or maybe, ganito lang talaga ko katapang. Hindi ko din alam.

Basta ang alam ko, ilang minuto rin kaming nagkatitigan ng mga street gangsters na ito. Noong una ay medyo, nag-aalangan sila pero mukhang nagsink-in sa mga utak nila na I'm just a girl. A weak girl. Kaya naman nagpakawala ng isang puno ng panganib ng aura ang pinuno nila. Umalingawngaw ito sa lugar kung saan kami naroroon.

"You're cute. And well...pathetically stupid. Alam mo ba kung ano itong gulong pinapasukan mo?" sabi niya na pinatutungkulan ako.

"Wala na akong pakialam doon. All I care about is my friend's safety." Matapang kong saad. The reason why my father trained me is to protect people. Especially those who are dear to me. At yun ang magiging basehan ko sa bawat galaw at desisyon na gagawin ko. Kahit pa kapalit no'n ang buhay ko.

Muli na namang nagpakawala ng tawa ang pinuno at maya-maya pa'y sumabay na rin ang mga alipores niya. "Sana lang hindi ka magsisi sa pagpo-protekta mo sa babaeng nasa likod mo. Sige, hindi na kita sasaktan. Mukha kasing may iba ng gagawa no'n para sa akin." huh? Anong ibig niyang sabihin? Bigla na lang silang tumalikod at mukhang aalis na. Akala ko ay tuluyan na silang maglalakad pero huminto sila at muli kaming nilingon ng pinuno."Kapag nagkita tayo ulit, atsaka na natin ituloy ang larong ito. Yung ay kung...buhay ka pa." ngumisi siya. "Good luck!"



"A penny for your thoughts?" nabalik ako sa kasalukuyan  at agad kong nilingon ang gilid ko kung saan nagmula yung boses. Hindi na ako nagtaka nung si Zandra ang nakita ko. Agad ko siyang nginitian.

"Can I have a seat?" tanong niya.

"Oo naman." At umupo na siya sa upuan sa kanan ko. Sa table kasi kung nasaan ako, ako lang ang nandito.

"Bakit mag-isa ka dito? Nasaan si Sean? Kinuha na ng debutant?" tanong niya sa akin. At napatawa naman ako.

"Hindi debutant ang kumuha sa kanya. Yung mga babaeng bisita. Ayun siya, oh" sabay turo ko kay Sean na nasa gitna at sinasayawan mga babaeng nakapaligid sa kanya.Oops! Wag berde ang pag-iisip ah. Hindi malaswa ang sinasayaw nila.Haha. Napailing na lang si Zandra.

"Tss.. Nakamaskara na nga ang lahat ng tao dito, nalaman pa rin nila kung nasaan si Sean. Infernes ah, nag-eevolve ang mga radar nila. Pa-improve ng pa-improve." Natawa na lang ako at ibinalik ko ang tuon ko kay Sean. Halatang napipilitan lang siya. Kasi naman, hinatak lang siya kanina. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako o matatawa. Haha.

 "Kaira, okay ka lang?" huh? Nagulat ako sa tanong ni Zandra.

"Oo naman. Bakit mo natanong?" sabi ko. Tinitigan niya lang akong mabuti. Mata sa mata. Uh.. Awkward.

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon