Mabilis lumipas ang panahon. Sa wakas tapos na lahat ng paghihirap ko. Tapos na ang mga sleepless nights, yung mga times na ngudngud ako sa pagaaral.
Tapos na ang lahat ng iyon. Tapos na rin ang mga boring na practices. Last week, nagkaroon ng photoshoot para sa grad pic. Cowgirl at Archer ang costume ko. Habang si Stella ay nakaformal na costume.
Kumpleto naman ang set ng mga props. Naging smooth naman ang lahat. Naging maayos lahat, except saamin ni Chris. Nalalabuan ako sa kanya minsan.
Nagiging mas close na kami ni James ngayon. Nakadalawang sessions na ako ng workshop.
Kasalukuyan akong nasa chapel ng school para sa Mass. Katabi ko si Stella. Sina kuya, mommy, daddy at ang nakakabata kong kapatid ay nasa kabilang row. Si kuya Kiell ang pinakamatanda saaming magkakapatid, at si Olivia naman ang bunso . Nine years old lang si Via kaya spoiled lalo na kay kuya.
Dentist si kuya Kiell. Mayroon siyang clinic sa Gastambide. Musikero din si kuya. Marunong siyang magviolin, piano, ukulele at guitar. Nagaaral din siya ng Sax.
Kuntento naman na ako sa lahat ng magandang tinatamasa ng pamilya ko.
Nang matapos ang mahabang seremonyas, hindi pa rin dumadating si Chris. Graduate na siya last 2 weeks. Magkaiba kasi kami ng department eh. Nakatanggap ako ng certificate para sa mga special awards. At sa mga practical performances. Habang si Stella naman, nakakuha ng special awards sa mga extra curricular activities.
Habang papalabas kami ng SVDP hall kung saan ginanap ang grad, nakatanggap ako ng tawag mula kay Chris. Sabi niya'y hindi daw siya makakarating. Maging sa celebration mamaya. Agad naman akong nakaramdam ng tampo. Bakit? May mas mahalaga pa ba dito?
Samantalang ako, nung graduation niya, present ako. Kahit medyo na out of place ako.
May biglaang lakad daw siya. Pinapatulak siya papuntang Cebu. May importante daw na pagtitipon.
Tagapagmana si Chris sa music industry ng pamilya niya. Pati na rin sa mga kompanya. Ipapamana sa kanya ang lahat ng iyon, maliban na lamang sa mga lupain ng Sacopaya. Isa iyong probinsya. Mga 7 oras na byahe mula Maynila.
Makukuha niya lamang ito sa isang kundisyon, ngunit hindi ko alam. Tuwing itinatanong ko sa kanya iyon, hindi niya ako parati sinasagot.
May mga lupain din kami sa probinsya. Ang Pinlagan, karatig-bayan lang ito ng Sacopaya. Malapit lamang ito doon. Nandoon ang mga taniman namin. Ang manukan at bigasan.
Kahit na saakin iyon ipinamana, Hindi ako nagbibigay interes sa lupain sa Pinlagan. Hindi ako naeengganyong panghawakan iyon.
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang tumawag si Ericka.
"Hello, Nadz! Congratulations! Malapit na kami sa West Avenue. Saan na kayo?"
"Malapit na kami nila Stella! Thank you, E! By the way, nakabili na ako ng album mo! Congratulations din! Galing mo Queen!"
"Sus! Hahaha thank youuuu! Kasama ko sina Andre. Malapit na kami"
"Ah, sige. Byeee!"
"Byee din! Ingat!"
Binaba ko na ang phone ko at narinig ko si Stella na nakikipagusap sa phone niya. Sa pagkakarinig ko, malapit na daw sina Yassi at Sean.
Habang si Chris naman, sigurado nang hindi makakarating.
Invited din si James pero hindi ako sigurado kung makakadalo ba siya.
Pagkatapos naming isauli ang toga, dumiretso na kami sa parking lot ng school.
Sumakay na si Ste sa sasakyan nila at ako naman sa kotse namin.Napagkasunduan nina mommy at Tita Pat (mommy ni Stella) na pagisahin na lang ang celebration. Tutal kami kami lang naman at ang mga kaibigan namin ni Stella. Sa isang international buffet namin napiling mag-celebrate.
Nang nakarating na kami sa venue, agad sumalubong ang mga empleyado ng restaurant. Agad iniabot ni daddy ang Susi ng sasakyan sa gwardya para sa valet parking.
Nang makapasok na kami, sumalubong naman kaagad samin sina Andre, Ericka, Yassi at Sean. Wala pa din si James. Umupo na kami sa mga upuan na pinareserve namin.
Agad ko namang ipinakilala sina Yassi at Sean kay mommy at daddy. Kilala naman nila sina Andre at Ericka. Dahil nga kababata ko sila. Close kasi ang parents ko at parents ni E.
Hindi naglaon ay naging close naman sina Yassi kay mommy.
"Mamaya, punta kayo sa bahay namin. Nadine will throw a party! Sa may patio and maganda rin kung magkakaroon kayo ng night swimming!" Suhestiyon ni mommy.
"Tama! Nice suggestion! Tapos tayong mga oldies, magchikahan na lang tayo!" Sangayon ni Tita Pat.
"Oo nga, nadz! Tama sina Tita!" Sabay tawa ni E. Lahat naman Sila ay sumangayon.
Kumuha na kami ng mga pagkain sa mga buffet tables. Iba-ibang klase ang mga pagkain. May Italian, American, Japanese at syempre, Filipino. Kumpleto miski ang dessert. Nang kumuha na ako ng appetizers, naupo na ako sa upuan ko.
Nagambala lamang ako nang biglang may tumawag saakin. Inaasahan kong si Chris iyon, ngunit nabigo ako.
Nang sinilip ko ang screen, pangalan ni James ang nakalagay doon. Inexcuse ko ang sarili ko sa kanila at lumabas para mas makasagap ng signal. Tumayo ako sa may grand entrance.
"Hello, Mr. James Reid?" Sabay halakhak ko sa kaniya
"Hello, am I talking to Ms. Lustre?" Ganti niya saakin.
Rinig na rinig ang ngisi niya sa kabilang linya.
Sabay kaming tumawa at pareho kaming natahimik
"Bakit napatawag ka mister bolero?"
"Miss sungit, sorry hindi ako makakapunta. I'm really sorry. I'm busy eh" seryoso niyang sabi. Bigla naman akong nalungkot sa sinabi niya.
"Uhh, ganun ba? Ah, sige. S-sige. Next time na lang, James" malungkot at matamlay kong saad
"Aye, are you 'kay?"
"Yes, oo naman! Ge, bye!"
Binaba ko na ang phone ko at natulala. Nalungkot ako bigla. Nang papasok na sana ako, may biglang nahagip ng mga mata ko. Pumarada ang isang magarang sasakyan sa harapan ko.