Mabigat ang pakiramdam ko pagkagising ko kinaumagahan. Tinignan ko ang phone ko kung may nagtext ba si Chris saakin. Sa pangalawang pagkakataon, nabigo nanaman ako. Imbis na si Chris ang magtext saakin, mas inaalala pa ako ni James.
From: James Reid (bolero)
Hi, good morningmiss sungit ;) wake up na ;)
From: James Reid (bolero)
Hi. Still sleepy? Wake uppppp! Grr!
From: James Reid (bolero)
Nadz, Kanina kolang naalala may appointment later sa agency. Workshop sa hapon. Building 3. Sorry :(
Aambang magrereply na Sana ako, pero nagulat ako ng nagring ang phone na hinahawakan ko.
James Reid (bolero) calling...
Inaccept ko ang tawag at agad na sumagot.
"Hello" sabay naming sambit
"Morning, sleepy head. May appointment pala later. 10 am. 8:30 na. Sorry hindi kita nasabihan. Nawala sa isip ko. Tapos ang workshop, don't forget. Lunch tayo mamaya?" Tuloy tuloy niyang sabi.
"Ugh. Uhm, yeah sure. Yeah, yeah." Awkward kong sagot
"It's okay. No problem, James." Sabay ngiti ko.
Parang ayaw niya pang ibaba kaya tumagal ang usapan namin ng mga twenty minutes. Nakaka-touch kasi mas concerned pa siya. Eh si Chris? Hindi man lang magawang tumawag. Ano kayang problema nun? Naappreciate ko naman ang pag-aalala ni James. Sabi niya pa ay susunduin niya ako. Pero hindi ako pumayag. Busy kasi siyang tao. Bumubuti na ang career niya ngayon.
Mas naging kilala na siya. Ako naman, dumadami naman ang mga opportunities na naghihintay saakin. Pati na rin sa modeling agency. May mga ramp sessions kaagad ako. Busy din ako sa papasukang hotel nina Sean. Nakausap ni mommy ang parents nito.
Sabay sabay ang dagsa ng mga tratrabahuhin ko.
Nang matapos akong magayos, kumaripas kaagad ako papunta sa Agency. Building 3, 10 am. Aba't mag alas diyes y media na!
Naku, lagot! Sira na ako! Paano pa ako magpapa-impress kung ganito?
"I'm sorry, I'm late." Bungad ko sa kanilang lahat pagkapasok ko sa orientation room.
"Ms. Lustre, please take your seat. I don't want this to happen again, okay? Hinintay ka pa namin, bago kami magsimula. Hindi pupwede ang babagal bagal dito. Sit down" sambit ni Boss Vicky. Strikto siya sa mga talents niya. Maganda na rin yon para disiplinado kami.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni James. Tahimik ang lahat. Nakapalibot kaming mga artists sa isang long table. Napansin ko si Yassi sa dulo ng mesa. Seryosong seryoso. Walang umiimik sa amin.
Maliban na lang nang nagsalita si Boss Vicky.
"This orientation is for all of you, guys. So you better listen very carefully. In every word I say, understand?"
"Yes, boss." Sambit naming lahat
"And don't you dare interrupt me. Don't talk if I didn't tell you. Don't speak. Gusto ko ako lang ang magsasalita. Unless, sinabi ko. Clear?" Mataray na paliwanag nito
"Yes, boss"
"Una, kayong lahat ay nakaset sa 1 year workshop diba? So, I think it is enough for you to be trained. Huwag niyong sayangin ang opportunities na ibinabato namin sa inyo. Pag sinabak namin kayo, walang magiinarte. Nakasaad yun sa kontrata. Basahin niyong maigi"
![](https://img.wattpad.com/cover/35654143-288-k911474.jpg)