💫: SHOOTING STARS
Pasado alas-10 na kami nakarating ni Xi sa terminal. May isang oras pa ang biyahe papunta sa amin. Kumain lang kami sa bukas na fast food chain dito bago sumakay ng van pauwi sa General Luna. Buti na lang naabutan namin ang last trip dito.
Kaagad kong kinuha ang phone ko bago tinawagan si Therese na nasa grand terminal na kami, and almost an hour ay nasa bahay na ako. She's waiting on me sa may balcony daw niya since may ginagawa pa rin siya.
"Accla, nakita mo ba yung circulating chismis sa atin?" Sabi ni Xi habang inaayos ang bag niya na nasa paa niya.
"Anong chismis?" Sabi ko habang kumakain ng fries.
"Pogi raw ang kuya mo!" She laugh on that.
"Siguraduhin mong mas pogi pa kay Josh ha."
Natulog kami ni Xi sa buong biyahe namin. Nauna lang siyang magising ng mapansin naming nasa Pitogo na kami. She kept telling me stories so that I would be awake throughout the trip.
"Accla, mauuna na akong bumaba sa'yo ha."
I nodded on her before the van stopped on our destination. Sumunod din ako matapos niyang makababa bago pumunta sa likuran ng van para kuhain ang mga bagahe naming dala.
"Let's take a beauty rest for a weeks! Gala tayo sa dagat ha!" Sigaw niya dahilan para mag-ingay ang mga aso.
Kaagad kong nakita si Therese na nasa balcony ng kwarto niya habang kumakaway sa akin. Kinuha ko kaagad ang pasalubong ko para sa kanya bago niya binuksan ang pintuan ng bahay.
"Hi, Ate!" She happily said before she get her gifts.
"Nasaan sina Mama't Papa?" Tanong ko habang pinapasok ang iba ko pang gamit.
"Nasa Lucena, doon daw nila hihintayin yung matagal na nilang hinihintay." Sabi niya bago nagkibit balikat habang naghahain sa kusina.
"May ulam?" Tanong ko bago sumunod sa kanya dala-dala ang Jolibee na binili ko para sa amin.
She laugh on me before nodded. Mukhang nakuha naman niya ang sarcasm ko kaya nilabas niya ang ulam na niluto niya dahil paborito ko 'yon. Kaagad siyang naghain ng plato at baso bago kumuha ng maiinom sa refrigerator bago umupo. Inilabas ko naman ang bucket meal na binili ko at ang mga fries. Both of us uttered a prayer before we dig in.
Sa sarap ng pagkekwentuhan namin habang kumakain, hindi namin namalayan ang oras. Mag-a-alas dos na ng madaling araw nang matapos kaming maghugas ng pinggan. Nauna ng umakyat si Therese sa kwarto dahil may pasok pa yata siya bukas. Ako na ang nag-asikaso ng mga damit ko sa katabing kwarto niya. I'm having a good moments with her right now. I hope it'll lasts.
Kaagad kong ibinagsak ang katawan ko sa manipis na kama dahilan para mapadaing ako sa sakit. Tumama pala ang hita ko sa kawayang papag na pinagawa ko noon bago ako umalis. Binalewala ko 'yon at kaagad na nakatulog na rin dahil siguro sa pagod maghapon pati na rin sa biyahe namin.
BINABASA MO ANG
Shooting Stars
Fanfiction"You heard her, right?" He said while staring at him with his fierce and killer eyes. "Now, leave. She doesn't deserve a man like you, scumbag." Ken Suson is an aspiring artists working together with Klysenth Ortigas as one of the staff in their com...