Borawan

78 6 0
                                    

Nang makababa kami sa kakainan namin sa Lipata, nagulat ako ng may humablot sa braso ko.

"I thought you're not hungry? Bakit tinanggap mo yung inoffer ni James?" Malungkot ang kanyang mga mata.

"Kesa i-reject ko yung tao. Nagmama-"

"Eh bakit ako, napakadali mong nareject?" Tanong niya sa akin. Nakita kong nakapasok na lahat ng mga kasama namin. Naiwan lang kaming dalawa dito sa parking lot.

"Chris, hindi kita maintindihan"

"Kasi hindi mo ko iniintindi, Nadine."

"Bakit ka ba nagkakaganyan? You act as if I'm yours. Masyado kang protective. Masyado kang possessive!" Pabulong kong sabi ngunit ang galit ang tono ng pagsasalita ko.

"Hindi mo ba ako gusto?"

"Chris, let's talk some other time. Naghihintay sila sa loob."

Lumakad ako palayo sa kanya at pumasok sa entrance ng restaurant

"Good afternoon, ma'am" bati ng guard

"Good afternoon" bored kong sabi

Tumabi ako kay Stella. Pumasok naman kaagad si Chris at umupo sa tabi ko.

"I'm sorry" pabulong niyang sabi saakin

"Order na tayo, guys" saad ni Andre at ipinakita ang menu. Umorder na kaming lahat. Pancit Hab-hab at longganisang lucban sa akin. Specialty ito ng Quezon, marahil sikat din ang Lucban. Nasa Lipata kami ngayon at ilang sandali na lang ay makakarating na kami sa Borawan.

Nang nakarating na ang order namin, isa-isang ipinamahagi ito sa amin.

"Eat well." Sabi ni Chris sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Nandun pa din ang pagkailang.

So, we ate in silence.

...

Magaalas-dos na ng hapon. At kakarating lang namin dito sa Borawan. Nagrent kami ng cottage at isang cabana. Tabi lang siya ng beach. Malaki ang cottage kaya walang problema. Huhu! Bitin ito! Napakaikli! May pasok nanaman bukas! Pagkauwi ko bukas, Monday na! Puyat ako paguwi! Waaaah! 7:30 klase ko!

Tri-sem kasi ang trip ng school ko eh. Third sem na! Malapit ng mag March!

Sabi nila mga Gabi na kami makakaalis dito. Kailangan naming i-spend ang time ng makabuluhan. Pagkadating namin sa cottage, inayos namin ang mga gamit namin. Nagbihis na kami nila Ericka ng swimwear. Ako naka Rash Guard at cycling shorts. Sina Yass, E, at Ste ay naka two-piece bikinis kaya kitang kita ang kanilang hourglass bodies.

Nang nakaayos na ang lahat. Umarkila kami ng boat. Magbo boat ride kami. Alas dos y media na. Kaya tirik na tirik ang araw. Naglagay ako ng sunblock sa legs. Naglagay na rin ako sa braso ako kahit naka rash guard ako. Tinaas ko ang sleeves at naglagay dun para sure. Nang aambang pasakay na ako sa boat, inalalayan ako ni James. Uh-oh seryoso nanaman ang lolo niyo!

Nang nakaakyat kami, nagpasalamat ako sa kanya.

"Thanks, James."

Tumango lang siya sa akin. Anong nangyari sa lolo niyo? Pabago-bago ng mood!

Nang kumpleto na kami, pinaandar na ng bangkero ang bangka.
Sakto lang saamin ang laki ng bangka. Tinour kami ng bangkero sa buong Borawan. Nakasuot kami ng life vest. Nag island-hopping kami. Nang huminto kami sa gitna ng isla, napagpasyahan naming magsnorkel doon at magtampisaw sa dagat. Sobra ang lalim ng tubig. Puro tubig lang ang nakapalibot sa amin. Wala nang mga impaestraktura.

Iniabot sa akin ng bangkero ang snorkeling gear. Isang diving mask, isang snorkel, at isang pares ng fins.
Nang naisuot ko na ito, Bumaba ako sa isang steel ladder. Ayokong magdive, natatakot ako. May mga nakapalibot na lubid at mga floaters. Nang nakababa ako, sumunod silang lahat. Si Chris lang ang naiwan doon. Nakamasid siya sa akin at nagsuot ng wayfarers.

"Conservative much?" Napalingon ako sa nagsalita. Aba!

"Hindi naman. Bakit, mister stalker? Ang pangit ba ng view?" ngisi ko sa kanya. Ang pangit ng view kasi wala siyang makikita. Balot na balot ako oh! Hahaha! Poor you, mister bolero! Bwahaha!

"Asa. Hindi kita pagnanasaan, Alexis."

"Don't call me that."

"Why? Ayaw mo nun, unique?"

"Ayoko."

"Ayaw mo? Edi mas lalo kitang tatawaging Alexis Bwahahaha!" Hindi ko napigilan ang tawa ko. Nakisabay na rin ako sa tawa niya. Natawag lang ang atensyon namin ng nakarinig kami ng splash ng tubig. Pagkalingon ko sa bangka, wala na dun si Chris. Nakita ko rin ang life vest niya sa upuan.

Shit! Don't tell me!

Hinubad ko ang vest ko at lumubog sa tubig. Don't worry! Swimming skills! Nang hinahanap ng mga Mata ko si Chris, kinakain ng kaba ang buo kong sistema. Thanks for the mask. Malinaw ang tingin ko sa tubig. Malalim ito ng sobra. Narinig ko din ang pagpanic nila nang nalaman nilang hindi ako naka-vest. Hello?! Marunong akong mg-swimming! Nakita ko si Chris na hindi gumagalaw. Hindi ito pwedeng mangyari! Nang hinipo ko yung mukha niya, may malay naman siya. Kaya napawi ang kabang nararamdaman ko. Niyakap ko siya upang makumbinsi ko siyang umangat sa tubig. Nang nakaahon kami, napasinghap ako ng malakas. Nahirapan akong huminga. Ipinadapa ko si Chris sa bangka. Nataranta naman sina E at umakyat isa-isa sa bangka. Hinarap ko siya sa akin. He's topless. May malay naman siya.

"Okay ka lang, Chris?" Nagaalala kong tanong

"Sabi na nga ba, ako pa din ang pipiliin mo eh" ngisi niya sa akin

Sa sobrang inis ko, sinampal ko siya sa kanyang kaliwang pisngi. Nagulat naman silang lahat sa ginawa ko.

"Para saan iyon, Nadine?" Tanong niya sa akin.

Nanonood na din pati yung dalawang bangkero.

"Para saan iyon? Kasi g*go ka! Yan ang masasabi ko sayo. G*go ka!"

Inis. Inis at galit ang nararamdaman ko. Para saan ang stunt na iyon?! Nagalala ako ng sobra-sobra! Mahal ko siya! Hindi iyon maaalis! Bakit kailangan niya akong ganituhin? Bakit niya ginawa iyon? At dahil doon, naconfirm ko na may nararamdaman pa din ako para sa kanya.

Hinubad ko ang gear ko at isinalampak iyon sa lapag. Wala akong pakialam kung masira pa iyon. Kaya kong bumili niyan. Inis lang talaga ako! Umupo ako sa kahoy na bench. Dalawang magkatapat iyon. Umupo siya sa tapat ko. At binigyan ako ng malamig na titig. Sinuklian ko siya ng matalim na titig. Nawalan na ako ng gana. Hanggang sa makabalik kami sa isla kung saan nandun ang cottage, magkatitigan lang kami. Pinipilit kong paatrasin ang mga luha ako. Kanina pa ako inaalu ni Ste. Si E naman, binibigyan din ako ng titig na puno ng sinseridad.

Nang huminto ang bangka sa daungan. Mabilis akong tumayo at naglakad paalis. Hinawakan niya ang kaliwang braso ko. Nilingon ko siya at marahas na hinawi ang kamay niya. Malakas iyon. Naramdaman ko. Nakikita ko rin ang panonood ng mga kasama ko. Nang ibababa na ng bangkero yung hagdanan, tumalon kaagad ako sa buhanginan. Mataas ito. Sumakit ang paa ko pero hindi ko iyon ininda. Mabuti na lang at saakin nila pinatago ang Susi ng cottage. Pumasok kaagad ako at sinarado ang pintuan. Tinungo ko ang kwarto namin nina E at dumapa sa Kama namin at doon binuhos lahat ng luha na kanina pang nagbabadyang umagos

A/N: waaah sorry sabaw ulit :(

(JaDine) PANSAMANTALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon