"Aalis na daw" sabi ko sa kanilang dalawa.
"Halika na!" Sabay tayo ni Yassi. Kinuha namin ang lahat ng gamit namin. Mag-checheck out na kami.Dahil until 11 am lang ang pag check-out ayon sa house rules ng hotel.
Kinuha namin ang card at susi dun sa powerbox at tuluyan ng lumabas ng hotel room. Nasa baba na silang lahat.
Nang nakababa na kaming lahat sa may lobby, namataan namin sina Chris sa sofa. Sinurrender namin ang key sa front desk at nagsettle ng payment. Lumapit kami kina Andre at umupo kami sa mga bakanteng upuan. Nakita ko si Sean na tinitipa ang kanyang phone. Hindi ko pa kilala masyado ito ah. Pero mukhang mabait. Binigyan pa niya nga ako ng water, remember?
"So, guys uhmm lahat ba tayo magdadala ng kotse? Mmm?" Panimula ni Chris
"I think wag na, medyo hassle pag marami tayong dalang kotse" pagsaad ko ng opinyon
"Dadalhin mo ba yung iyo?" Tanong sa akin ni mister bolero
"Depende. Kung may pwede akong masakyan" ngiti ko sa kanya
"Akin ka na lang. I mean, sa akin ka na lang... Sumakay" malokong ngiti sa akin ni James. Sabay kindat niya ulit sa akin.
Hala siya?! Lakas neto oh. Kanina lang, nagseseryoso! Ang gulo!
Oh sobrang misteryoso, di mabasa ng diretso aaminin kong ako'y nahulog- ooops! Scratch the last line!
Nagpigil na lang ako ng tawa. Tiningnan ko na lang siya at halatang nagpipigil din ng tawa.
"Sa kotse ko na lang if you want. Wala namang naka-" ani Sean
"No. Akin siya. Sakin siya sasakay. Right?" Putol ni Chris sa sasabihin ni Sean. Tinignan nila akong tatlo. Uh-oh oh no! I'm in trouble!
James with a quirky smile. Sean with a normal face and Chris with a serious look. Wth?
"Kina Stella na lang ako makikisakay. Salamat na lang sa inyong tatlo" ngiti ko sa kanila. With that, sabay sabay nila akong inirapan. Sabay sabay! As in! What the heck?! Pare-pareho silang nakasimangot ngayon.
Yung ngiti ni James, napawi. Yung mukha ni Sean, nakasimangot. At yung kay Chris naman! Jusko! Lukot na lukot! Anong nangyayari? Lahat sila bigong-bigo. Kung hindi sila ganito, tatawa ako ng malakas! Nakakatawa yung mga mukha nila!
"Sorry" pft. Pinigil ko ang tawa ko. Padabog na dinampot ni James yung newspaper at saka sumimangot sa akin. Nakakatawa!
Laugh trip! Yassi and Stella burst out laughing!
"What's so funny?" Seryosong tanong ni Chris sa dalawa
"Paano ba naman, kung nakita niyo yang nga pagmumukha niyo! Pfffft! Hahahahaha!" Tawa ni Stella na sinabayan agad ni Yassi
Sina Andre at Ericka naman ay nakitawa na lang rin.
"Mukhang pinagaagawan kanila, Nadz ah" singit ni Ericka. Matagal ko nang kaibigan tong babaeng ito. Sobrang bait niyan at magaling pang kumanta! Medyo naging pangit lang ang image niya for some reasons.
"Yes naman, nadz!" Hiyaw ni Andre
Natawa na lang kaming lahat, pati ang dalawang lalaki. Si Chris na lang ang natitirang seryoso. Anong problema nito?
"So, sa akin sina Nadz, at Yassi. Sino pa? Samin ka na lang rin Ericka." MIA kagabi si Ericka. Binisita yung Auntie niya sa bayan. Tiga-quezon din eh.
"Oh. Sure! Sinong magda-drive?"
"Ako na lang" pagvo-volunteer ko
"No. You can't." Mariin na sambit ni Chris sa akin lahat kami napalingon sa kanya. Now, I'm starting to get pissed. Wth is his problem? Why is he acting this way? Napipikon na ako. Masyadong protective eh wala namang namamagitan sa amin! Is he serious?! For real?! Nakapag-drive nga ako papunta dito ng safe. Tapos gaganyan-ganyan siya sa akin? What the heck?! Masyado siyang ughh!
Natahimik na lang kaming lahat.
"No worries. I'll drive." Saad ni Stella
Makalipas ang ilang minuto ay lumarga na kami. Kaming apat nila Ericka sa sasakyan ni Stella. Nasa front seat ako at sina Yass sa passenger's seat. Sina James, Sean at Andre sa sasakyan ni Chris. Ano pa nga ba? Pasikat eh. I didn't mean to sound rude, but naiinis na talaga ako.
We're on our way to Padre Burgos. Pupunta kaming Borawan Island. Yun ang napagkasunduan kagabi eh. Tbh, excited akoooo! Pft.
Pero badtrip pa rin talaga ako kay Chris. Haaaay Nadz, don't mind him.
Mahaba-haba ang biyahe mula Quezon hanggang Borawan. Namiss ko tuloy pumunta sa rest house namin. Dun kasi, tahimik. Dahil mag-isa lang ang bahay namin sa isla.
Mabibitin kami, for sure. Kapag umalis kami ng late night, makakarating kami sa manila, maguumaga na. Mahaba ang byahe.
Hindi na ako makapaghintay makatanggap ng diploma. Pag natanggap ko yun, unti unting mapipigtas ang pisi na nakatali sa kalayaan ko. Freedoooooooom!!! Napatigil ako sa pagiisip ng tumigil ang sasakyan sa gasolinahan.
"Stop over muna tayo. Nakakapagod mag-drive!" reklamo ni Stella habang pababa ng sasakyan. Nakita ko naman ang sasakyan ni Chris na nagpapark sa tabi ng sasakyan ni Stella. Bumaba siya at luminga sa tinted na bintana ng sasakyan ni Stella. Kinatok niya ito at ibinaba ko ang window.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Hungry? May convenience store dyan oh" tanong sakin ni Chris
"Okay lang ako"
"Hindi pa tayo naglalunch lahat. San tayo kakain? We must try Pancit Habhab and ang mga specialties ng Quezon" pahayag niya
"May alam akong kainan diyan. May mga specialties ng Quezon. Malapit lang din sa Borawan. Sa may Lipata yun banda" ani Ericka
"Okay. Then dun na lang tayo" sang-ayon ko
"Sa convoy, kayo na ang mauna. Kayo ang nakakaalam ng daan. Susundan na lang namin kayo." Saad ni Chris. Nakita kong bumaba sina Andre at dumiretso sa store. Pinatay niya ang makina ng sasakyan niya at sumunod kina Andre. Tinaas ko na ang bintana.
"What's wrong?" Napalingon ako kay Ericka. Napatingin din si Yassi sa akin.
"Pang Biyernes Santo yang mukha mo, Nadz." Hirit ni Yassi
"Ang tamlay mo. May sakit ka ba?" Hinipo ni Ericka ang noo ko at sa gilid ng leeg ko.
"Wala ka namang lagnat. Nahihilo ka ba? Mahaba kasi ang byahe eh. Ayos ka lang?" Concerned na tanong ni Ericka
"Okay lang ako, E. Don't worry" Ngiti ko sa kanya
May kumatok nanaman sa pintuan ko. Imbis na iunlock ko yung pinto, ibinaba ko na lang Yung bintana
"Ano?" Ayun si mister bolero
"Wow. Sungit." Sabay abot niya sa akin ng Subway sandwich at isang bottled water
"Nagabala ka pa. Okay lang naman ako" lukot pa din ang mukha ko pero unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko.
"Tanggapin mo na, Alexis. Tss."
"Alexis? San galing yun?"
"Diba second name mo yun?" Ngiti niyang nakahulugan
"Paano mo nalaman?"
"You know, connections." Nag-wink pa siya bago ako tinalikuran. Aba't!-
"Salamat, Stalker!" Maligaya kong sabi sa kanya
Natutuwa ako. Napapagaan niya ang loob ko. Itinaas ko na ang bintana ko. Nang itataas ko na, chineck ko yung pagkaing binigay sa akin ni James.
Napangiti na lang ako.
Pagkalingon ko sa likod, nakita kong nakangisi ang dalawa. At nagkatinginan pa silang dalawa ng sabay. At lahat kaming tatlo ay natawa.
Pumasok si Ste at sinumulan ng patakbuhin ang sasakyan.