Details

71 6 0
                                    

"Oh, check niyo ulit at baka may naiwan pa tayo!" utos ni Chris. Alas nwube y media na at kailangan naming umuwi

"Ayos na. Wala nang gamit sa cottage. Wala na tayong naiwan. Malinis na din ang Cabana."

Nalulungkot ako. Napaiksi ng panahon. Uuwi kaagad kami? Ayoko pa! Kaso, hindi pupwede finals na namin next week at may mga requirements pa akong gagawin. Next time na nga lang ulit. Magkikita pa naman kami ni Yass eh. About dun sa workshop! Wala akong number ni James! Bahala na nga!

Pumunta na kami sa hotel sa Lucban para kuhain lahat ng mga kotseng iniwan namin doon.

Nang nakuha ko na ang sasakyan ko, nagpahinga muna kami doon sa parking lot.

"Uhm, so guys san tayo banda magkalahiwalay?" tanong ko sa kanila

"Sa NLEX na. Sa balintawak exit ako lalabas. Sa Manila kayo diba?" Tanong ni E.

"Yup. Pero pagkalabas ng Manila exit, magkakaiba tayo ng mga routes na dadaanan. Basta ako susundan ko si Nadz hanggang makauwi"

"Huh? Wag na. Kaya ko na ito. Dumiretso ka na agad sa way mo pauwi."

"Hindi. Susundan kita. Let's go guys"

Nagpaalam kami sa isa't isa. Niyakap ko si Yassi at nakipagbeso.
Hinalikan naman ako sa pisngi ni E. Si Ste naman, ang higpit higpit ng yakap at nakipagbeso rin sa akin. Nahinto na lang kami ng may kumalabit sa akin. It was James.

"Oh?" Sabi ko sabay tawa

May iniabot siyang papel at napagtanto Kong isa itong calling card

"Text me. Para malaman ko number mo. Next week yung workshop. Naipasok ko na yung pangalan mo doon. I'll text you the details about dun sa mga fees at sa mga requirements. Just text me" sabi niya saakin at nakipag apir

"Nice to meet you, Alexis." Ngiti niya sa akin at tuluyan ng pumasok sa kotse niya.

Nakapasok na silang lahat sa mga kotse nila. Except kay, Sean.
"Uhm, goodbye, Nadz. Nice to meet you" mahiyain niyang sambit. Walang pagaalinlangan na niyakap ko siya at tuluyan ng nagpaalam. Pumasok na ako sa kotse ko at pinatakbo ang makina.

...........................

Palabas na kami sa Manila exit. Nakalabas na si E sa Balintawak. Binusinahan ako nina James at tuluyan ng umiba ng daan. Kaming
dalawa ni Chris sa daanan. At sinundan niya talaga ako hanggang sa pag-uwi.

Bumaba siya sa kanyang sasakyan at nagpaalam na sa akin

"So uhm, I'll text you later kapag nakauwi na ako. I love you" sambit niya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Tayo na diba? Nung tinanong kita kanina, you kissed my cheek. So, understood na yon?" Sabay hagikhik niya na nakapagpataas ng balahibo ko.

Oo, kami na. Tama kaya ang naging desisyon ko? Tama kaya ito? Sana tama lang ang lahat. Hindi na ako confused at confirmed na ang lahat. Hindi na nga mababago ang nararamdaman ko. Mahal ko nga ang lalaking nasa harapan ko.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Sunuklian naman niya ito ng mas matamis na ngiti. Makikita mo sa kanyang mata ang kasiyahan.

"So, goodnight na? Ingat ka ha?"

"Walang goodnight kiss?" Nagpout pa siya. Awww ang cute :'(

"Wala! Next time na!" Sabay tawa ko. Pumasok siya sa sasakyan niya at ini-start ang engine. Tumalikod na ako dahil ayoko siyang makitang umalis. Pinark ko na Yung kotse ko sa garage ng bahay namin at tuluyan ng pumasok.

Nang ipinihit ko ang double doors ng bahay, sinalubong ako ni Manang Pacing

"Naku bata ka! Gabing gabi na! May pasok ka pa bukas hija!" Nagaalala niyang sambit

"Galing po ako sa Quezon, nang. Nandyan na po ba sila mommy?"

"Ay oo! Kaso tulog na! Galing pa sa hacienda! Pagod na pagod! Kumain ka na ba?"

"Oho, nang. Sige po, mauna na po ako."

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko, sumalampak agad ako sa kama. Nakakapagod! Naisipan kong hindi pa pala ako nakakapagpalit ng pangtulog.

Hinubad ko ang sapatos ko at nagpalit na ng pajamas. Tumalon ako sa kama at lumangoy sa dagat ng unan. Ang sarap magpahinga!

Nagulantang na lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Chris siguro iyon. Nang sinilip ko ang sender, unknown number

At home na? James here. :) I'll text you the details tomorrow. Too tired eh :( good night and sweet dreams, Alexis. :D

Weird. Sabi niya ako muna ang magtext para malaman niya ang number ko. Kinuha ko ang calling card niya at tumugma nga ang mga numero sa screen ng phone ko. San niya nakuha ang number ko? Weird.

Reply ko:

Paano mo nakuha number ko?

Agad naman siyang sumagot.

"Ako pa ba? I find ways. Hahaha! Stella. Nakuha ko kay Stella."

Naatat masyado? Kaya hiningi na sa iba? Tss.

"Ahh, sige. Details na lang tomorrow. Thank you :) good night din :D"

Nagreply siya ng smiley at dineadma ko na iyon.

Sumunod naman nagtext di Chris na nagsasabing nakauwi na siya.

Pagod na pagod ako kaya mabilis akong nakatulog. Pagkagising ko naman, bumungad naman agad sa akin ang good morning text ni Chris, at ang mga details ni James.

Hindi ako masyadong nagkumahog sa pagkilos sapagkat sakto lang naman ang gising ko.

Nasermonan ako ng kaunti nina mommy at daddy. Hindi lang masyado kasi kakapusin ako sa oras.

Heto ako ngayon, nasa cafeteria. Puro grad practices lang naman. So, petiks lang.

Chineck ko ang IG account ko at nakitang finollow ako ni Yassi. Siya lang naman ang nakaagaw ng pansin ko. Nakita ko rin ang mga pumuri sa IG post ko last week. Yung nag cover ako sa isang magazine.

Hindi ko sila lahat narereplyan but kung alam niyo lang kung paano nila napapataba ang puso ko. Sobrang heartwarming ang kanilang pagsuporta.

Natapos ang araw ng wala akong nagawang productive. Sobrang boring pa. Hindi ko pa nakasama si Ste dahil sa dami ng ginagawa niya. I understand naman.

Nagfocus ako sa mga binigay na detalye ni James. Madaming requirements. May pagkamahal din ang nga fees pero siguradong aalagaan ka ng agency. Pagkatapos na siguro ng graduation ako magseseryoso diyan. Hindi naman siguro mawawala ang opportunities diba?

Ganun lang din ang nangyari sa buong week. Jusko nakakaburyo! At least hindi hell week di ba?

Nakakatext ko rin naman sina Yassi at James. Nagyaya din naman si sa 71 Gramercy. Pero guess what? Tumanggi ako! Paano ba naman hindi ako pinayagan ni commander! Wala pang isang linggong kami, pero lumalabas ang pagka possessive! Haaaaay!

A/N: Naks umaasenso ang mga reads! :D

(JaDine) PANSAMANTALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon