Seven

44 20 5
                                    

💫: SHOOTING STARS


-----


It's already 8 am in the morning and mataas na ang sikat ng araw ngayon. Dala-dala ko ang mga damit nila na pamalit para sa music video na gagawin nila ngayon. Maybe, this is the music video that they're pertaining the time that I got accepted here. It's been a 6 months, I've guess? I really don't know. I've lost of counts.


Kaagad kong ni-hanger ang dala kong damit at inayos ng lagay bago ayusin ang sarili ko. I'm wearing a sneakers, square pants and fitted v-neck shirt since I'm helping only the crew. Kaagad kong pinusod ang hanggang bewang ko na buhok into a messy bun. Wala na akong oras magpaganda pa! Still, a messy bun will do for this.


"Kly, meron pa sa baba! Pakikuha naman, thank you!"


Kaagad akong bumaba at kinuha ang ibang damit nila. Maraming tao ngayon sa set kasi last scene na yata ito. And finally, makakakuha na rin ako ng matagal-tagal na break after this.


"Pakihanda naman po ng blue set!"


Kaagad kong kinuha ang lahat ng blue na meron sa dala ng team. Maingay ang paligid kaya kailangan mong sumigaw. Medyo malakas din ang sounds dito habang hinihintay pa ang iba.


"Klysenth!"


"Yes po?!"


Agad akong tumakbo palapit kay Ate Rose. May kinuha siya sa bag niya bago iniabot sa akin. Foods for the Go Up Team. Kaagad akong ngumiti.


"Kaya mo ba?" Ate Rose asked while smiling.


"Kaya po, Ate. Isasama ko na lang si Kuya Roel para mas mapabilis."


Aalis na sana ako pero bigla akong tinawag ni Stell dahilan para hatakin ako papasok ni Ate Rose sa make-up room ng lima. Kaagad akong ngumiti sa kanila. Agad naman akong nagpaalam bago umalis. Kung ano-anong kalokohan lang naman ang pinagsasasabi ni Stell kaya pinaalis na rin ako ni Ate Rose.


"Kuya Roel, SM po tayo!" Kaagad akong sumakay at umalis din kami. Matagal din kaming nakarating dahil medyo traffic kahit Thursday pa lang naman ngayon.


Naghati kami ni Kuya Roel ng bibilhin dahil medyo marami 'yon. Siya na ang pinabili ko sa drinks at ako naman na ang sa food. Sinabi kong magkikita kami sa counter #4 bago kami maghiwalay. May alloted budget naman sila for the foods pero sinubukan ko pa ring mas magtipid sa pagkain, pero alam kong mabubusog sila. Kaagad akong napatigil ng nakita ng vision ko si Aiden with a girl. Dala-dala ang pinamili ko, sinundan ko sila ng tingin.


Maraming humaharang sa tinitingnan ko hanggang sa nawala na lang sila sa mga mata ko. Kaagad akong napailing at binalewala 'yon. Namamalik-mata lang ako siguro. Dumiretso na ako sa counter #4 at nakitang naghihintay na si Kuya Roel doon.


"It's 5,000 Ma'am!"


"Here's the card for it."

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon