A/N: revised na siya! I'm so sorry! Medj magulo kanina eh :(
"Ma'am gising na daw po kayo, sabi po ni madame my. Ma'am tanghali na po kayo" sabay yugyog niya sa tulog mantika kong katawan
"Mmm give me 5 minutes." Angal ko
"Ma'am late na po kasi kayo eh. Ma'am" yugyog niya ulit sa akin". Argghhhh!!
"Okay! Okay!" Suko at tsaka tumayo na sa aking pagkakahiga
Tinignan ko ang aking orasan.
Sht. 6:45 am!
7:30 ang klase ko!
Culinary ang course ko ngayon. At sa hapon, nagmomodel pag may appointment sa agency.
Pumasok na ako sa banyo at tuluyan nang naligo. I hate Mondays! Parang may hangover pa sa weekend.
3rd sem na. Tri-sem ang paandar ng school ko. 4th year college. Kaunti na lang at may diploma na ako.
Pagkalabas ko ng banyo, dumiretso kaagad ako sa walk-in closet ko. Kinuha ko ang isang ysl dress at kinuha ang ID kong nakahang sa likod ng pinto.
These are the days we've been waiting for, rattle the cage and slam that door~
Tumutunog ang phone ko. Nahanap ko kaagad ito sa bedside table.
Stella De Guzman Calling...
Shoot! Si ste.
"Hello, nadz! Nasaan ka na ba?! Magsstart na klase mo! Papunta na ako sa first class ko!" Bungad niya sa akin
"Ito na po! Malapit na, haha!" Pangasar ko sa kanya
"O sige na! Bilis bilisan mo naman!" At tuluyan ko nang ibinaba ang tawag
Naging normal naman ang naging daloy ng klase. Kasabay ko lagi si ste kumain sa café. Si Chris naman, same school pero magkaiba kami ng department
Naging abala naman ako sa mga sumunod na araw, consecutive ang dagsa ng mga practicals and requirements. Ang hirap talagag maging college student. Pero malapit na akong magtapos. Kaunti na lang, makakapa full time na ako sa pagmomodel ko.
Mabilis lumipas ang mga araw. Sabado ng madaling araw ngayon. Ngunit malapit na namang sumilip ang araw. Kasalukuyan akong nagaayos ng aking mga gamit. Papunta kami sa Lucban, Quezon.
Aakyat kami nila Chris, Ste at iba pa naming mga kaibigan sa Kamay ni Hesus sa Quezon. Nagdala rin sina ste ng iba pang mga kasama. Oooops baka medyo maout of place ako later.
Nang matapos na akong magimpake at magbihis, dumiretso na ako sa garahe. Hindi na muna ako magaalmusal. Sa daan na lang siguro.
Inistart ko na ang makina at ipinatakbo na ang sasakyan. Wala Sila mommy ngayon at nagbabakasyon sa province namin at nangagalaga sa mga taniman doon.
Tinawagan ko sina Chris at Stella kung nasaan na sila. Sa isang resto sa San Rafael, Batangas kami magkikita-kita. Iyon ang napili naming meeting place.
