💫: SHOOTING STARS
-----
It was a normal Thursday for me. For almost 2 weeks, kinalimutan ko na ang dapat kong kalimutan. Well, it doesn't matter naman. Kinuha ko ang mga iilang paper works bago sinimulang gawin 'yon. Hindi naman na gaanong busy. Baka next week, siguro since music launch na nila.
"Kly, lunch?"
Kaagad akong ngumiti sa kanila bago itinabi ang mga gawain. Gawain lang kayo, nagugutom na ako. Kaagad akong sumama kina Xi-Anne. We talked something about our works when someone interrupted us.
"Lunch?"
Both of us stare at him. Xi-Anne looked at me like I was something to explain for her. But the truth is, I don't have. Kibit-balikat akong lumagpas sa kanya bago ako tumuloy.
"Kly! May binili na si Ken for us! Pumunta ka na dito, now!" Xi-Anne shouted. Great! Another talk of the town, nice one.
Pigil ang hininga kong umupo sa tabi ni Xi-Anne, para hindi halatang ayokong may makasama sa pagkain. Actually, ayos lang naman talaga sakin na hindi ko siya nakakausap or nakikita kase mas hindi nakaka-tense ang paligid.
Agad akong ngumiti ng peke ng iabot sa akin ni Ken ang isang plato. Magpapasalamat na sana ako kaso ganun din ang ginawa niya kay Xi-Anne. Hilaw akong ngumiti kay Ken bago sinimulan ang pagkain. Much better siguro na bilisan ko na lang kumain para hindi na rin ako magtagal. Masayang nagkekwentuhan ang dalawa. Samantalang ako, nag-iisip Plano kong tapusin ang gawain ko. Pasimple kong tinitigan sina Xi-Anne at Ken pero-
"Bakit di mo inuubos yung pagkain mo?" Ken said loudly.
Kaagad akong ngumiti ng hilaw at tsaka tumayo. Busog na tuloy ako dahil sa nararamdaman kong titig ng mga tao dito. Like, hello? Sinong matutuwa sa attention na binibigay sa'yo? Siguro, yung iba matutuwa. Pwes, ako hindi.
Kaagad kong kinuha ang tray at umalis sa kinauupuan naming tatlo. Not minding the stares and whispers coming from the people around me. Nakakapagod kaya ang ginagawa ko, papagurin ko pa ang sarili kong makinig sa iisipin nila?
"Kly! Wait!"
Binilisan ko lang ang paglakad ko at hinayaang habulin ako ni Xi-Anne. Napabuntong hininga tuloy ako ng makaupo ako sa table ko at binagsak ang mukha sa kumpol ng papel na nasa harapan ko. Narinig kong bumukas ang pintuan at narinig si Xi-Anne na dahan-dahan pang lumalakad papunta sa'kin.
"Xi-Anne..."
"Kly, I'm sorry! Hindi ko naman ginusto yung nangyari eh! Promise! Gipit lang ako kaya pinatulan ko yung libre ni Ken! Promise, di na mauulit 'yon!"
Iniangat ko ang tingin kay Xi-Anne at nakitang parang nagpapanatang makabayan siya. Kaagad akong napangisi dahil sa kalagayan niya. Napailing ako at sinimulan ang gawain. Kaagad kong kinuha ang cellphone at earphones ko para simulan ang maraming gawain. Nakita kong nakatayo pa rin si Xi-Anne sa harap at nakayuko habang tinatapik-tapik ang paa niya sa sahig.
BINABASA MO ANG
Shooting Stars
Fanfiction"You heard her, right?" He said while staring at him with his fierce and killer eyes. "Now, leave. She doesn't deserve a man like you, scumbag." Ken Suson is an aspiring artists working together with Klysenth Ortigas as one of the staff in their com...