"Nagustuhan mo ba?" Tanong ng lalaking nasa aking harapan.
"Ha? O-oo naman!" Pilit kong sang-ayon
"Nadz, kilalang kilala kita. Hindi ka magaling magsinungaling. Hindi naman ako masasaktan eh.". Saad niya
"Chris, hindi lang ako sanay sa ganung genre" paliwanag ko.
"So, hindi mo nga nagustuhan ang performance ko?" Tanong niya saakin
"Hindi naman sa ganun, Chris. Naappreciate ko naman ang effort mo sa stage, pero hindi lang ako sanay sa genre na iyon." Paglilinaw ko sa kanya. Iniligay niya ang kamay niya sa aking bewang na agad kong kinailang.
"Chris, kailangan ko nang umuwi. Hahanapin na ako ni Mommy."
"Nadz, sorry hindi na kita maihahatid. Aayusin pa namin ang set. Tapos may meeting pa sa backstage. Salamat nadz ha. Napakabuti mo talagang kaibigan."
At niyakap niya ako sabay hinalikan sa noo.
"Okay lang, Chris. Salamat din. Uhm, sorry na din pala."
"Sus, wala yun. Maliit na bagay."
Nginitian niya ako ng matamis at tuluyan na akong nagpaalam.
Kasalukuyan akong nasa isang mini bar dito sa Guadalupe. Inimbitahan ako ng isa kong matalik na kaibigan kong si Chris sa gig ng banda nila. Childhood bestfriend ko siya. Nagustuhan ko siya noong elementary hanggang high school. Pero Hindi na ngayon dahil naging kumplikado ang nakaraan.
Papalabas na ako nang may nakabangga akong isang lalaki.
"Sorry, Miss!" Saad nito saakin.
Nang pinagmasdan ko ang kanyang mukha, nabighani ako sa kanyang kagwapuhan. Mukha siyang Anghel. Bahagya akong napatulala sa kanya hanggang sa tinawag niya ang aking atensyon.
"Miss, are you alright?" Tanong nito sabay baba ng kanyang wayfarer.
Familiar ang mukha nito ah. Parang nakita ko na siya. Pagkalingon ko sa aking likuran, wala na dun si Chris.
"Uh okay lang ako. Sige mauna na ako" sabay diretso sa pintuan at naglakad palayo. Narinig ko pa siyang sumigaw ng "miss" pero hindi ko na nilingon. Hindi ko alam. Basta gusto ko na lang umuwi.
