💫: SHOOTING STARS
-----
After we talked about that thing, umalis na rin ako. I watched her jog happily like she saw something unexpectable from me. I looked at my bruise in the left shoulder. There it is. A sign of a gunshot wound.
"Ken, si Aurum ba 'yon?" sabi ni Stell habang inaabot sa akin ang isang paper bag na pinabili ko. Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.
Kaagad kaming naglakad ni Stell papunta sa kabilang kanto. Balak niyang matulog sa office since maaga raw ang schedule namin bukas. Wala namang problema sa akin kung uuwi ako ngayon. Sasamahan ko lang muna itong mamili ng makakain niya sa office. Napatigil ako sa isang shop kung saan may nagbebenta ng mga stuffed toy. Mukhang napansin din ni Stell ang nakita ko kaya napatigil siya sa paglalakad.
"Bibili ka? Mura lang oh, buy 1 take 1 for worth 100 lang." sabi ni Stell habang naglalakad palayo sa akin. Kaagad akong sumunod kay Stell at nakipili na rin.
Nakakita si Stell ng isang stuffed toy na manok at binigay sa akin. Tumawa tuloy ako dahil sa ginawa niya. Nakita kong bumili siya ng isang round neck stuffed toy na kulay asul at isa pang round stuffed toy. Kaagad akong kumuha rin ng isa pa at sumabay kay Stell sa pagbayad.
"Ibibigay ko kay Aurum 'tong isang round neck, nakakaawa naman kasi everytime na may out of town tayong biyahe."
"Same..." I almost whispered.
Kunot ang noo'ng tinitigan ni Stel bago ngumiti. Bago niya iniabot ang paper bag na dala ko, may sinabi pa siyang hindi ko maintindihan dahil nagpplay ang music sa earpods ko. Sana hindi kalokohan 'yon. Matapos namin sa tindahan na 'yon, dumiretso kami sa isang kanto bago lumiko ulit diretso sa building. Pasado alas-7 na ng gabi. Hindi rin maluwag at mahigpit ang security namin noon. Pero dahil sa nangyari last month, mas nag-double ang security ngayon.
Nakita kong bukas ang lobby kahit walang tao. Narinig kong may kumakanta kaya agad kong nilingon si Stell pero binalewala niya lang ako. Pagkarating namin sa 1st floor, nakita kong naka-earphones si Aurum habang tumutugtog ng gitara ni Sejun. Naku, lagot 'to! Kaagad namang pumalakpak si Stell kaya nabigla si Aurum dahilan upang tumigil sa pagkanta. Gulat siyang tumingin sa akin bago inilipat ang tingin kay Stell at ngumiti.
"A-ano... Anong ginagawa niyo rito? Di ba dapat umuwi na kayo?" sabi niya habang itinatabi ang gitara.
Nilapag ni Stell sa lamesa ang mga dalang pagkain niya at nilabas iyon isa-isa. Kaagad namang dumalo si Aurum bago ako sumunod sa kanila.
"Andami naman nito! Grabe ha, spoiled na ako!" sabi nito tsaka tumawa.
"Assumera mo naman, para sa akin ang iba diyan. Ikaw, napapaghalataan ka!" sabi ni Stell habang tumatawa.
Kaagad namang inabot ni Stell ang paperbag na naglalaman ng binili niya kanina para kay Aurum. Kunot-noo naman itong tinanggap bago tiningnan.
"Hala, ba't mo ko binilhan nito?" sabi niya at nilagay sa leeg. Para sukatin, siguro.
BINABASA MO ANG
Shooting Stars
Фанфик"You heard her, right?" He said while staring at him with his fierce and killer eyes. "Now, leave. She doesn't deserve a man like you, scumbag." Ken Suson is an aspiring artists working together with Klysenth Ortigas as one of the staff in their com...