May magarbong sasakyan ngayon ang nakaparada sa harapan ko. Bumaba ang lalaki at iniabot ang susi ng kanyang sasakyan para sa valet parking.
Napanganga ako nang napagtanto ko kung sino ang lalaking iyon. Aba!
Nakita ko siyang may dala ng isang bouquet ng Osiria Roses. Ang gaganda nito at mukhang mamahalin. Sa kabilang kamay naman niya ay may isang paper bag. Haaaay! Masyadong galante ang lolo niyo!
Tiningnan ko siya sa mata. Halatang halata sa kanya ang pagpigil ng tawa. Kinagat niya ang kanyang labi
"Hay! Ang dami mong drama, Mr. James Reid! Sabi mo hindi ka pupunta? Ang daming pakulo! Anong kalokohan ito?" Singhal ko sa kanya
"Sino ba naman kasing nagsabi na lumabas ka? I was going to surprise you! Sinabi ko na hindi ako pupunta para pag nakita mo ko, masusurprise ka! Kaso, inabangan mo pa ako dito. Tsk tsk."
"Excuse me! Hindi kita inaabangan! Pumunta ako dito para mas malakas ang sagap ng signal! Ang dami mong alam!"
"It is Mission: Gulatin Si Miss Sungit! MGMS for short! Eh naging isang malaking failure ito!"
Tawang tawa naman ako sa mga kabalastugan na sinasabi niya. Iniabot niya sakin ang bouquet ng Osiria Roses. Inamoy ko ito at ngumiti sa kanya.
"Ang sweet mo namaaaaan!" Sabay kurot ko sa kanyang tagiliran at hinampas sa kanya ng marahan ang mga bulaklak
"Tss. Congratulations nga pala!" Sabay ngisi niya. Iniabot niya saakin ang paper bag.
Pumasok na kami kung saan naghihintay sina mommy. Kilala na nina Mommy si James. Dahil nabanggit ko na siya sa kanila dahil sa workshop.
"Oh, hijo! Nandito ka pala! Hindi man lang sinabi ni Nadine na pupunta ka pala dito!" Sabay beso ni mommy kay James. Kinamayan naman ni daddy si James.
"Mommy, Hindi po kasi ako sigurado eh"
Lahat sila ay kumakain na. Kaya, pinakuha ko na rin siya ng pagkain.
Napuno ang hapunan namin ng kwentuhan at tawanan. Si James naman ay panay sagot sa mga katanungan nina mommy at daddy.
Nang matapos ang pagkain namin, dumiretso kaming lahat sa bahay namin.
Pagkapasok naming lahat, agad namangha sina Yassi sa laki ng bahay namin. Dala na rin ng mga marmol na muwebles. Agaw pansin din ang grand piano. Pagkapasok mo sa aming pintuan, mapapansin mo ang napakalaking chandelier at may mga diamonds ito na palamuti. Makikita mo rin ang grand stairs ng bahay at ang makapal na carpet nito. May mga frames din dito at mga displays. May daan patungo sa mismong kusina. Mayroon ding lagoon patungong dining room. May malaking pintuan din patungo sa entertainment room at movie theatre. May glass doors kami patungo sa patio.
Dumiretso kami sa patio namin at namahinga sa mga nakaset-up na tables and chairs. May mga liquor din doon at ice bucket. May mga finger-foods na nakahain sa glass table namin.
Namataan ko rin ang mga katulong namin na nagse-setup ng chocolate fondue. May sari-saring fruits doon at marshmallows.
Binuksan naman namin ang underwater LED lights ng pool.
"Nadine! Pahiramin mo sina Yassi ng mga swim wears! Mag si-swimming sila! Paano nga pala kayo, boys?" Sambit ni mommy
"Don't worry mom, papahiramin ko sila." Saad ko
"Papahiramin ko din sina James at Sean" sagot ni kuya
Dumiretso kami nina Yass sa kwarto ko. Pumasok silang tatlo sa walk-in closet ko.
"Nadz! Nood tayo mamaya! Movie marathon!" Suhestiyon ni Ste.
"Dito na kasi kayo mag sleep-over!" Sigaw ko
"Hindi pwede! Next time na lang! Wala kaming damit!" Sabi ni Yass
"Sus! Edi humiram kayo sakin! Walang problema!" Sagot ko
"Next time na lang, Nadz! Promise!"
"Sabi niyo yan ah!"
Iniabot ko ang zebra print na two-piece kay E. Hinila naman ni Stella ang rash guard at cycling shorts sa cabinet ko. Iba! Conservative si ateng! Binigay ko naman ang red one piece suit kay Yassi.
Nagbihis kaming tatlo sa malaking banyo ko. Aztec print na two piece naman ang saakin. Nagkwentuhan pa kami sa kwarto ko bago bumaba. Binigyan ko sila ng cover-up.
Nang makapunta kami sa patio, agad naming nakita sina James, kuya at Sean na naka topless at board shorts.
Sabay sabay kaming tumalon sa pool. Saktong nagturn-up ang music sa patio namin. Moderno ang patio namin. Katabi ito ng circular pool. Nakaset up doon sa gilid ang dalawang malaking speakers.
Lumakas ang music. Nagsigawan kaming lahat at binalot ang bahay namin ng mga masasayang tawa.
These are the days we've
been waiting forRattle the cage and slam that door
And the world is calling us but not just yet
These are the days we won't regret
These are the days we won't forget
Kinuha ni E ang phone niya at ikinabit sa monopod. Water resistant iyon kaya nakapagselfie pa kami sa ilalim ng tubig.
Naglaro kami ng chicken fight. Partner ko si James at kalaban namin sina Andre at Yassi.
Sumakay ako sa balikat ni James at ganoon din ang ginawa ni Yassi Kay Andre. Sina E naman ay tawa lang ng tawa.
Nang pareho na kaming nakaupo ni Yass sa balikat ng mga kakampi namin, pinaglapit na kami. Ang mechanics nito ay kailangan hindi ka maout of balance habang nakasakay sa balikat ng partner mo at kailangang patumbahin mo ang kalaban mo sa pamamagitan ng pagtulak sa nakasiklop niyong mga kamay.
Pinagsiklop namin ni Yassi ang mga kamay namin at nagtulukan kaming dalawa habang tumatawa. Napalakas ang tulak ko kaya natumba si Yassi. Pilit naman kinokontrol ni Andre pero nawalan na talaga ng balanse kaya lumubog Sila.
Bilang parusa, kailangan nilang lumusot samin nila E, James at Sean. Nilakihan namin iyon upang magkasya ang bawat isa sa kanila.
Kailangan hindi dapat mabangga ang mga binti namin kundi may ikalawang parusa.
Ngunit, natamaan nila ang binti ni E, kaya natangay si E at lumubog. Fail! Hindi Sila nagtagumpay, kaya kumuha ako ng piso mula sa mga matatandang nanonood sa saamin at halata silang natutuwa. Nang makakuha ako ng piso, ibinato ko iyon sa pinakamalalim na parte ng pool namin. Kailangan nila itong hagilapin. Makalipas ang ilang minuto ng paghahanap...
"I got it!" Hiyaw ni Andre at umahon sa pool at nagtatatalon. Tawa kami ng tawa nila James at kumuha ng fruit fondue doon sa mesa.
