Ch.2 - Awards Night

2K 136 6
                                    

Is this some kind of joke?


I watched Hazel received her undeserving award. Just like everyone in this coliseum, I am beyond shocked by these unforeseen results. "What the actual f*ck? What happened?", rinig kong komento ni Madam Arci.


After mag-speech ni Hazel sa stage ay bumaba na ito. Hawak ang trophy, nakita ko siyang tumingin sa gawi ko at ngumisi. 


The nerve of that girl!


I cannot take this embarrassment. Tumayo ako at agad na naglakad paalis. I know that there will be a lot of articles about me tomorrow but that's tomorrow's problem. Lakad-takbo na ang aking ginawa makalabas lang sa letcheng award show na ito. Dumiretso ako sa ladies room, nagulat pa nga yung ibang mga nandoon pero wala na akong pakialam.


"EVERYBODY OUT!", sigaw ko sakanila na siyang nakapagpaalis sakanila. Agad na ni-lock ko yung pintuan para walang makapasok. 


"AAAHHH!!! That Hazel bitch!", I'm furious and embarrassed right now. "At sinong head ng NAFT ka nakipag-sex para manalo ng main award?"


The voting poll was so obvious that I should've won. Ako yung nangunguna sa botohan samantalang si Hazel ang last. Baliktad na ba basehan ngayon? 


"Grrr.. Hazel. Sa tingin mo palalampasin ko ito?"


Pati yung mga ibang projects na dapat saakin ay bigla na lang naka-cancel tapos malalaman ko nalang na napunta sakaniya. Noong una, hinayaan ko lang, isa, dalawa na endorsement lang naman eh. 


Pinalampas ko rin ang ilang mga dapat na guesting ko sa ilang mga shows. Pero yung time na napunta sakaniya yung main lead role ng isang drama series ay napuno na ako. Kinausap na ako ng casting director na ako yung kukuning isa sa mga bida dahil sa nagustuhan nila audition ko.


Yes. Lahat ng cast ay dadaan muna sa audition pero itong hinayupak na ito, hindi dumaan sa audition process pero napunta sakaniya yung role na dapat ay akin. Nung time na pipirma na ako ng kontrata ay bigla nilang binawe. Kahit na inis na inis na ako ay hinayaan ko nalang sila pero sa loob-loob ko sinusumpa ko na sana mag-flop ang series nila.


Pero siyempre yung team ko ay hindi matahimik sa mga nangyayari kaya naman itong si Madam Arci ay kumalap ng chismiss at doon namin nalaman na kahit walang ka-talent talent itong si Hazel ay nakukuha niya yung mga roles dahil sa nakikipagsiping siya sa mga heads. Iba na pala talaga ang audition process ngayon?


I tried to calm myself. I need to go back there even though that award show is full of sh*ts. I need to show everyone that I am not affected by the unexpected turn of events, though I'm furious inside. For the sake of the fans who support me and believe in me, I will show them that I am fine.


After fixing myself, I texted Madam Arci that I'd be heading back to the award show. Pagkalabas ko ng washroom ay may nabangga akong babae dahilan para mahulog yung hawak kong purse.


"Sorry", ani niya sabay pulot doon sa purse ko.


Wicked HeroineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon