Chapter IV

144 8 0
                                    

"Yes,bro! Lalo tayong pumopogi ah?" sambit ni Chris sa lalaking nasa aking harapan. Isang bagay ang sumagi sa aking isip. Hindi ko alam ang pangalan niya

"Sinong mga kasama mo? If you want, you can be with us, pre. Reunion kung baga!" Sigaw ni Chris

"Sure bro! Kasama ko ang mga kaibigan ko pero paalis na rin sana kami kaso nagkita tayo. So, I wish I can extend here in Quezon with you. Namiss ko kayo nila Andre! Mauuna na lang siguro umuwi ang mga kaibigan ko" wika nitong lalaking ito

"Nice! I'll text you kung saan tayo magkikita-kita. Aakyat pa kami sa kamay eh. I'll text you the details. I'll get your number na lang" hiningi ni Chris ang phone number ng lalaki at sinave sa kanyang phone

"Ge, pare una na kami. Reply ha? I'll text you!" At hinatak na ako ni Chris pabalik sa mga benches kung saan nakaupo ang iba pa naming mga kasama

"What took you so long?" nagaalalang tanong ni Stella

"Wala. May naencounter lang ako" paliwanag ko

"Uhm, by the way Chris and Nadz, ito nga pala si Yass, at ito naman si Sean" turo niya sa isang babaeng mistisa. So, Sean pala ang pangalan nung lalaking naka way farer na nakasakay sa isang sexy car kanina. Ngumiti ito sa akin at sinuklian ko ng isang napakatamis na ngiti

"I'm Nadine nga pala, but you can call me Nadz" Ngiti ko ulit sa kanila

Nagpakilala naman sina Ericka at Andre sa dalawa. Malapit ang loob nina Stella kina Andre dahil palagi kaming magkakasama sa mga road trips.

Sabay Sabay kaming umalis, at tumungo sa entrance ng aakyatin naming hagdanan. Inalalayan ako ni Chris. Sina Stella,Sean at Yass naman ay nasa aming harapan at sina Andre at Ericka naman ay nasa aming likuran.

Sobrang haba at matarik ang aming aakyatin. Bawat end ng hagdanan ay mayroong mga rebulto at mga istasyon. Makalipas ang trenta minutos, ay malapit lapit na kami sa Kalahati. Hinahabol ko ang aking hininga habang nagsasaad ng panalangin. Inabutan ako ng botelya ng tubig ni Sean at ngumiti sa akin.

"Salamat, Sean" ngiti ko sa kanya

"You're welcome, Nadine. Is it alright to call you in nickname?" Napatingin si Chris sa direksyon ni Sean. Tumabi si Sean sa aking kaliwang gilid.

"Sure. No problem." Saad ko sa kanya. Kinuha ni Chris ang tubig at binuksan ito para sa akin.

Ininom ko ito upang mapawi ang nararamdaman kong uhaw. Makalipas ang mga minuto, at sa wakas ay nakarating na rin kami. Mayroon pang maiksi na hagdanan patungo sa mismong napakalaking rebulto.

Lumapit kaming lahat doon at nag-alay ng mga panalangin. Pagkatapos ay kumuha pa kami ng mga litrato

"Nadz, picture naman tayo oh" hirit ni Chris

"Sus! Nahiya pa siya. Sure!"

Kumuha siya ng limang litrato kasama ako.

Kinuhanan niya rin ako ng litrato kasama ang rebulto.

Kumuha rin kami ng litrato ng sama sama sa tulong ng monopod ni Stella.

Naganap pa ang mga iilang kwentuhan at tuluyan na kaming bumaba. Mahaba haba ang oras at kumpara sa pagpanhik, mas madali ang pagbaba.

3:00 pm na at tirik na tirik pa rin ang araw.

Tumuloy kami sa isang hotel. Magkakasama kami nina yass at Stella sa isang suite. Sina Andre, Sean at Chris sa isang Family Suite.

Nagpahinga na sila at tinawagan ako ni Chris. Sinabi niyang bumaba ako sa cafe sa tabi ng hotel lobby.

Nang nakarating na ako sa cafe, umupo ako sa tapat niya.

"What do you want Nadz? Coffee? Frappe? Or Cappuccino?" Alok niya sa akin

"Latte will do, Chris." Sagot ko sa kanya

Pumila siya sa counter at umorder na

"By the way Chris, sino nga pala Yung lalaki kanina? Yung naencounter natin bago tayo umakyat? Bakit mo siya kilala?"

"Yun ba? Ah! Si James yun. Do you want toy know ba? First, he's an old friend of mine. Naku, sikat na yun ngayon. Unti unti na siyang nadidiscover sa mundo ng showbiz. Ang malupit pa, former band member namin yun dati. Siya ang vocalist namin dati. Nakilala ang Hidden Avenue dahil sa kanya. Pero, nagkaroon ng complications, kaya siya nagquit" mahabang paliwanag Niya sa akin

"Natext ko na siya at binigay ang mga details. Papunta na siya ngayon dito galing sya sa hotel kung saan nagstay Yung mga kaibigan niya " tuloy niyang paliwanag sa akin

"James? Ahh. Dalawang beses ko na siyang nakita. Pero ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya. Former band member huh? So vocalist siya dati ng Hidden Avenue? I bet maganda ang boses Niya. He looks so nice, tho." Saad ko sa Kanya

"Tadhana nga naman, sa dami rami ng makakabangga mo, ang bestfriend ko pa? Mabait yun si James." Paliwanag niyang muli at eksaktong entrada ni James sa pintuan ng cafe

"Take a seat, bro." Lahad ni Chris sa upuan. No worries kasi pang apatan ang capacity nitong place namin."

"Hi, bro. Hi, miss! Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya sa akin sabay upo sa left side ng table.

"James, right? Ako nga pala si Nadine. Nadz for short"

"Yes, I'm James, James Reid" ngiti niya at sabay lahad ng kamay sa akin na kaagad ko namang tinanggap

"Nice name, tho." Dagdag niya pa

Dumating naman kaagad ang order namin. Latte sa akin, at espresso naman ang sa dalawa

" So, how long will we stay here? Pang dalawang araw lang ang dala kong damit eh. Buti pa nga at nagdala ako ng extrang mga damit" sabi ni James sabay higop sa kape niya

"I think, tomorrow siguro ng late night. Night swimming kaya tayo tonight? What do you think?" Yaya ni Chris

"It depends sa mga kasama natin" sabi ko

"Basta ako, game ako" maligayang sabi ni James

Nang matapos kami kumain sa cafe, dumiretso na kami sa kanya kanyang hotel room. Hiwalay ang suite ni James sa amin

Chris is right. Mukha ngang mabait si James.

Nagpahinga kami ng ilang sandali at nagkasundong magsiswimming until 12 midnight.

5:00 pm na at palubog na ang araw. Ilang sandali pa ay sabay sabay na kaming nagdinner sa restaurant ng hotel. The ambiance was great. Hindi naman matao actually, halos kami kami lang rin. Lahat kaming mga Babae ay nakadress at may swimwear na panloob.

Ang mga lalaki naman ay nakaboard shorts at colored sandos. Nang matapos kaming kumain, mga bandang alas-nwebe ng gabi ay tumungo na kami sa clubhouse ng hotel.

(JaDine) PANSAMANTALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon