Chapter V

101 8 1
                                    

"Waaaaaaaaaah! Put me down!" sigaw ko kay Chris. Buhat buhat niya ako at handa nang iitsa sa malalim na pool.

"Hahahaha! Ibato na yan!" Sigaw ng mga kaibigan ko

With that, binato ako ni Chris sa gitna ng pool at tumalon upang sundan ako.
Sa ginagawa niyang ito, mahuhulog ako. Madedevelop lang lalo ang feelings ko sa kanya. Sina Sean at James naman, hindi magkamayaw sa kakatawa. Hinabol pa ako ni Chris at hinatak sa paa.

"What the!-" malalim na ang gabi at dinadalaw na ako ng antok. Umahon na ako sa pool at napagpasyahang pumunta sa bar. Malapit lang naman Yun sa pool

"Are you alright?" Alalang tanong saakin ni James habang papunta ako ng bar

"Yeah, yeah. Of course!" Sabay tawa ko sa kanya

"I hope you don't mind kung sasama ako sayo." Ngiti niya sa akin

Namula ang pisngi ko at pumayag na lang sa gusto niyang mangyari. I want to know him better.

Nang nakarating kami sa bar, wala masyadong tao. Napapalibutan ito ng neon lights at umaalingawngaw ang tunog ng trance music. Umupo kami sa dalawang high chair. Nakadress akong manipis at nakabikini sa loob nito.

"I hope we can be real friends" out of the blue niyang pagkasabi. Hindi ako sumagot sa opinyon niya. Nanatiling tikom ang bibig ko.

"Ilang taon na kayong magkaibigan ni Chris, nadz?"

"Elementary pa lang, magkakilala na kami ni Chris. Highschool na nung maging magbestfriends kami. Until now, nagagraduate na kami ng college. Pero ibang course ang kinuha niya. I took HRM and undergoes to a Culinary Arts course. After some tests, magiging chef na rin ako."

"I heard may pinaplano siya" sabay smirk niya sa akin

"Ano yun, James?"

"I can't tell, Nadz"

"Nadz, is it okay if I offer you something? Yung agency na pinapasukan ko ay naghahanap ng modelo and naghahanap ng mga pwedeng iwork shop. Malay mo, itambal nila tayo. Pareho tayong magiging big time pag nagkataon. We can build our names, nadz "
Naging interesado naman ako sa usapan namin. Nang napilit niya ako, nagset kami ng appointment sa agency. I'll grab the opportunity. Wala namang mawawala. Nalalapit na rin naman ang graduation ko eh.

"Nadz, do you like Chris?" Woah. That was so straight forward. Walang pagaalinlangan niyang tinanong niya sa akin iyon. Napansin niya naman na wala akong balak sagutin iyon kaya naitikom niya ang bibig niya.

"I'm sorry I didn't mean to meddle around. I'm sorry" paumanhin niya sa akin

"It's okay, maliit na bagay!"

Naging awkward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

"Uhm, what do you want to drink?" Tanong niya sa akin

"A cocktail will do" maikli kong sagot habang inuusisa ang aking phone. Nakita ko sa twitter na maraming nagreact sa bagong magazine na ako mismo ang cover. May iba pang taong nagtataka kung anong pangalan ko. Hindi nila napapansin ang pangalan ko sa right corner ng magazine.

Hindi pa ako ganun kakilala sa industriya. But to be honest, mas gusto kong kumanta kaysa magmodelling. Or if I have a chance to be an actress, I'll take it.

Makalipas ang ilan pang minuto, bumalik na kami sa pool side at humiga sa mga siesta bed. Tumingala ako sa langit. Malamig masyado ang gabing ito. Tumayo na ako nang biglang may pumatong na jacket sa balikat ko.


Pagkalingon ko, nakita ko ang mukha ni Chris.
"It's too cold. Malalamigan ka" aniya

"It's okay. I'll take a swim sana eh" sabi ko sa kanya

"Then, I'll come with you" sabay ngiti niya sa akin. Inilapag niya ang jacket sa tabi at hinawakan ang aking kamay upang maigiya sa mismong pool. Hinubad ko na ang panakip ko sa aking bikini at lumantad sa kanya ang katawan ko. Now I'm wearing a two-piece swim wear.

Pumunta kami sa malalim na part ng pool. Huminto kami sa bandang dulo. Sa sobrang lalim nito, nakatip toe na ako. Nakasandal ako sa wall ng pool at ang ulo kong dahan dahang tumama sa gutter. Huminto siya sa harap ko at kinulong ako sa kanyang bisig.

"Nadz, I have something to tell you" tinig niya sa akin gamit ang malalim na tono.

"A-ano Yun?" Nagstutter na ang boses ko sa kabang nararamdaman ko.

"I-i like you. No, scratch that! I love you. I'm in love with you. Madly and deeply in love with you"

"Tell me you're kiddin" pambawi ko sa kanya

"I don't have time for jokes. It's true, nadz. Matagal na, hindi mo ba nararamdaman?" Nanginig ang buo kong katawan. Oo, gusto ko siya. Gustong gusto. Pero wala akong assurance at paano ko mapapatunayan na totoo nga iyon?

"Kung matagal na, bakit ngayon mo lang ipinagtapat?"

"Ngayon lang ako nakapagipon ng lakas ng loob" bulong niya sa kanan kong tainga. Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga.

"So, Nadz will you be my girl?"
Nanlaki ang Mata ko. Agad-agad? Matagal na nga ang pinagsamahan namin pero hindi sapat na dahilan Yun para bigalain niya ako ng ganito.

Hindi ako sumagot. Imbis na magtanong pa siya uli, hinawakan niya ang aking pisngi at lumebel ang labi niya sa mukha ko.

"S-stop please" pigil ko sa kanya

"Why is it so easy for you to reject me? Hindi ba ako sapat. Hindi mo ba ako gusto? Sabihin mo la-"

Natigil ang kanyang pagsasalita ng tinawag nila Yass ang atensyon namin.
"Akyat na daw tayo guys!"

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang sagutin ngunit alam kong hindi pa ito ang tamang panahon. Kumawala ako sa kanya at lumublob sa tubig at nagswimming palayo sa kanya.

Hindi ko maintindihan. Parang pakiramdam kong hindi kami para sa isa't- isa. Ugh! Screw your doubts, Nadz!

(JaDine) PANSAMANTALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon