Mister Bolero

109 6 0
                                    

"What happened?" Tanong sa akin ni Ste. Tulog na si Yass sa kabilang kama.

"Huh?" Angil ko sa kanya

"Wag ka nang magmaang-maangan! Nakita ko kayo ni Chris kanina. But after the scene in the pool, he looks so pissed. So, what happened?" dugtong niya pa

"Nothing"

"I'm not convinced, so tell me. You can't hide it from me, Nadz." seryoso niyang pahayag sa akin

"He just confessed his feelings. Yun lang. Wala nang iba."

"Bakit siya galit? And what?! He confessed? Edi masaya na ang Lola niyo! Sa wakas! Nagising na sa realidad ang kumag! Masaya ka na Nadz?" Kulang na lang magtata-talon siya sa kama. Kung Hindi lang natutulog si Yass, nakooooo.

"Yun nga eh. Nireject ko yung kiss niya. Actually, nireject ko siya mismo. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero ang alam ko hindi ako kumbinsido sa nararamdaman niya para sa akin. Ginusto ko yon, pero hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko."

"Nalito ka bigla, Nadz? Eh diba nga simula't sapul, patay na patay ka kay Chris?"

"Yun na nga eh. By the way, prepared ka na ba for the graduation? Malapit na ah" pagiiba ko ng topic

Mabuti na lang at sinunggaban niya ang topic na iyon, kaya hindi na namin napagusapan yung nangyari kanina. Hindi rin nagtagal, at inantok rin kami. Nahiga na kaming pareho sa kama. Pinindot ko ang switch ng lampshade at ipinikit ang aking mga mata.

...
Nagising akong walang bakas ng sinuman sa kwarto. Gising na siguro lahat sila. Naligo na ako at nag-ayos. 9:30 am na

Inabandona ko ang kwarto at sinuri ang kwarto nila Chris. Wala sila dun. Naramdaman kong gumalaw ang pintuan sa kabilang hallway. Tumambad sa akin si James. Ngumiti siya saakin. Nakahiwalay siya ng kwarto.

Sinuklian ko ang kanyang ngiti.

"Good morning, miss beautiful" maganda niyang bati sa akin

"Tss. Bolero" nginisian ko siya at nilapitan.

"Good morning din, mister."

"Don't be too formal. Maging feeling-close ka naman kahit minsan!" Bibo niyang sambit sa akin. Pero, I feel comfortable when I'm with him.

"Sabay na tayo" at iginiya niya ako papuntang elevator.

"Nasa resto sila sa baba. Nag be-breakfast. Breakfast Buffet para heavy kasi mag to-tour daw tayong lahat. Later in the afternoon then we'll leave at late night." Sabi niya saakin nang makapasok sa elevator

"Ahhh" yun lang ang nasabi ko

Pagkalabas namin ng elevator, dumaan kami sa lobby upang makatagos sa way papunta ng resto.
Nakita ko silang nasa isang long table. Umupo ako sa bakanteng upuang nasa tabi ni Chris. Umupo naman si James sa bakanteng upuan sa tabi ni Ste. Hinala kong para sa akin iyon. So ang kinalabasan, magkatapat kami ni mister bolero. Ang gaan ng pakiramdam ko kapag nakikita ko siya. That was so weird. Sabi nga ni Chris, pasikat na itong mokong na ito. Pero sa kabila ng lahat, ang bait niya pa rin.

Sari-sarili kaming kumuha ng aming mga pagkain.
Una kong kinain ang Cascade Salad na gawa ko mismo. Kasi sa mga serving tables ng mga salad, ingredients lang ang nakahain. Ikaw mismo ang gagawa para sa sarili mong taste. Masama ang tingin ni Chris sa plato ko.

"Huwag mong i-starve ang sarili mo. You don't need to lessen your food. All you need to do is to balance it" mariin niyang sambit. Para akong isang musmus na bata na napagalitan ng kanyang ama. He's being too concerned. Ano pa nga ba? Best friend ko eh. And alam niyo na, there's something beyond that. Higit pa sa pagkakaibigan. Ako? Hindi ko na alam. Biglang nagiba bigla ang interes ko. Haaaaaay. Napabuntong-hininga na lang ako

(JaDine) PANSAMANTALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon