Two

68 19 1
                                    

💫: SHOOTING STARS


-----------------


"Aurum? Pwede bang ibigay mo ito saglit kay Felip?" sabi ni Ate Rose. Agad akong ngumiti atsaka kinuha ang isang bucket meal ng fried chicken na inorder namin kanina. Kinuha ko ito tsaka pumunta sa may dancing area nila.


"Hoy! Pang-ilang days na tayong nagpa-practice?" sabi ni Justin, habang nagva-vlog.


"Hoy lang! Walang paggalang?" sabi ni Sejun habang seryosong nakatingin kay Justin, pero tinawanan lang siya. Kakatok sana ako sa may pintuan pero-


"Aurum?" sabi ng isang baritonong boses kaya napalingon ako. Si Stell pala. Agad akong napangiti.


"Ah, ibibigay ko lang sana kay Felip?" sabi ko na medyo natatawa.


"Naks, naka-Felip ah? Ken na lang, baka mamaya bigla tayong awayin nun eh. Hoy, Ken!" sigaw ni Stell dahilan para mapalingon ang buong member sa akin. Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Justin. Si Josh nakangiti lang. Si Sejun, tumingin lang saglit tsaka bumalik sa ginagawa niya. At si Felip...

"Salamat. You can go." sabi nito at saka kinuha ang bucket meal sa kamay ko. Medyo nataranta ako pero okay pa naman ako. Agad akong tumalikod at bumalik sa office.

"Salamat, Aurum! Napaka-sungit naman nitong si Manong." rinig kong sigaw ni Stell. Agad akong napailing. Umupo ako sa assigned area namin at natulala. Tinapik-tapik ko muna yung sarili ko tsaka bumuntong hininga. Napapikit pa ako tsaka muling tumayo.


"Are you fine?" sabi ni Ms. Hong. Agad akong ngumiti tsaka tumango. Nakakahiya naman kung nakikita nila akong ganito. It's been a week since I started my job here. And so far, ang ganda ng management dito. Agad kong nilapitan si Kuya Mark at saka kinuha ang dala-dala niyang mga boxes.


"Salamat naman Aurum at tinulungan mo ko. Nakakaloka!" sabi ni Kuya Mark tsaka tumawa. Papunta ulit kami sa may dancing area kaya nagtanong ako sa kanya.


"Kuya, ahm... Pwede ba talaga tayong pumasok sa dancing area nila?" sabi ko tsaka narinig ang kanta nila. Nakita kong nagsasayaw silang lahat maliban kay Felip.


"Pwede naman. Lalo na't personal assistant tayo, gurl. You know? The access..." rinig kong humagikhik ng tahimik si Kuya Mark tsaka ibinaba ang mga kahon na dala namin. Tinulungan naman ako nito sa pagbaba ng mga boxes. Narinig kong pumalakpak ito tsaka tinawag silang lahat.


"Guys, andito yung damit ninyo for photoshoot tomorrow. Pwede kayong magpalit mamaya kase titingnan naming lahat ang damit. 1 PM sharp. Aurum, ikaw na bahala dito muna ha." sabi ni Kuya Mark tsaka tinapik ako. Aangal sana ako pero bawal sa trabaho namin 'yun. Napangiwi ako habang tumatango kahit alam kong di naman sasagot si Kuya Mark. Agad akong bumuntong hininga tsaka hinarap ang lima.


"Ahm, meron namang assigned names yung mga boxes. Pwede na kayong magsukat. Maghihintay na lang ako sa labas. Tawagin niyo na lang ako kapag tapos na kayo, okay?"


"Dito ka na lang po. Meron naman kaming space dito eh. Mahirap na, baka di mo po kami marinig kapag tinawag ka namin." sabi ni Josh.

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon