"Huy, sabihin mo na. Makikinig ako" kasulukuyan kaming nasa conference room kung saan laging gaganapin ang workshop. Dito kami laging magtitipon. Break time ngayon at kaunti na lang ay matatapos na ang session ngayon.Panay kulit niya saakin pero hindi ko sinasabi sa kanya kung anong iniisip ko.
Nasasaktan lang ako kasi parang walang pakialam ang boyfriend ko saakin. Hindi katulad ni James, na kaibigan ko lang, na laging nandyan para sa akin.
Hindi pa siya nagtetext simula nung graduation ko. Ano kayang pinagkakaabalahan nun?
"Halika na, guys! Back to work! Tapos na ang break!" Announce ng nagte-train sa amin.
Tinalakay ang lahat ng weaknesses at strengths ng bawat isa.
Shinare ko na takot akong iwanan mag-isa. Takot akong mahusgahan ng ibang tao. Takot akong masaktan. Sa kabigan man o sa ka relasyon. Takot akong iwanan.
Pinanghuhugutan ko ng lakas ng loob ay ang pamilya ko, wala ng iba. Lalung-lalo na ang Diyos. Siya ang may gawa ng lahat ng ito. Siya ang tanging sandalan ko. Ipinapaubaya ko na ang lahat sa kanya. Siya na ang bahala sa lahat.
"I'm a shy guy. Takot ako at nanlalambot kapag nakakakita ng maraming tao. May stage fright ako. Madalas akong atakihin ng anxiety, kaya minsan may mapapansin kayong hindi pangkaraniwan sa akin." Salita ni James sa amin.
"Lumalakas naman ako pag alam kong suportado ako ng pamilya ko o yung mga mahahalagang tao sa buhay ko" pagtatapos niya.
Mahaba ang naging sharing. Basic pa lamang ang naganap sa amin. At ayon sa facilitator na nag-guide sa amin, next week pa ang actual workshop.
......................
Hindi naging madali ang lahat. Lumipas ang ilang buwang pagwowork shop, may natutunan naman ako. May pagkakumplikado lang minsan. Naging mahirap ang pagaadjust, lalo na sa oras ng gising.
Hinahasa kami sa pagpeperform. Lalo na't next week na ang shoot ng music video ni James. Ito ang first experiment ng agency. Titignan nila kung gagana ba ang chemistry naming dalawa sa madla. At kung magwork, bibigyan nila kami ng big break. Gaya ng pagportray sa mga roles sa isang movie.
Pang apat na buwan na work shop na namin ito. Nandito ako ngayon sa office ni Boss Vix kasama si James. Ngayon na ipapakita ang mismong album ni James, na irerelease bukas.
Next week ang shoot ng MV, at mukhang matatagalan sa pagrelease nitong music video.
Nakapag rehearse naman kaagad kami. Natapos ito kahapon. Hindi naman ito dance choreography, sweetness lang naman ang ipapakita namin.
"So, I was saying na ito na ang naging outcome ng hirap at tiyaga mo, Mr. Reid. After ng higit kumulang 2 buwan, iyan na ang kinalabasan ng pagod mo" magalak na saad ni Boss Vix.
Ipinakita ni Boss Vix ang self titled album ni James at ngumiti. Isinilip namin iyon at kitang kita ang effort sa paggawa ng album case. Maganda ang harapan. Litaw na litaw ang pangalang "James Reid"
Maganda ang pagkakalayout dito."Thank you very much, Boss Vix. Thank you, thank you" overwhelmed na saad ni James sabay yakap kay boss.
"Next week na ang shoot ng music video. Nadine, be ready. Alam niyo naman ang gagawin diba?" Sambit ni Boss ng nakangisi.
"Opo. Next week na po iyon. Alam na po namin ni James ang gagawin." Sabay baling ko kay James na nakatitig sa album niya.
Natapos ang paguusap namin ni Boss. Nang matapos naman ang workshop, inihatid ako ni James sa condo unit ko. Ito ang niregalo saakin ni Kuya Kiel nung 18th birthday ko. Nagpasalamat ako kay James sa paghatid sa akin, at cinongratulate siya sa unti-unting success na natatamo niya.
Nang nakaalis na si James, tuluyan na akong pumasok sa unit ko. Naisip ko lang na, bakit si Chris, thrice a week lang kung magtext? Pero si James, halos minu-minuto. Siya itong boyfriend ko, pero magmula nung sinagot ko siya, parang label lang yun. Parang wala ring saysay.
May times na sweet siya, may times na cold siya, pero madalas, parang walang pakialam. Katulad nitong experiment na ito. Sasabak ako sa isang love team, pero parang wala lang sa kanya. Hindi naman sa gusto kong tumutol siya, parang wala lang kasi ang lahat. Parang feeling ko nga mas napapamahal pa ako kay James kaysa sa kanya. Erase that thought!
Si James, sweet siya. Lagi niya akong inaalala. Lagi siyang nasa tabi ko. Lately, si Chris napakacold. Ano kayang problema nun?
Naputol ang iniisip ko ng may biglang nagdoor bell. Agad ko itong binuksan at nabigla sa tumambad sa pintuan ko.
He was standing at my door. He was carrying a bouquet of flowers.
Nayakap ko siya bigla. How I miss my man. Hinalikan niya ang noo ko at tuluyan ng pumasok sa unit ko.
"Where have you been? It's been 2 weeks. Hindi ka man lang nagtext? Mahal mo ba talaga ako?" Nagaalala kong tanong kay Chris.
"Of course, Nadz. Bakit mo naman naisip yan?" Saad niya pero hindi makatitig sa mga mata ko.
"Hindi ka man lang kasi nagpaparamdam sa akin. Ano na? Hindi ka man lang nagtetext or any update man lang nang makacope up naman ako sa mga nangyayari sayo. Parang wala lang kasi ako. Remember, may 'tayo' diba?"
Hindi siya makaimik. Kahit na namiss ko siya, hindi ko pa rin mapigilang ibulalas sa kanya ang sama ng loob ko.
"Stop this nonsense, Nadine." Seryoso niyang sambit at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko siya pabalik.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang guilt. Anong nangyayari sayo, Chris? I'm so confused. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.