Fifteen

38 20 8
                                    

💫: SHOOTING STARS


----------------


Pasado alas-9 na ng umaga nang makarating kami sa Laguna. Kanya-kanyang kuha kami ng gamit namin sa likuran ng van bago pumasok sa hotel room na malapit lang sa Enchanted Kingdom. Natatanaw ko rito ang tuktok ng ferris wheel, kung hindi ako nagkakamali ng tingin.


"First time mo rito, Klysenth?" Trina asked on me. I nodded at her and smiled.


Nauna na si Xi sa amin papuntang lobby para mag-check in kaming lahat. Siya kasi ang pinakang-head namin dito sa team namin. Sumunod na rin kaagad kami ni Trina dahil maiiwanan na kami. Binilang muna ni Xi kaming lahat bago namin kinuha ang kanya-kanyang key card namin.


"Buti na lang, magkasama tayo ulit." Xi smiled at me before she opened our room.


Our room was located in the front view of the hotel. And I can say that it was a nice view. We're facing on the view deck near the swimming pool area. The white and beige color room looks like we are trying to relax. Minimalist, kinda aesthetic, and magaan lang sa pakiramdam ang vibes ng silid na ito.


"Gagala raw muna tayo for today, pwede ring magpahinga bago tayo pumunta sa EK."


Binagsak ko ang katawan ko sa kama at nagtalukbong ng kumot. Gusto ko pang matulog, ayokong gumala. Pero gusto ko ring gumala at mag-picture roon para lang makakuha ng remembrance. Bahala na mamaya. 


Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng jacket ko. Hindi ko 'yon pinansin, baka si Joy lang 'yon. Hindi rin naman nagtagal ang pag-vibrate n'on at nakatulog na rin ako kaagad.


"Klysenth..."


"Hmm, five minutes..."

"Klysenth, kanina pa tumutunog ang cellphone mo..."


"Please lang, mamaya na." Sabi ko bago nagtalukbong ulit sa kama.


"Tumatawag si Ken, kanina pa. Ako ang inaabala."


Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa jacket at sinagot ko 'yon. Napahilamos muna ako bago ako tumayo bago uminom ng tubig.


"Hello?"


"Why took you so long to answer your phone?"


"Nakatulog ako, I'm sorry..." I almost whispered.


I heard him sighed. "I'm sorry, I just... Damn, I lost my words right now."


I chuckled before I answer, "It's okay. Namiss mo kaagad ako 'no?" I teased him.


"Klysenth, tara! Labas tayo!" Sigaw ni Xi. Kaagad akong tumango.


"Gagala ka? Nag-aayos na ako ngayon ng gamit ko, baka mamaya umalis na rin kami."

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon