Case File # 8: Other Side

3K 84 3
                                    

Maraming Salamat po sa mga nag-vote, comment at nag-add ng kwentong ito sa kanilang mga reading list. Natutuwa po talaga ako (at the same time, nepe-pressure xD). I hope you’ll keep supporting this story hanggang sa matapos.

Kung napapansin niyo, hindi na sina Song Joong Ki at Miki Honoka ang fictional characters nina Sean at Kaira.Binago ko  dahil may mga chapters kung saan manghihiram ako ng character galing sa story ng kaibigan ko. Eh parehong Song Joong Ki ang fictional chara nila. At maliban doon, medyo matured daw ang mukha ni Song Joong ki para sa isang 18 year old sabi nung isang kaibigan ko. Kaya ko naman binago ang fictional chara ni Kaira dahil mas okay kung same nationality sila nung bagong fictional chara ni Sean para mas bagay.

P.S Wala pong edit ito dahil tinamad po akong ire-read. Atsaka ko na lang po ie-edit yung mga kailangan i-edit.

~*~

‘Nasaan ako?’ Iyan ang tanong sa isip ko. Wala akong ideya kung anong lugar ito dahil wala akong makitang kahit ano dito. Isa lang itong madilim na lugar at tila walang katapusan. Nagsimula akong maglakad mula sa kinatatayuan ko upang makahanap ng labasan pero mukhang bigo ako.Tsk! Paano ba ako makakaalis dito?

Then suddenly, a lady in white dress appeared in front of me.Tinitigan ko siya at sinuri ko ang kanyang maamong mukha. Mukha siyang pamilyar pero hindi ko maalala kung saan ko nakita ang itsura niya. Sino ba siya?

“Kaira..” wika niya habang papalapit sa akin.

“Sino ka?” kunot-noo kong tanong. Hindi siya nagsalita sa halip ay itinutuloy niya lang ang paglapit sa akin.

“Sino ka? Anong kailangan mo?” tanong ko muli nang makalapit siya sa akin. Pero tinitigan niya lang ako. Maya-maya pa’y hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang kanyang kanang kamay. I flinched. Siguro ay dahil sa gulat. Sa kabila ng malalamig niyang kamay, hindi ko alam kung bakit warmth at comfort ang nararamdaman ko. I feel safe.And…secured.

“Kaira, you have to be strong. They are back.” Bakas ang pag-aalala niya sa kanyang tono ng pananalita. Huh? Ano bang sinasabi niya?

“H-Huh? Sino—” naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin. Nagulat ako.

“You’ll know them soon. I’m sorry I can’t tell you more about this, I don’t have much time. Just….Stay safe, ok? You have to fight for whatever you have.” Matapos ay  humakbang na siya papaalis. Lalo akong naguluhan. Anong ibig niyang sabihin? With that, sinubukan ko siyang sundan pero laking gulat ko ng bigla na lang siyang naglaho. A-Ano bang nangyayari?

Nagising ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw sa aking mga pisngi pero hindi ko pa rin iminumulat ang mga mata ko, kumportable pa ako sa pagkakahiga ko at ayaw ko pang sirain iyon. Inabot ng ilang minuto bago ko napagpasyahang gumising nang tuluyan. Hindi naman pwedeng palagi nalang akong nakapikit diba? Binuksan ko ang mga mata ko pero muling ipinikit dahil sa sobrang liwanag. Nasaan ba ako? Bakit sobrang liwanag?

Second attempt. Iminulat ko ulit ang mga mata ko and this time, nakayanan na niya ang liwanag. Noong una ay blurred pa ang nakikita ko hanggang sa unti-unti itong nag-adjust at nakakita na ako ng tuluyan. Una kong nakita ang puting kisame at kasunod ang puting dingding noong inilakbay ko ang mga mata ko. Déjà vu?  Base sa nakikita ko, kumpirmadong nasa ospital nga ako.

Sunod kong tinignan ang bintana na bukas ang mga kurtina at doon ako nakakita ng isang pamilyar na pigura. Kahit naman nakatalikod siya, alam ko pa rin naman kung sino iyan eh.

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon