Ch. 16 - I am an actress Part II

939 70 2
                                    

Tinignan ko ng mabuti yung itsura ko sa salamin. Kakatapos ko lang maligo at ginamit ko na yung color changing potion sa buhok ko.

Yung kulay itim na buhok ko ay pulang-pula na ngayon. Agad kong kinuha yung mga gamit na binili ko kahapon sa shop. I wonder, kung gaano katagal ako mag-aayos. This will be a lot of work.

Pagkatapos ng tatlong oras na pag-aayos, kinuha ko yung binili kong lipstick kahapon at sinimulang ilagay sa labi ko. Tulad ng buhok ko ay pulang-pula rin ang labi ko.

And for the final touch, nilagay ko na rin yung color changing potion sa mata ko. Ilang sandali lang ay naging kulay gold yung mata ko.

"Hmm?", tinignan ko ang aking sarili sa salamin with paikot-ikot pa.

Kulot na buhok. Makapal na make-up, nangingitim na eyeliner at pulang-pulang labi. Inayos ko na rin yung red dress na binili ko kahapon. Bahagya kong inayos yung parteng dibdib ko para ma-emphasize yung cleavage ko.

"Mukhang papasa naman akong prostitute", ani ko sabay ligo ng pabango. Haha!

Yung nakita kong shop kasi kahapon ay shop para sa mga prostitute. Very perfect for my second disguise.

Lumabas na ako ng Inn at tulad ng inaasahan ko ay lahat ng tao ay napapatingin saakin. Ikaw ba naman makakita ng babaeng halos kita na ang kaluluwa. Yung slit kasi nung damit ko sobrang taas.

Lumakad na ako papalabas para pumunta doon sa shop na pinupuntahan ni Elliott. Doon ko balak gumawa ng eskandalo. Hindi ko nalang pinansin yung mga grabeng nakatingin saakin.


Malapit na ako sa shop nang makita ko si Elliott saktong papalabas. Bago pa siya umalis ay agad akong  tumakbo papalapit sakaniya. "YOU!", sabay turo ko sakaniya.


Napakunot noo naman siyang napatingin saakin. Napansin ko ring may mga mangilan-ngilan na napatigil at nanood sa mga susunod kong gagawin.


"Is that just it? After indulging yourself, you're just going to leave as if nothing happened?! You didn't even pay me!", with pagduro-duro pa sakaniya.


At dahil sa mga pinagsasabi ko nanaman, yung mga tao ay napasinghap.


"Are you crazy? What the heck are you talking about?"


"And now you're calling me crazy? Just some advice, if you want to have sex with a prostitute, make sure you have money to pay them, okay? And don't you dare come back, you stingy bastard!", huling sigaw ko sakaniya sabay takbo paalis.


Hindi ko na hinabaan yung drama ko doon dahil napansin kong papalapit na yung ibang mga kasamahan niya sa magic tower. It's so obvious since they are all wearing robes.


Nang makalayo na ako ay tumigil na muna ako saglit para magpahinga ng kaunti dahil sa napagod akong tumakbo. Idagdag pa na naka-heels pa ako. Pero dahil sa pinagtitinginan ako dahil sa itsura ko ay naglakad na ulit ako para makabalik sa Inn.

"Well, look what we have here", may tatlong mukhang unggoy ang humarang sa aking dadaanan. Tinignan pa nila ako mula ulo hanggang paa na akala mo nakakatuwa.


Agad ako umiwas at nilagpasan sila. Pero hindi ko alam kung saan nila kinuha yung kapal ng mukha nila para hawakan ako. "Hey, hey, hey. Why are you in such a rush? It's still early. Entertain us with your beautiful golden eyes".

Wicked HeroineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon