Eleven

33 18 4
                                    

Shooting Stars


-----


"From the top!"


Kaagad akong lumapit kay Ate Rose nang matapos ang kanyang ginagawa. Nakita kong busy rin talaga ang lahat bago ang final decision coming from the head. Nilapag ko sa table niya ang mga papel na hawak ko kanina habang pinapanood siyang mag-direct sa mga staffs. I'm sure naman na naka-ayos na ang mga damit na gagamitin for the event. Nakaayos na rin ang mga sapatos, and I'll make sure na ayos na ang lahat before leaving.


"Paki-ayos na lang nitong may mga red pen, Kly. Ayos naman ang iba, so make sure na smooth ang magagawa natin. Okay?" She smiled at me before I nodded.


"How about the lunch po?"


"I already contacted the staffs of that restaurant. Kuhain mo na lang sa baba. And make it sure na kumpleto ang lahat, okay? Medyo short tayo sa budget ngayon dahil dito."


I genuinely smiled at her. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Dahil kahit ang lima mismo, alam nila 'yon. Mataman kong tinitigan sila Stell habang nagsasayaw. Halatang pagod na sila, pero go lang. Kibit balikat akong umalis doon at pumunta sa isang designated room for the staffs. Kaagad kong nilapag ang mga papel doon at napahilot ng sintido. Stress is making me hard on myself this time.


Naramdaman kong may pumasok sa room habang hinihilot ko ang sintido ko. Napansin ko sa salamin na silhoutte ni Xi 'yon. Mukhang napansin din niya yata ang tingin ko kaya pumikit ako at tinuloy ang ginagawa.


"Ako na." She insisted. I smiled mentally.


"I'm really sorry, Xi."


"Alam ko ang lahat, Klysenth. Wag mo nang i-kwento sa'kin." Sabi niya bago nilagyan ng konting vics ang sintido ko.


We keep our silence for a long time bago kami bumuntong-hininga. It's been 2 weeks since we didn't talk. Kaagad akong humarap sa kanya at niyakap siya. She just laughed and pat my head like a dog.


"Finally, ayos na rin kayong dalawa."


Kaagad kong nilingon ang boses na 'yon, and Josh smile welcome at me. Ngumiti rin si Xi na para bang may ibig siyang ipahiwatig. Kaya kunot ang noo'ng binalingan ko ng tingin ang dalawa. Pero tumawa lang sila parehas.


"Ang fishy niyo ha." Sabi ko bago humarap muli sa lamesa at pinagpatuloy ang gawa.


"Si Josh ang daan kung bakit ko nalaman ang lahat, Kly. Kaya chill, okay?"


I nodded. "Sige, kung diyan kayo masaya. Masaya na rin ako." Sabi ko bago tumawa. Kaagad kong chineck ang mga papeles na ito bago nagseryoso sa ginagawa ko. Naramdaman kong umalis silang dalawa kaya napayapa akong gumawa nito.


Mayamaya rin lang ay tumayo na ako para kuhain ang pagkain na hinihintay ng mga staffs na kasama namin. Buti na lang at tinulungan ako ni Kuya Roel na buhatin ang mga 'yon kaya napadali ang trabaho ko. Napansin kong tahimik ang lahat kaya nag-dahan-dahan kaming pumasok doon. Pero walang tao akong nakita.

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon