Pagkagising ko kinaumagahan, may naramdaman akong matigas sa bandang ulunan ko. Pagkakapa ko, katawan pala ito ng tao. Bigla ko lang naalala ang nangyari kagabi. Hindi man lang siya nagpaliwanag ng maayos. Ano nga ba talaga ang nangyayari?
Tumayo ako at agad pumasok sa banyo para maligo. Pagkalabas ko ng banyo, naabutan ko siyang patayo sa kama ko.
"Morning, Nadz."
"Good morning din." Malamig kong tinig at sabay pasok sa walk in closet ko.
Nang nakapagbihis na ako ng pangwork-out, lumabas na ako ng closet. Balak kong mag gym ngayon.
" Where are you going?" Tanong ni Chris sa akin
"Pupunta ng Gym. Maya maya pa naman"
"I'll come with you" sambit niya at pumunta sa pantry ng condo ko.
"Narinig mo ba ang sarili mo? Tingnan mo nga ang itsura mo, wala ka ngang ni pantulog man lang. Natulog ka ng nakapants at Long sleeves. Tapos sasama ka saakin? Saan ka kukuha ng damit, aber?"
"May damit ako sa kotse. Huwag kang mag-alala." Sabay bukas niya sa corned beef. Iginisa niya iyon. Gumawa din siya ng omelette. Sumandok din siya ng kanin at inilagay sa plato ko, nilagyan din niya ito ng ulam.
Kumain kami ng tahimik. Ramdam na ramdam ko ang ilang. Minsan din kami nagkakatinginan pero pinuputol ko iyon.
Nang matapos kaming kumain, kumuha siya sa kotse niya ng iilang mga gamit at naligo sa banyo ko. Walang kumikibo saaming dalawa.
Nang maayos na ang lahat, bumaba kami sa basement parking ng building at sumakay sa sasakyan niya. Napansin kong may gamit nga siya sa likuran. Nakita ko rin ang maliit na shoe rack niya sa likod. May mga damit din siyang nakaimbak sa likuran.
Tinawagan ko si Stella at sinabing pupunta ako sa gym. At kasama ko ngayon si Chris. Sabi naman niya ay susunod na lang siya. Great idea! Para hindi masyadong awkward.
Member din si Chris dito sa gym na ito. Kaya pagkadating namin doon, agad siyang binati ng mga kaibigan niya at iilan sa mga PT.
May PT ako, lalaki at ikatlong session ko na ito. Si Sir Marc ang trainer ko. Siya ang nagtuturo sa akin ng tamang positions sa pagwowork out.
Pumasok na ako sa ladies' locker room at inilagay lahat ng gamit ko. Ganun din ang ginawa ni Chris ngunit magkahiwalay ang locker room ng babae sa lalaki. (Malamang bwahahaha)
Nang makalabas ako, sumalubong kaagad saakin si Miss Masie. Siya yung PT ko last month.
"Uy, Nadz! You lost weight! May progress ah?" Bati niya sa akin habang nagwawarm-up ako sa stepper.
"Yes. Tinutuloy ko kasi ang diet ko.""I told you. Effective ang healthy diet kesa sa palleo diet.
Makalipas ang sampung minutong pagwa-warm up, pumunta ako sa mga gym equipments at kinuha ko ang yoga/planking mat. Kumuha din ako ng dalawang 7lbs na kettlebells.
Namataan ko naman si Chris na nagwa-warm up sa treadmill. Mayroon namang babaeng PT sa tabi niya na nagseset up ng treadmill niya. Sa pagkakaalala ko, Vanessa ang pangalan ng Personal Trainer niya.
Sakto naman ang dating ni Sir Marc.
"Oh, Nadz! Long time no see! You lost weight!" Bati niya saakin
"Busy kasi ako, coach. Madami kasing trabaho sa agency'ng pinapasukan ko"
Naikwento ko naman sa kanya ang career ko sa agency. Yung pagaartista at pagwowork shop ko.
"Nice! Kapag sumikat ka, walang kalimutan ah?" Tumawa kami ng malakas at nagkwentuhan pa ng ilang minuto.
Gwapo si Coach. Matangkad, maputi, sobrang laki ng katawan, makinis ang balat, maganda ang hugis ng mukha, at mabait pa. Perfect siya, mukha siyang Hollywood star.
"Tapos ka na mag warm up?" Tanong ni coach
"Yes, coach. Sa stepper."
"Good. Let's start with the kettlebells. Just like the usual. 3 reps ng 60 seconds squats with 7lbs kettlebell each hand. Mamaya na tayo mag circuit training then may RPM class ka later" paliwanag niya habang sineset ang timer.
Pumwesto ako sa may harapan ng salamin at sinimulan ang pag-squat.
Hinawakan ni coach ang legs ko at ipinaghiwalay ito. Iyon ang tamang posisyon at kada-bend mo at hindi dapat lalagpas ang tuhod mo sa level ng mga paa mo. Kumbaga ipagtatapat mo ang knee cup mo sa point ng paa mo. Hindi dapat lalagpas iyon.
"Lower your butt, Nadine. 20 seconds to go." Saad ni coach
Narinig ko na lang ang isang malakas na kalabog. Pagkalingon ko sa aking likuran, nakita ko si Chris sa mga weights at matalim na nakatitig sa akin. Inihinto ko ang ginagawa ko.
"No stopping. Get back to work." Utos ni coach
Itinuloy ko ang ginagawa ko at nagfocus sa sakit na nararamdaman ko sa abdomen ko at sa legs ko.
Pagkatapos ng squats, pinagawa naman sa akin ang planking.
Mahirap sa umpisa, pero nasanay naman ako kinalaunan. Nagcircuit training ako, ang pinaka nakakapagod sa lahat.
Una ang pagtakbo sa small track forward then backward. 60 seconds iyon. Then jump squats, burpees, duck walk, push ups and ang pinaka intense sa lahat ay yung double arm waves sa rope combat. No rests. After nun, may flutter kicks and bicycle sit ups pa ako.
Napapadalas din ang pagtalim ng tingin ni Chris saakin.
"Okay, done. Water break. 15 minutes."
Hingal na hingal akong tumungo sa lounge. Uminom ako ng tubig at dumiretso sa locker para magpalit ng damit.
"What the fvck is your problem, Nadz?" Nabigla na lang ako nang may biglang humarang sa dinadaanan ko. Si Chris.
"Ano nanaman ba ang ginawa ko?"
"Umuwi na tayo. Hapon na. I'll talk to you later. Basta magbihis ka na" Malamig na sambit niya.
Nang matapos akong magbihis, kinuha ko lahat ng gamit ko at lumabas na ng locker room. Tumambad kaagad sa akin ang kagwapuhan ni Chris. Nakablack siya na V-Neck na mas lalong nagpadepina ng katikasan ng kanyang katawan. Soot niya ang dog tag na regalo ko noong highschool. Bumagay din sa kanya ang fitted blue pants na medyo naka roll-up. Mas lalo naman siyang gumwapo sa pagsoot ng Topsider.
"Let's go." Sabay akbay sa akin
"Nadz!" Nagulat ako sa sumigaw. Napalingon at nakita ko kung sino ang taong iyon.
"Coach! Mauuna na pala kami ah! See you next week! Thanks coach!"
"I thought you will attend the RPM class?"
"Hindi na coach eh. Maybe next time."
"Ah sige. Ingat kayo ng, boyfriend mo?" Nagtataka niyang tanong. Tinitigan siya ni Chris ng matalim habang nakahalukipkip.
"Yes. I'm her boyfriend. May problema ba?"
"Wala, wala pare. I'm Marc nga pala." Sabi ni coach naglahad ng kamay. Hindi iniabot ni Chris iyon kaya ibinababa niya na lang ang kanyang kamay.
"Medyo masungit pala Yung boyfriend mo ah." Maangas na sambit ni Coach.
"Pasensya na kayo coach ah. Uhmm... Pagod lang yan kaya ganyan."
"Ah, ganun ba? Sige next time na lang. See you." Lumakad na papalayo si coach.
Hinawakan ni Chris yung kamay pero iniiwas ko iyon.
"What?" Tanong niya nang iniwas ko ulit ang kamay ko"You don't need to act that way."
"Huh? Eh sa nagseselos ako eh" sambit niya. Tama ba ang rinig ko?
"Halika na. Kumain muna tayo. Gutom na ako." Sabi niya at hinatak ako paakyat ng escalator.
