Bonfire

122 7 0
                                    

"Nadz, wake up na please. Papalubog na ang araw. Magdi-dinner na tayo. Para maaga tayong makaalis."
Pakiusap sa akin ni E. Inayos ko ang buhok ko at itinali ito. Nagpanggap akong okay. Ngumiti ako sa kanila. Kailangan kong maging okay. Nakakahiya kasi sa kanila. Nasira ko ang bakasyon nila. Which is, ngayong weekend lang. Nagpalit ako ng black na beach dress at isang pair ng flats.

Tinitigan lang nila akong tatlo. Kinuha ko Yung hero 4 ko na nasa bagahe ko.

"Halika na. Baka hinihintay na nila tayo" ngiti ko sa kanila

Sabay-sabay kaming umalis at namataan ang mga lalaki sa Cabana na nirent namin. Si James ay nagiihaw. Sina Andre at Sean naman ay nagpeprepare ng mga plato. Pati na rin ng mga kutsara't tinidor. Si Chris naman ay nakaupo sa sulok ng Cabana at nakatulala. What is he thinking? Is he still thinking about the scenario a while ago?

Sabay sabay kaming dumalo sa kanila at umupo sa mga ratan seats. May kanin, inihaw na pusit, buttered shrimps at inasal.

Nang matapos mag-ihaw si James, nagdasal na kami upang makakain ng hapunan.

We ate in silence. Tanging kutsara't tinidor lang ang nagiingay sa hapag. Walang nagsasalita sa amin. Sa kanilang lahat, ako ang unang nakatapos kumain. Tumayo ako at nagpasyang maglakad-lakad sa seaside.

"Excuse me, for a while." Paalam sa kanila.

"Where are you going?" Tanong saakin ni Yass.

"Somewhere. Dyan sa malapit." At binigyan ko siya ng matamlay na ngiti. The sun is setting. Ang ganda ng scenery. In-on ko yung hero 4 ko at cinapture ang view. Life is beautiful.

Nang malayo na ako sa Cabana, umupo ako sa malaking bato na nakadantay sa isang coconut tree. Pinagdiskitahan ko ang mga inosenteng buhangin. Ang ganda nito. Pinong-pino at mapuputi. Habang nakatingin ako sa buhangin, nahagip ko ang pamilyar na pares ng mga paa. Mas lalo kong tinungo ang ulo ko. Hinawakan niya ang baba ko at pilit na tinataas. Pilit ko itong nilalabanan. Pero hindi ko kinaya. Sa pagharap ko ng mukha ko sa kanya, saktong bumuhos ang luha ko.
Lumuhod siya sa harap ko at lumebel sa akin upang magtama ang aming mga Mata.

"Can you explain everything? Why did you act that way? Do you still care for me?" Inabot niya sa akin ang isang bottle ng Cali. I accepted it. Hinatak niya ako at pareho kaming umupo sa buhanginan malapit sa dagat.

"We can fix this, aryt?" Pangungumbinsi niya.

Binabalot na ng kadiliman ang paligid. Kulay red-orange na ang view.

"Yeah. I think I just over acted. Na-shock lang ako. I was carried away. I'm sorry for the slap."

"No. Don't be sorry. It is completely my fault. Pwede ko ring ikamatay iyon. Hindi kasi ako nag-isip"

"Bakit ka ba tumalon? At inalis mo pa talaga yung vest mo."

"I was just extremely jealous, Nadz"

"Don't tell me dahil kay James? We're just friends."

"Hindi. Iba siya makatingin, Nadine. I know that he has a little crush on you." What? That was so ridiculous! Unbelievable!

"I'm sorry for being a jerk. Nag-assume ako na papatulan mo ako. Masyado akong nag-asam na magiging tayo. Naging kampante ako masyado. Hindi ako nagisip. Masyadong malaki ang kumpyansa kong makuha ka. Alam kong masyado kang nabilisan. Pero hindi ko na kayang itago pa. Ayokong habang buhay ko itong ilihim. I love you, Nadine."

"I'm sorry din kasi hindi rin ako nagiisip. Nagpadalus-dalos ako. Hindi ko na rin kasi maintindihan. Naguguluhan din ako. Ang alam ko lang, ayokong mawala ka sa tabi ko. Hindi ko kaya, Chris. Si James? Kaibigan ko lang siya. Walang namamagitan sa aming dalawa. Sorry kasi masyado akong naging o.a kanina. Natakot ako, Chris. Takot na takot" kasabay nun ang tuloy tuloy na agos ng aking mga luha.

(JaDine) PANSAMANTALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon